CHAPTER 3

1704 Words
CHAPTER 3       “I exist in two places, here and where you are.”     Paulit-ulit kong binasa ang nakasulat ang naka bandal sa loob ng banyo ng mga babaeng istudyante. Napuno ng bandal ang loob ng banyo at halos lahat ay puro ka ek-ekan lang maliban sa linyang ‘to.   ‘I exist in two places, here and where you are.’ Sino kaya ang nagsulat nito? Anong ibig niyang sabihin? Napahilot ako sa sintido ko habang iniisip kung anong ibigsabihin ng linyang ‘yun? At higit sa lahat bakit kailangan ko pang isipin ang bagay na ‘yun? Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko saka tumingala at tumingin sa kalangitan.   “Bakit ko pa kailangang problemahin ang lintek na nakasulat sa banyong ‘yun kesa isipin ang future ko?!” galit na sabi ko habang nakatitig sa langit. Tumingin ako sa paligid at walang masyadong istudyante dahil halos lahat ay nasa classroom nila habang ako naman ay nagpaalam na magbabanyo muna ngunit agad rin akong tinamid na bumalik sa classroom.   Old habits die hard nga naman.   Pinili kong hindi na muna pumasok sa classroom at pumunta sa field. Lumapit ako sa puno sa gilid ng field saka umupo ron. Nakasuot ako ng P.E uniform at nakatali ang buhok ko. Kanina ay nag liptint na rin ako saka naglagay ng eye liner. Bakit parang ang rockstar kong tingnan?     Napabuntong hininga na lamang ako saka tumingala sa langit. Hindi muna ako papasok at kailangan ko munang mag-isip sa mga oras na ‘to. Kailangan ko ng peace of mind at hindi ko ‘yun magagawa sa loob ng classroom lalo pa at parang naipit na isda ang boses ng aming guro. Nakakainis at ako na lang lage ang nakikita niya. Oo, sinabi kong gusto kong maging top one sa klase pero pwede bang bigyan muna nila ako ng pagkakataong magstudy. Psh! Tao lang rin ako at hindi super human!   Muli kong binalikan ang nangyari sa kasalukuyan at bakit bigla na lang akong bumalik sa nakaraan. Ilang oras pa lamang ang nagdaan pero bakit pakiramdam ko ay unti-unti ko nang nakakalimutan ang nangyari sa kasalukuyan? Para bang hindi ko na lang namamalayang unti-unti na akong kinakain ng nakaraan.   Hindi pwedeng mangyari ‘yun dahil may mission ako. Ang mission ko ay mabago ko ang aking nakaraan, mabago ko ang mga bagay na pinagsisisihan ko sa kasalukuyan. Pinikit ko ang mga mata ko saka humiga sa damuhan. Naalala ko si Zeke. Alam kong may anak ako sa hinaharap, hindi ko pwedeng kalimutan ang mangyayari sa hinaharap. May anak ako at wala na si mommy sa panahon kung saan ako nanggaling. Tumingala ako sa puno na para bang may kinakausap ako ron.   “Kailangan kong gawin ang mission ko. This time, I will treasure every minute when I’m with my mom. Kailangan ko ring iwasan ang lalaking nagdala sa ‘kin sa mapait na kasalukuyan na ‘yun.” Wala sa sariling sabi ko.   “You didn’t tell us that you’re here, Naih.” Napalingon ako sa kararating na si Jenny kasama si Beberly at Angeline. Umupo sila sa tabi ko kaya napaupo na rin ako.   “What are you doing here?” tanong ko sa kanila habang pinapagpagan ang damit ko. Tumawa naman sila sa naging tanong ko.   “Parang lasing ka pa yata.” Biglang sagot ni Jenny. “Alam mo namang dito tayo pumupunta sa tuwing nagcu-cutting classes tayo.” Sagot nito at agad na nilabas ang lighter at yosi niya. Napakunot ang noo ko saka ako napaiwas ng tingin.   Muntik ko ng makalimutan kung gaano ako ka maraming bisyo nong kabataan ko. Nakalimutan ko yata kung gaano ako kalakas uminum ng alak at humithit ng yosi. Napabuntong hininga ako ng inabutan niya ako ng yosi. Napatitig ako sa yosi na inabot niya at pilit inaalala kung bakit nga ba pinasok ko ang mundong ‘to.   Ngayong nakabalik ako sa nakaraan ay para bang gusto ko na lang sakalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa mga ginawa kong katangahan at kabaliwan noon. Agad kong sinindihan ang yosi at hindi na ako nagulat na alam ko pala kung papaano hithitin ‘to. Napatitig ako sa kamay ko at nakangiting sinabi sa sarili kong ito na ang huling araw na magyoyosi ako.   “Anong nakakatawa?” muli kong hinithit ang yosi saka ko ito tinapon at tumingin sa paligid. Tumingin rin sila sa paligid at inabot ang yosi nila. “Walang makakakita sa ‘tin rito.” Nagkibit balikat ako saka ako tumayo.   “Papasok na ako –“ hindi makakabuti sa reputasyon ko ‘to. Kailangan kong magsimula nang walang kahit anong bisyo sa katawan. Hindi to magugustohan ni mommy at ayokong magalit siya sa ‘kin. Hangga’t maaari ay hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasasama ng loob ni mom.     “Gusto mo bang pagalitan ka ni Ma’am Elwina?!” tanong ni Angeline, “Paniguradong malapit na matapos ang klase niya. ‘Wag ka nang pumasok. Malapit na rin naman ang time.” Hindi ako sumagot at pinagpagan ang jogging pants ko. P.E ang last na klase na ‘min kaya kailangan kong pumasok dahil sayang ‘tong suot kong uniform.   “Mamaya 5:30 ang inuman. Sa bahay pa rin nila Jeric.” Ngumiti ako sa kanila. Gaya ng sabi ko ay hindi ako gagawa ng bagay na ikasasama ng loob ni mommy. Hindi ako tanga para bumalik sa nakaraan at para ulitin ang mga pagkakamali ko.     “Sorry girls, pero bawal na ako sa alak. Baka magalit sa ‘kin si mom –“ bigla silang natawa sa sagot ko kaya napahinto ako. “Bakit?”   “Nakalimutan mo na bang ang mga magulang mo rin ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na ginagawa na ‘tin?” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jenny saka ito tumingin kay Angeline at sabay silang tumayo. “Mamaya 5:30, ‘wag kang mali-late.” Saka nila ako nilampasan.   “Bigla ka yatang nagbago, Naih. Hindi ka na cool kasama.” Narinig ko pang sigaw ni Angeline habang papalayo sila.   Napatulala ako sa sinabi nila. Naalala ko pa naman kung anong buhay meron ako noon pero nang marating ko ang kasalukuyan ay don ko pa lang naisip na hindi cool ang ginagawa ko noon. Ilang beses akong lumabag sa gusto ni mom at ilang beses kong nilasing ang sarili ko. Ngunit ginawa ko ‘yun hindi para maging cool kundi para kalimutan ang problema ko sa pamilya ko.   Broken family was not my choice.   Kaya ngayong binigyan ako ng pagkakataong baguhin ang nakaraan ko ay gagawin ko ang lahat para mabago ito. Alam kong hindi ‘to magiging madali dahil pipilitin kong bagohin ang nakatakdang mangyari pero ngayon iniisip kong maaaring mabago ko pa ang hinaharap pag nagkataon.   “Mom! I’m here!” sigaw ko habang papasok sa loob ng bahay. Pag bukas ko ng pinto ay gulat na nakatitig sa ‘kin si mommy at si Zeah na ngayon ay nanunuod ng palabas sa TV. “What?”   Tiningnan nila ang orasan at saka binalik ang paningin nila sa ‘kin.   “Ate, ba’t ang aga mong umuwi?” hindi makapaniwalang sabi ni Zeah kaya tumabi ako sa kanila at inabot ang popcorn sa lamesa.   “Gusto kong manuod ng palabas kasama kayo.” Sagot ko saka kumain ng popcorn at hiniga ang ulo ko sa balikat ni mom at niyakap ang braso niya. “Mom, nakakapagod talagang mag-aral pero magsisikap ako para pagkatapos kong mag-aral ay maaga kang makapagretire at makaenjoy sa life.” Nakangiting sabi ko.   Agad na lumapit si Zeah saka niya hinawakan ang noo ko. Mabilis ko namang tinanggal ‘yun at tiningnan siya ng masama.   “Ate, anong nakain mo bukod sa popcorn? May kasalanan ka noh? Bakit bigla kang bumait at . .” saka niya nilapit ang ilong niya sa bibig ko at mabilis ko siyang tinulak. “Hindi ka pa lasing na umuwi. Absent ka yata ngayon sa beer house.”   Naalala ko pa ang sigaw nila Jenny at Angeline kanina nang makita nilang umuwi talaga ako at hindi sumama sa kanila. Seryoso akong babagohin ko ang buhay ko. Ang totoo niyan ay gustong gusto kong uminum ng alak kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi madaling gawin ‘yun dahil pilit kong binabago ang nakaraan. Napangiti ako.   “Simula ngayon ay magbabagong buhay na ako.” Umupo ako ng maayos saka ko tiningnan si mom. Gusto kong maluha habang nakatitig kay mom. Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay si mommy at nandito siya sa harapan ko. “I promise I will not do it again mom. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasasama ng loob mo, mom.”   “Ate, seryoso ka? Ngayon ka lang yata naging ganyan kay mom eh halos buong buhay ka namang rebelde.” Hindi ko pinansin ang letseng kapatid ko at saka ako ngumiti kay mommy. Nakatingin lang si mom sa ‘kin na para bang naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko, na para bang meron siyang alam.   “I love you, mommy.” Saka ko niyakap si mom. Naramdaman ko ang pagyakap ni mom at inaamin kong nakakaramdam ako ng awkward sa mga oras na ‘to pero hindi ko pinansin ang bagay na ‘yun dahil darating ang araw na hindi ko na magagawa ang bagay na ‘to at maaring pagsisihan ko na hindi ko man lang nayakap si mom. Baka pagsisihan ko pa na hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko siya. Pinunasan ko ang luha ko at mas niyakap si mom.   “Sssshhh. Don’t Cry, Zarniah. May problema ka ba?” umiling ako sa tanong ni mom. Problema? Wala akong problema at masaya lang talaga ako dahil kasama ko na ulit si mommy.     “Ate, naiiyak na ako. May taning ka na ba? Sabi ko kasi sayo ‘wag mong masyadong sunugin ng alak ang liver mo.” Naiyak na rin si Zeah sa likod ko kaya natawa ako.  Naguguluhan pa rin ako kung bakit ako bumalik sa nakaraan pero alam kong may rason pa rin ang lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD