CHAPTER 16 (PART 3) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Kuya Avo, halos araw araw ka nandito sa bahay. Wala kabang date?" Narinig kong tanong ng kapatid ko. "Meron akong date. Araw araw pa nga eh." Sinulyapan ko si Avo na nakangiting aso sa 'kin. Tiningnan ako ni Zeah saka ito umaktong nandidiri kaya natawa ako. "Mga marupok!" Natawa ako sa sinabi ng kapatid ko. Pati si mommy at Avo ay natawa rin sa naging reaksyon ng kapatid ko. Nandito kami ngayon sa bahay at kakauwi lang ni mommy at Zeah galing hospital. Sinundo kasi ni Avo si mommy at Zeah kanina tapos bumalik ulit siya rito sa bahay. Totoo ang sabi ni Zeah. Halos araw araw akong pinupuntahan ni Avo. Minsan nga natatanong ko kung hindi ba siya nagsasawa sa tuwing nandito siya. "Naih, samahan mo muna si Avo sa garden para naman makapag kwe

