Athena Hindi siya kumatok nang pumasok siya sa loob ng kwarto. Alam naman siguro ng lalaki na ang babaeng pinili nito ang dadating at wala ng iba pa. Kinakapa niya ang pader hanggang sa masara na niya ang pinto at nanatili doon saglit. Parang ganitong-ganito ang nangyari sa kanya noong una, parang bumalik lang siya. Hinintay niyang may magsalita na lalaki sa loob ng kwarto para palapitin siya, pero wala siyang narinig. Siguro naman alam nitong nakapiring siya dahil ito rin ang may request no'n. Ang ginawa niya ay lumakad siya palapit sa kama ng dahan-dahan, pero nagulat siya nang may humawak sa kamay niya, para alalalayan na makaupo. Nakakunot ang noo niya dahil ang tahimik talaga sa loob, hindi rin talaga ito nagsalita. Pipi kaya ito? Pero binalewala na lang niya hahayaan na lang niya

