CHAPTER 4

1514 Words
CHAPTER 4     “Bakit hindi ka pumunta kagabi kela Jeric?” bungad sa ‘kin ng kaklase kong si Jenny. Kasama niya na naman ang mga alipores niya. Hindi talaga magtatanda ang mga babaeng ‘to. Siguro pag nasa bente singko na sila saka pa nila mare-realize na mali ang pagbibisyo lalo na sa katawan nila.     Seryoso ako ng sinabi kong babagohin ko ang kasalukuyan ko. Sa natatandaan ko ay isa si Jeric sa nangliligaw sa ‘kin kaya isa siya sa dapat kong iwasan. Kung kinakailangan ay iwasan ko lahat ng lalaki sa mundong ibabaw ay gagawin ko.     Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Jenny. Ngayong araw na ‘to ay hindi ako mukhang rockstar tingnan. Wala akong eye liner at makapal na liptint at tanging pulbo lang ang nakalagay sa mukha ko. Nakalugay ang mahaba at curly kong buhok at nakasuot rin ako ng maayos na uniform. Hindi tulad dati na maagang maaga pa lang ay haggard na ako dahil sa kapal ng eyeliner ko, may hang over pa ako tapos magulo pa ang suot ko. Sa mga oras na ‘to ay masasabi ko talagang muli akong nabuhay at nagmukhang tao at hindi aswang.     “Sinabi ko naman sa inyo na hindi ako pupunta. Kailangan kong mag-aral –“ agad na kinuha ni Jenny ang libro sa kamay ko at tiningnan ako ng masama. Gusto niya si Jeric pero si Jeric may gusto sa ‘kin. Alam niya namang nawawalan ng mood si Jeric pag hindi nila ako sinama kaya for sure naging bad trip ang buong gabi nila.   “At kailan ka pa natutung magpatawa, Naih? Kailangan mong mag-aral? Bakit, tatalino ka ba kung buong gabi kang mag-aaral?” binawi ko ang libro kong hawak niya. Bakit? Mamahalin ba siya ni Jeric kung pumunta ako? Bakit dinadamay niya ako sa kalandian niya?     “Hindi ako magiging matalino tulad ng top one sa section na ‘to pero at least hindi ako magiging bobo katulad mo!” sigaw ko saka ako umupo. Narinig ko pa ang mga masasamang salita na binibitawan niya sa ‘kin pero hindi ko na siya pinansin pa. Alam ko namang pinipigilan niyang saktan ako dahil paniguradong susunugin ng mga fans ko ang kaluluwa nila.   Hindi naman sa nagmamalaki ako pero magaling akong kumanta at sumayaw kaya lang hindi ko masyadong napractice ang talent ko dahil laging sila ang kasama ko. Hindi ko namamalayang nasisira ko na pala ang buhay ko. Dapat noon pa ay nakita ko na ‘to. Pero hindi ko sinabi ang bagay na ‘to para sisihin sila dahil ayokong manisi ng iba dahil alam kong may sarili rin akong desisyon sa mga nangyari sa buhay ko.   “Kung hindi dahil kay Avo, baka matagal ka nang naging basura sa lugar na ‘to.” Narinig kong sabi ni Jenny sa likod ko pero hindi ko siya pinansin.   Here’s the name again. Alam kong may naging parte si Avo sa kasalukuyan ko pero hindi ko na matandaan kung ano ito. Inisip ko na baka hindi masyadong malaki ang naging parte niya since magkaibigan naman kami kahit nong nasa elementary pa lamang kami.     Nagsimula ang klase at wala akong ibang ginawa kundi makinig sa teacher at magsulat sa notebook. Inaamin kong nagiging boring ang araw ko lalo pa at ang teacher lang at notebook ang kaharap ko. I used to be a rockstar, kahit anong gulo pinapatulan ko, at kahit nga siguro pusa na makasalubong ko ay aawayin ko kung nasa mood ako. Pero sa mga oras na ‘to ay pinilit kong magconcentrate sa pag-aaral ko. Seryoso ako sa sinabi ko at hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay sa ‘kin ngayon.   “Miss Sandoval, stanap!” napakunot ang noo ko. Ano daw? Tumingin ang mga kaklase ko sa ‘kin kaya naman mas lalong napakunot ang noo ko, “Sandoval!”   “Ma’am?” tanong ko habang nakatingin kay Ma’am A.   “I said, stand up!”   “Ay, yes ma’am, yes ma’am.” Sabi ko at tumayo agad.  Ano kayang itatanong nitong matang palaka na ‘to? Bakit bigla niya ako tinawag?   “Himala at nakikinig ka sa klase ko ngayon, Miss Sandoval.” Sarkastikong tawa ni ma’am A. pasimple rin akong ngumiti at tiningnan ang notes ko. “Now, describe the characteristic of Romeo and Juliet. What made them fall in love with one another?”     Napakamot ako sa ulo ko. Teka! Ang akala ko ay ako na ang pinakamatalino pag bumalik ako sa nakaraan pero bakit parang naging TABULARASA pa yata ang drama ko ngayon. Wala akong mahanap na sagot. Oo, nakikinig ako kay Ma’am A pero hindi ko naman alam ang sagot.   Pakialam ko ba kay Romeo and Juliet? Iniwasan ko ngang magka love life para iwas problema tapos ngayon iisipin ko pa ang love life ng iba? Problema nito? Hinintay ni Ma’am ang isasagot ko kaya naman tumingin ako sa mga kaklase ko na pwedeng tumulong sa ‘kin pero lahat sila ay nakayuko at iniiwasan ang paningin ko. Napalunok ako at muling tiningnan si Ma’am.   “Sabihin mo, Miss Sandoval. Nagpapanggap ka lang ba nakikinig sa klase o talagang wala kang alam?” Grabe naman si Ma’am! Napaka judgemental!  Muli kong tiningnan ang papel na hawak ko at nagdasal na sana may tawagin siyang ibang istudyante para sumagot.   “Psh! Okay, Honey Faith, answer the question. Umupo ka na Zarniah.” Sabi ni ma’am saka naman ako umupong muli sa upuan ko at napahawak sa ulo ko. Bakit hindi man lang gumana ang utak ko? Naging bobo nan ga talaga ako.     “Akala ko ba nag-aral ka kagabi? Psh! Kung makapagsalita ka kanina akala mo ang talino mo na ah.” Narinig ko pang sabi ni Jenny sa likod ko pero hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ako nagpaapekto dahil simula pa lang ito ng pag-angat ko. Bwahaha!   Pero totoo ngang hindi madaling mag-aral. Inaamin kong mas madaling magbulakbol, mas madaling humingi lang ng baon sa magulang saka maglalakwatsa kesa pumasok sa classroom tapos wala namang pumapasok sa utak mo. Nakakatamad pala ang ganito. Nawawalan na naman ako ng pag-asa.   Nang matapos ang klase ay agad akong umalis sa classroom at pumunta sa library. Hindi pwedeng bobo na lang ako forever. Wala nang magiging hustisya pag nangyari ‘yun. Dali dali akong tumakbo papunta sa library at nakita ko pa ang mga schoolmates ko na nakatingin sa ‘kin na tumatakbo.   “’Di ba si Zarniah ‘yun?” narinig kong tanong nung isang lalaking nadaanan ko.   “Mas maganda pala siya ngayong maayos ang pananamit niya.” napahinto ako sa pagtakbo at piniling maglakad na lang at pinakinggan ang mga schoolmates ko sa paligid ko. Mukha ba akong basahan dati? Ano ba ako manamit dati? Anong problema nila sa pananamit ko? Gusto kong isigaw sa mga mukha nila ang mga tanong ko pero pinili kong maging mahinahon.   Kung iisipin ay tama nga naman sila. Dati hindi ako nagsusuot ng black shoes at tanging high cut na robber shoes ang suot ko. Masyado ring maiksi ang palda ko at halatang hindi man lang ako nag-abalang ayusin ang uniforme ko. Sa tuwing papasok naman sa iskwelahan ay palaging woke up like this ang drama ko. Minsan nga ay nakakalimutan ko pang mag toothbrush papunta sa iskwelahan.   Inaamin kong malaki ang pinagbago ng pananamit ko at lalo na ng mukha ko ngayong wala na akong kahit anong kolorete sa mukha. Nang makapasok ako sa loob ng library ay halos lahat sila ay napatingin sa deriksyon ko. Pasimple akong ngumiti saka ako naghanap ng babasahen sa libro ng grade 9. English ang hinanap ko dahil hindi ako masyadong magaling sa English. Tinatamad kasi ako sa tuwing may babasahin kaming kwento kaya madalas hindi ako nakakasagot. Agad kong hinanap kung ano ang sunod ng Romeo at Juliet.   ‘Death of a Salesman.’   Binasa ko ang kwento hanggang marating ko activity kung saan may kailangan akong sagutan.   “Who is the protagonist in the story?” dahan dahan ko itong binasa habang nakakunot ang noo ko.   “Who is the antagonist –“ anak ng butiki naman ‘to! Ni hindi ko nga alam kung ano ang protagonist at antagonist. Agad kong binagsak ang ulo ko sa lamesa at parang gusto ko na lang maiyak. Bakit hindi ko man lang alam ang antagonist at potagonist, ay este protagonist pala? Parang nasa dulo na ‘to ng dila ko pero hindi ko man lang mabanggit ang ibig sabihin nito.   Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi nga talaga ako nanaginip ngayon dahil kahit nong high school pa lamang ako ay talagang wala na akong alam. Parang pumasok lang ako sa iskwelahan para mag attendance tapos lalabas para maglakwatsa. Buong high school life ko ay ganon ang naging takbo nito.   “Anong gagawin ko ngayon? Espirito ng katalinuhan, sapian mo ako.” Naiiyak na sabi ko saka napayuko sa librong hawak ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD