Chapter 34 (Part 3) * THIRD PERSON POINT OF VIEW * Nakatulala si Avo sa harap ng salamin ng kanyang opisina kung saan kitang kita niya ang kabuohan ng ka-Maynilaan. Parang kailan lang nang sinabi niya sa sarili niya na hindi na siya babalik sa lugar na 'to dahil sa mga nangyari sa kanila ni Zarniah. Hanggang sa nakita niya na nga ang sarili niyang binabalikan ang lugar kung saan sila nagsimula. He still remember the days he'd been through. Hindi madali ang pinagdaanan niya nang maghiwalay sila ni Naih at inaamin niyang nasaktan siya kaya kahit masakit ay lumayo siya. Ngunit ang hindi niya alam na ang paglayo niya pala ay mag dudulot ng sakit sa babaeng minamahal niya. "Good morning, Sir Hontiveros." Napahinto sa pag iisip si Avo nang pumasok ang kanyang sekretarya na si Miah. "What i

