Athena Habang pauwi ay sinisisi pa rin niya ang sarili dahil tinulugan niya ang customer niya. Sa pagmamasahe nito sa paa niya doon siya inantok e, dapat pala tumanggi talaga siya. Nang nakababa na sila ni Gigi sa sasakyan ay nagtanong ito mukhang napansin ang itsura niya. "Kanina ka pa tulala habang naglalakad pasakay ng sasakyan, hanggang ngayon ba naman lumilipad ang isip mo." "Kasi may nagawa akong kasalanan." "Ano?" Umupo ito ng makapasok na sila sa loob ng bahay. "Tinulugan ko yung customer ko." Natigilan si Gigi at kumunot ang noo sa sinabi niya na 'yon. "Tinulugan mo ang customer mo?" "Oo." "Ha! Bakit mo naman ginawa iyon, Athena? Baka mamaya ay makarating kay boss 'yon." Hinawakan niya ang kamay niya ng madiin dahil mali naman talaga siya, pero hindi naman niya alam. Per

