CHAPTER 7 ( PART 1 )
** NAIH POINT OF VIEW **
The older you get, the more fragile you understand life to be. There are things that I realized when I was in the future. I think that’s good motivation for getting out of bed joyfully each day. Hindi naman puro na lang saya at party ang buhay dahil darating rin tayo sa punto na lalong tumatanda tayo ay mas nagiging konte na lang ang mga taong nanatili pa rin sa tabi na ‘tin.
I still remember when I was at this age, halos hindi ako umuuwi ng hindi lasing. Parang iiyak pa nga ang langit sa tuwing uuwi ako na walang amats! Ganon naman lage. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive nong high school ako. Sobrang daming nangyari sa nakaraan na pinagsisihan ko pero masasabi ko rin namang mas mabuti na ring nangyari ‘yun para makita ko ang mali at tama, ang dapat at hindi dapat.
The way I see it, if you want the rainbow, you gonna put up with the rain. I experience the darkest rain in my life and I believe its time to set the raibow in the sky. I smiled bitterly. I won’t lose this chance. Mas mabuting magsimula sa kung kailan nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko.
It is never too late to be what you might have been.
“Hi, Naih!” ngumiti lang ako sa mga schoolmates ko na nadadaanan ko. Hindi ko lubos akalaing darating ang araw na bibigyan ako nang pagkakataong bagohin ang nakaraan. Ngumiti ako sa kanila na para bang ako pa rin si Naih nong high school kami. But the truth is, mula na ako sa hinaharap. Nakita ko na lahat ang mga taong mananatili sa tabi ko at mga taong iiwan ako.
“’Di ba siya si Zarniah sa room B-12?” narinig kong tanong ng isa sa mga schoolmates ko. Binuksan ko ang locker ko at pinakinggan ang mga bulong bulongan nila. “Malaki nga talaga ang pinagbago niya.”
Napangiti ako. Syempre! Mula sa mala Avril Lavigne ay nag transform bilang si Elsa ng Frozen. Psh! Bakit ‘yung movie na Frozen ang naisip ko? Parang unti unti ring bumabalik sa pagiging isip bata ang utak ko ah. Kaasar!
“Paniguradong siya ang mapipili bilang New Campus Queen this year!” napangiti ako sa bulong nang kaklase kong si Reymond. The good thing is alam ko na ang nangyari sa past kaya alam na alam kong ako ang mapipili na Campus Queen this year. Hindi ko nga lang matandaan kung ano ang ginawa ko noon at bakit ako naging Campus Queen.
Napaisip tuloy kung paano ako nanalo noon eh hindi naman ako masyadong nag-aayos at halos hindi nga ako nakakasuklay sa sarili ko. Naalala ko pa palagi akong may hangover at halos araw-araw akong walang tulog. Naglakad ako papunta sa classroom ko at hinayaan ang mga istudyante sa paligid ko na pag tsismisan ako.
“She’s here!” narinig kong sigaw ng kaklase ko nang makapasok ako. Agad ring bumalik sa mga pwesto nila ang mga kaklase ko. Nagtataka akong pumunta sa upuan ko at tumingin sa mga kaklase ko. Tiningnan ko si Angeline, Jenny at Beberly na nakataas ang kilay habang nakatingin sa ‘kin.
Psh! They are my friends when I was at my dark page of my life. Puro alak, lalaki at yosi lang ang alam nila. They don’t know what friendship is. Naalala ko pa noon na isa sila sa mga tumalikod sa ‘kin nong nabuntis ako. Darn! Naalala ko ulit ang nangyari sa ‘kin at ‘yun ang kinakailangan kong iwasan.
“Look who’s here,” narinig ko si Jenny sa likod ko ng makaupo ako sa upuan ko. Hindi ko siya tiningnan at binuksan ang hawak kong bag at nilabas ang notebook at ballpen ko. Kesa magpataasan ng kilay, bakit hindi nila subukang mag aral? Hindi ko naman sinasabi na pag nag-aral sila ngayon ay tatalino na sila bukas. It has a process. But what I’m trying to say is, why they have to waste their time with me? Hindi ba nila nakitang ginagawa ko na ang lahat para tapatan si Albert Einstein? “Of course, she changed her lifestyle now para makuha ang atensyon ng mga boys.” Narinig ko pang tuloy niya.
Hindi ko pinansin si Jenny at tiningnan ang assignment ko. Baka may surprise quiz ngayon si Ma’am A tapos zero na naman ako. Psh! Ewan ko ba. Nag-aaral naman ako pero talagang palaging nakasunod sa ‘kin si Zero. Hindi yata kompleto ang araw ko nang hindi ako nakakatanggap ng Zero sa Math. Haist!
“Oh, really?” narinig ko pang maarteng sabi ni Angeline na halata namang pinaparinig mismo sa ‘kin. Kulang na lang ay sa tenga ko sila mismo mag usap. “Baka strategy niya lang ‘yan to get the attention.” Hindi pa rin ako nagsalita dahil baka sabihin nilang assuming lang ako. Hindi naman ako assuming dahil talagang halatang halata lang sila. Kung papatulan ko sila baka magmukha rin akong isip bata tulad nang ginagawa nila.
“Talagang sinasadya niya ‘yan. Alam niyo namang paborito siya ni Avo at ng ibang member ng F3.” Tuloy ni Beberly.
“Yeah, yeah! If I know, ginayuma niya si Avo –“ agad akong tumayo at tiningnan sila. Tumayo sila sa upuan nila at tinaasan ako ng kilay na para bang naghahamon talaga ng away. “What?”
“Can you shut up?” tanong ko habang pinipigilan ang sarili ko at baka makame-kame wave ko siya ng wala sa oras.
“Bakit? ‘Wag kang assuming, hindi ikaw ang tinutukoy na ‘min.” natawa ako sa naging sagot ni Angeline. Woah! Mga isip bata at gaya nga ng sabi ko nap ag pinatulan ko sila ay baka maging tulad rin nila ako. Napabuntong hininga ako saka ko sila muling tiningnan.
“May sinabi ba ako?” I crossed my arms. “Ang sabi ko, ‘Can you shut up?’ Nakita niyong may ginagawa ‘yung tao –“
“At sa tingin mo tatalino ka na dahil nag-aaral ka na ngayon? Wake up, Naih. Alam mo naman na hindi basta-basta magbabago ang buhay mo dahil lang sa ginusto mo.” That hit me! I simply want to change my life for my mother. Kaya kong magbago para sa mom ko, kaya kong bagohin ang nakaraan kahit pa alam kong hindi ito magiging madali.
“You’re wrong, Jenny.” Nagkunware akong inaayos ang kwelyo ng uniform niya pero ang totoo ay gusto ko siyang sakalin at itapon sa Pacific Ocean dahil sa inis ko. Siguro kung ako pa rin si Zarniah na palaging galit sa mundo ay baka basag na ang mga mukha ng mga matang isdang anghel na ‘to sa harapan ko. Masyadong manipis ang pasensya ko at baka konteng kembot lang nila ay ipakain ko ang notebook ko sa kanila.
Umatras siya at tiningnan ako ng masama kaya akong akong umupo sa lamesa ko at tiningnan siya, “I can change it. I’m Zarnaih, remember? And one thing,” I smiled sweetly, “Can you please zip your not so good mouth?” saka ako umaktong sini-zipper kunware ang bibig.
“Ha!” hindi makapaniwalang sabi niya. Narinig ko pa ang bulungan ng mga kaklase na ‘min pero wala akong pakialam sa kung anong iniisip nila sa ‘kin. Ang mahalaga, wala akong giangawang masama sa kanila, “If I know, nainggit ka lang dahil wala kang kaibigang nakakausap –“
“At sinong may sabi sa ‘yo na wala siyang kaibigan?” napalingon kami sa may ari ng boses na ‘yun. Napatulala ako habang nakatitig sa tatlong lalaki na nakasandal sa pinto at nakatingin lang sa ‘min. Parang nakalimutan kong huminga nang magtama ang mga mata na ‘min.
“Prince Avo!” narinig ko ang mga tili ng mga kaklase ko bago ko pa man banggitin ang pangalan niya. Ngumiti silang tatlo habang papalapit sa ‘kin. Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya.
Siya ba si Avo? Siya ba ang Avo na kaibigan ko? Bakit parang nagmukha siyang tao ngayon kesa nong huling pagkikita na ‘min?