CHAPTER 7 ( PART 2 )

1967 Words
CHAPTER 7 ( PART 2 )     ** NAIH POINT OF VIEW **   Life is unfair. ‘Yun ang unang pumasok sa utak ko ng makita ko kung gaano kalaki ang pinagbago ng itsura ni Avo. Bakit hindi ko to napansin noon? Bakit hindi ko napansing kung gaano ka gwapo ang kaibigan ko. Ay! Erase, erase! Ano ba tong iniisip ko? Darn!     “Avo?” tawag ko sa pangalan niya. Ngumiti siya at lumapit sa direksyon ko. Napatitig ako sa mukha niya, ang nakinis niyang mukha at ang medyo maitim na kilay, ang kanyang kulay usok na mata at ang kanyang maangas na buhok. Nakasuot silang tatlo ng uniform pero kung titingnan mo sila ay para bang mga model ng Federico Academy.   “Your one and only,” sagot niya at kinindatan ako. Nakatayo siya sa harapan ko at ilang sandali pa ay tumingin siya sa mga kaklase ko.  “Sinong nagsabi sa inyo na pwede niyong galawin si Zarniah?” Ngumisi siya at hinarap si Jenny, Angeline at Beberly. “Ito ba ang ginagawa niyo sa tuwing wala kami?”   “Prince Avo,” kinakabahang tawag ni Jenny sa pangalan ni Avo.   “Sinabi na sa inyo ni Avo na off limit si Naih, ‘di ba?”   “Prince Tres,” narinig kong tawag ni Angeline sa kaibigan kong si Tres.   “’Wag na ‘wag niyong guguluhin ang Campus Queen at baka hindi niyo magugustohan ang gagawin ni Campus King,”   “Prince Gab,” natawa si Tres at Gab saka nila tiningnan si Avo na ngayon ay nakapoker face na nakatingin sa kanilang dalawa.   “Campus King, huh?” natawa ang dalawa sa reaksyon nito. Napangiti ako at tiningnan silang tatlo. Isa sa mga rason kung bakit ako nakaahon sa high school life ko dahil sa kanilang tatlo. Hindi nila ako pinabayaan at hindi nila ako iniwan. Ako lang naman ang lumayo sa kanila, ako ang dumistansya sa kanila.   “Avo, Tres, Gab. .” tawag ko sa kanilang tatlo. Bago pa man makasagot si Gab at Tres ay agad na hinila ni Avo ang kamay ko at sa isang iglap lang ay nakatayo na ako sa tabi niya. Narinig ko pang natawa ang dalawa sa ginawa ni Avo pero tiningnan ko lang nang masama si Avo. “Gusto mo yatang tanggalin ‘yung kamay ko eh!”   Narinig ko pang sinabi ni Gab at Tres na bumalik na ang mga kaklase na ‘min sa pwesto nila. Umupo ako sa upuan ko at tumabi sa ‘kin si Avo habang si Tres at Gab naman ay nakapwesto sa likod na ‘min ni Avo. Agad na ring lumipat si Angeline, Beberly at Jenny sa kabilang upuan habang masama pa rin ang tingin sa ‘kin. Inawat pa ni Tres kanina silang tatlo pero hindi na dun nakatuon ang pansin ko dahil nakaakbay na sa upuan ko ang katabi kong si Avo.   “Anong ginagawa mo?” ngumiti siya at humarap sa ‘kin.   “Bakit hindi ka pumunta nong party?” napakunot ang noo ko.   “Party?” kailan ‘yun?   “Yup. ‘Yung welcome party. Ang sabi ko ay papuntahin ka,” napasimangot ako. Naalala ko ‘yung araw na inimbetahan ako ni Angeline na pumunta sa party dahil kakauwi lang ng F3. Of course, hindi ako sumama dahil may kailangan akong tapusin na assignment.   “May kailangan akong tapusin. Isa pa kahit hindi ako pumunta, okay lang naman ‘yun dahil wala din naman akong gagawin dun.” Napalingon siya sa ‘kin kaya naman tiningnan ko rin siya.   “Anong ginawa mo?”   “Gawain ng mga mabubuting estudyante, syempre, nag-aral!” bigla siyang natawa sa sagot ko kaya napasimangot ako at inabot ang notebook ko. “’Wag kang tumawa. Mag-aral ka para hindi ako ma Zero.” Mas lalo siyang natawa.   “Bakit? Kokopya ka?”   “Hindi ah. Mamimigay ka nang sagot.” Ngumiti siya sa sagot ko saka siya mas lumapit kaya napatingin ako sa kamay niyang nakaakbay sa upuan ko. “Tanggalin mo nga ‘yan sa upuan ko.” saka naman niya tinanggal ang pagkakakbay saka kumamot sa ulo niya.   “Na miss ka lang ni Avo, Naih, kaya ganyan ‘yan.” Narinig ko pang sabi ni Gab sa likod ko kaya sinulyapan ko sila.   “Syempre, bestfriend ko ‘to. Hindi naman masamang mamiss ang bestfriend ah.” Sagot ni Avo sa tabi ko ng hindi tinitingnan ang kaibigan na ‘min sa likod niya.   “Hindi raw masama,” saka nagtawanan ang dalawa pero hindi sila pinansin ni Avo.   “Kamusta pala ‘yung laro niyo sa Palaro? Dalawang buwan din kayong nawala ah.” Sabi ko at nakinig sa kwento ni Gab at ni Tres habang kinukwento niya ang nangyari na laro nila. Madami pa lang nangyari sa Davao at nag Champion na naman sila sa basketball. Sinabi rin ni Tres na madalas din silang kumakanta sa banda nila dun sa banda kaya marami na namang na budol si Avo na mga babae. Natatawa akong tiningnan si Avo.   “Talaga? May chiks ka na naman dun? Paano naman si Cherry?” tanong ko. Naalala ko ‘yung girlfriend niya rin na girlfriend rin ng bayan.   “Anong chiks?” nilingon niya si Gab at Tres saka tumingin sa ‘kin, “I’m just being polite, Zarniah. Sila ang lumapit sa ‘kin. At si Cherry, hindi ko siya girlfriend.”   “Eh, ano lang? Fling?” napabuntong hininga siya at tumingin sa ‘kin.   “Schoolmate.” Natawa si Gab at Tres sa naging sagot ni Avo kaya tiningnan sila ni Avo ng masama. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin ulit kay Avo.   “Kamusta ‘yung scholarship na inapply niyo sa University of Wilson?” tanong ko. Natatandaan ko kasi na dun nila planong mag college. Syempre, dun din ako dahil nandon si mommy. Nasa contract nil ana automatic scholar na kami ng university dahil dun nagtatrabaho si mom bilang professor at tutor ng mga mayayamang estudyante sa iskwelahan na ‘yun. “’Di ba, kaya kayo sumali sa Palaro para ‘ron? Para makapasok sa University?”   “Yep. Nandon pa rin si tita, ‘di ba?” tanong niya kaya tumango ako. Talagang close si mommy at si Avo. Madalas siya dati sa bahay nong elementary pa lang kami at sa tuwing may pupuntahan ako ay palaging si Avo ang irarason ko kay mommy para pumayag siya. Kaya madalas pag may pupuntahan ako ay palaging nandyan si Avo. Ang rason niya naman ay baka kung mapano ako tapos siya ‘yung mananagot dahil sa kanya ako binilin ni mom. Tiningnan ko si Avo na tinitingnan ang notes ko. “Sinong kasama mong pumunta ng library?” tanong niya saka binakita sa ‘kin ang nakaipit na library card sa notebook ko.   Humarap ako sa harapan nang pumasok ang teacher na ‘min. Kinulit niya ako kung sinong kasama ko pero mas pinili kong hindi sumagot. Wala naman kasi akong kasama. Ayaw ko lang na tuksuhin niya. Malamang sasabihin niya naman na dapat hinintay ko siya para hindi ako malungkot sa library o sa kung saan ako pumunta. Laging ganon ang gusto ni Avo. Kung nasaan ako, dapat nandon din siya.   “Lunch break!” masayang sabi ni Tres sa likod na ‘min. At last, tapos na rin ang klase na ‘min sa last period na ‘min. Niligpit ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Agad na inabot ni Avo ang bag ko saka naglakad palabas. Napabuntong hininga akong tiningnan siya.   “Hayaan mo na.” narinig kong sabi ni Gab sa tabi ko, “Hindi mo rin naman siya mapipigilan pag gusto niya ay talagang ginagawa niya.” tumango na lang ako at sinabayan si Gab na maglakad palabas ng classroom habang si Tres at Avo ay nasa may pinto na at hinihintay kami.   Tulad nang nakasanayan ay nakarinig na naman ako ng tili ng mga kaklase at schoolmates na ‘min. Matagal-tagal ko ring hindi naririnig ang mga tili ng mga babaeng ‘to. Matagal na rin mula nong nakatanggap ako ng mga death glares sa fanclub nilang tatlo. Napangiti na lamang ako. It’s good to be back in the past.   “Kainin mo ‘to, eto rin.” Sabay abot sa ‘kin ni Avo ng chicken curry na ulam at isang saging. I rolled my eyes. “Namayat ka yata sa kakaaral mo. Next time isama mo ‘ko –“   “Whatever, Avo. May order na ako. Sa ‘yo na ‘yan.”   “Himala at tinanggihan ang chicken curry. ‘Di ba favorite mo to?” napatitig ako sa inabot niya. Tama nga! Paborito ko ang chicken curry pero naiilang kasi ako sa titig ni Gab at Tres na para bang tinutukso na naman nila kami ni Avo.   Talagang sweet sa ‘kin si Avo mula pa nong elementary kami. Naiilang lang ako pag tinutukso kami kasi hindi naman totoo. Wala naman kaming something ni Avo at lalong imposibleng magkagusto kami sa isa’t isa dahil magkaiba ang hilig na ‘min. Mahilig siyang maglaro, hindi lang ng basketball kundi pati feelings ng ibang babae, matalino rin si Avo at napakwapo niyang nilalang. Habang ako naman ay mahilig sa barkada, nalolong sa alak at barkada, hindi matalino at masyadong loner. ‘Yun ang mga bagay na pilit kong binabago ngayon.   “Kumain ka na nga lang.” saka ako kumain habang silang tatlo naman ay walang sawa sa pagkwento sa mga nangyari sa kanila sa dalawang buwan na nasa Davao sila. Tinukso pa nila si Avo na marami na namang nabiktima sa Davao. Todo tanggi naman si Avo saka siya titingin sa ‘kin. Psh! Kahit itanggi niya ng maraming beses ay alam ko naman kung gaano siya kababaero.   “Zarniah, ‘wag na ‘wag kang maniwala sa kanila.” Umiling na lang ako.   “Kahit hindi naman nila sabihin, alam ko naman kung gaano ka kababaero. Ilang beses na nga kitang nahuli eh!” sagot ko saka tumawa. Nakitawa na rin si Gab at Tres habang nakasimangot naman si Avo.   “Best! Ako ang unang naging kaibigan mo, Zarniah, dapat ako ang kampihan mo.” Parang batang sabi niya kaya natawa ako sa inasal niya. Laging ganyan si Avo pero sa ibang babae hindi naman siya ganyan. Magkaiba ang trato niya sa ‘kin sa trato niya sa ibang babae. Katulad ni Gab at Tres ay iba rin ang trato nila sa ‘kin. They always treat me like their own sister.   “Maiba nga tayo,” napalingon kaming tatlo kay Gab na umiinom ng softdrinks saka ito ngumiti sa ‘kin. Napakunot ang noo ko.   “What?”   “Ikaw na daw ang bagong nominado na Campus Queen ah,” I rolled my eyes. Alam kong tutuksuhin na naman nila ako. Tiningnan nila ang itsura ko at saka pa ito umaktong tumango-tango. “Sa itsura mo nga naman ngayon, mas nagmukha kang campus queen kesa gangster.” Napanganga ako sa sinabi ni Gab.   “Seriously, Gab?” natatawang tanong ko. “Gangster ba talaga ako sa paningin mo?” tumawa siya kaya natawa rin ako sa biro niya. Gab is one of the charming guys that I met. Malambing rin siya tulad ni Avo at Tres pero limitado ang pagiging malambing nila sa ‘kin dahil laging umaarteng protective na bestfriend si Avo.   Tumikhim si Avo sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya pero nakatingin lang siya kay Gab. Nang muli kong tiningnan si Gab ay pilit itong ngumiti sa ‘kin. Napakunot ang noo ko at muling tiningnan si Avo pero nakangiti na siya habang kinakain ang lunch niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD