CHAPTER 16 (PART 1) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Zarniah, gusto mo bang kumain nito?" "Zarniah, anong gusto mong bilhin? Libre ko." "Bakit ang tahimik mo, Zarniah?" "Zarniah, Zarniah!" Pabagsak kong nilagay ang librong hawak ko sa lamesa at tiningnan siya ng masama. Anong problema ng lalaking to at bakit sobrang kulit niya sa 'kin ngayon? "Talagang pinapainit mo ang ulo ko, Hontiveros!!" Galit na sigaw ko sa mukha niya. Agad naman kaming sinita ng librarian kaya natahimik ako. "Akala ko kung anong ulo ang mainit." Narinig ko pang bulong niya. "Anong sabi mo!?" Sigaw ko ulit kaya naman talagang masama na ang tingin ng librarian at pinapaalis na kami. Bigla naman akong nahiya kaya agad kong niligpit ang mga gamit ko at iniwan si Avo sa library. Agad rin naman siyang sumunod sa 'kin. A

