CHAPTER 34 (PART 2) ** NAIH POINT OF VIEW ** Nanatiling nakaupo si Avo sa sofa habang karga ang anak ko. Kung titingnan mo ay para talaga silang mag ama. Sana nga si Avo na lang ang totoong ama ni Zeke but we both know that he’s not. “Zarniah, I’m just wondering what happened last passed three years. I mean, wala akong naging balita sa ‘yo at nawala ka na lang bigla.” Sinulyapan niya ako. Kumuha naman ako ng fries saka kumain habang ang mga mata ko ay nakatitig lang sa television pero ang buong atensyon ko ay nasa kasama ko ngayon. “Nothing special. Like what I’ve said, I got pregnant then the rest happened. Si dad ang tumulong sa ‘min para makabangon ulit at ngayon I’m working at dad’s company.” Sagot ko. “Wala namang masyadong espesyal na nangyari. I’m still stuck i

