Brix Papunta na naman siya sa bar ngayong gabi, pero bago siya umalis, naging armalite muna ang bunganga ng mama niya dahil aalis na naman siya at hating-gabi na naman daw uuwi kung kailan tulog na tulog na daw sila para hindi siya mapagalitan. Bukas aasikasuhin na niya ang paglipat ng condo. Napatingin siya sa passenger seat, iba naman ang dala niya ngayon, isang maskara na hapit sa mukha, pero ang mata ay mayroon takip na may maliliit na butas, ang ilong, at bibig lang ang nakikita. Hindi siya gagamit ng voice changer, hindi naman siya magsasalita ngayon, para hindi makahalata si Athena na siya na naman ang lalaking nakakasama nito o ang lalaking nagbigay ng one hundred thousand. Nag-park siya saglit, pero nakita niya si Athena na kadarating lang din, medyo hindi niya gusto ang damitan

