CHAPTER 16 (PART 2) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Naih? Nakikinig ka ba?" Bumalik ang atensyon ko kay Gab. Sinamahan niya kasi akong mamili ng regalo para sa birthday ni Avo ngayong Sabado. "Ah, ano 'yun Gab?" Tanong ko. I was looking for another shot of cologne. 'Yung paboritong pabango ni Avo ang bibilhin ko. I know what he likes kaya hindi mahirap para sa 'kin ang mamili ng regalo. Kaya lang minsan nagiging lutang ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi sa 'kin ni Avo nong nakaraan. "Kanina pa ako nagtatanong sa 'yo tungkol kay Angelica pero hindi ka naman nakikinig." Inis na sabi niya. "Ano bang iniisip mo?" "I'm sorry. May hinahanap kasi ako." Napakunot ang noo niya at pinakita sa 'kin ang hawak niya na siyang kanina ko pa hinahanap. "Sobrang lalim nga nang iniisip mo dahil kahit

