CHAPTER 6

1476 Words
CHAPTER 6   “Good morning, world! Good morning, Philippines!” bati ko kela mom at Zeah. Nandito kami ngayon sa kusina at naghahanda para pumasok. Ngumiti sa ‘kin si mommy habang si Zeah ay nakasimangot. “Bakit ka ba palaging galit sa mundo, Zeah?”   “Bakit? Mundo ka ba, ate?” tanong niya saka ako inismidan. Umupo siya sa harap ng lamesa kaya sumunod ako at umupo na rin. Sabay sabay kaming kumain at nakangiti lang ako kela mom at Zeah. Ang ganda ng gising ng umaga ko dahil katabi ko si mommy na natulog kagabi. Ibang-iba na talaga ako ngayon kumpara nong nakaraan.   Naalala ko pa dati halos hindi ko nakakausap si mom at Zeah dahil palagi akong wala sa bahay o minsan ay may gimik pero ngayon ay nandito ako sa harapan nila. Nakasuot ng uniform sa iskwelahan, walang kahit anong make up at nagsisikap na mag-aral. Hindi nga makapaniwala si mom at Zeah sa biglaang pagbago ko pero unti unti na nilang natatanggap ang panibagong Zarnaih.   “’Wag kang masyadong makulet sa Ate mo, Zeah. At ikaw naman Zarnaih, bantayan mo ‘tong kapatid mo at baka may boyfriend na.” sabi ni mommy pagkatapos niya kaming hinatid sa iskwelahan. May kotse rin naman kami kahit papaano ay hindi naman kami ganon kahirap. Second hand nga lang ang kotse ni mommy pero nahahatid niya rin naman kami nang hindi nagtutulak ng sasakyan niya.   “Opo, mom. Don’t worry. Akong bahala kay Zeah.” Tumango naman si mommy saka siya umalis. Tiningnan ko naman si Zeah na nakatingin sa ‘kin.   “Sabihin mo nga, hindi ikaw ang Ate ko noh? Ilabas mo ang ate ko ngayon din!” natawa ako sa sinabi ng kapatid ko saka ko ginulo ang buhok niya at inakbayan ito papasok sa iskwelahan.   “Bakit? May mali ba sa ‘kin?”   “Wala. Kaya nga nagtataka ako, ate.” Natatawa akong tumingin sa kanya.   “Bakit naman?”   “Nagtataka ako kung bakit bigla kang nagbago. May utang ka siguro sa mga kaklase mo noh?” tanong niya saka umiling ako, “May kailangan ka kay mommy noh? Pera? Dagdag allowance ba?” mas lalo akong natawa saka ko siya binatukan.   “Sira! Wala nga! Masama bang magbagong buhay?” tanong ko at saka bumati sa guard.   “The last time I check, Ate, galit ka sa mundo? Parang pinagsisisihan mo pa ngang nabuhay ka! Lagi mong inaaway si mommy, lagi kang lasing, lagi kang wala sa sarili at palaging nasa barkada. Bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin? Anong nangyari?” napahinto ako at tumingin sa malawak na field. May mga istudyante na rin na dumarating at kasama ang mga kaklase nila habang nakikipag chikahan.   “Ayaw mo bang magbago ako?” tanong ko kay Zeah pero hindi siya sumagot. “Ginagawa ko ‘tong bagay na ‘to para hindi ko pagsisihan ang mga pagkakamali ko pagdating ng panahon.” Muli kong naalala ang mission ko. Tatlong bagay kaya ako bumalik rito. ‘Yun ay para makasama si mommy, mabago ang takbo ng buhay ko at iwasan ang lalaking nagdala sa ‘kin sa mapait na bukas ko.   “Ano bang sinasabi mo, Ate?” ngumiti ako kay Zeah saka naunang maglakad.   “Magkita na lang tayo mamaya sa bahay. Bye!” narinig ko pang tinawag ako ni Zeah pero hindi ko na siya nilingon pa.     *   “Nakita mo na ba ang F3? Grabe! Nakabalik na talaga sila galing sa Palaro sa Davao. Ang galing talaga nilang tatlo!” narinig kong tili ng kaklase ko pagkapasok ko sa classroom. Hindi ko ito pinansin at pumunta na sa pwesto ko. Tumingin ako sa paligid at halos lahat sila ay busy sa kakachismis tungkol sa pagbabalik ng F3. Psh! Tumili sila pagkatapos ng isang decada, tingnan ko lang kung hindi sila mahihiya.   Maganda rin pala ang nangyari sa ‘kin. Kahit papaano ay naging matured ang pag-iisip ko. Siguro kung hindi ako galing sa future baka isa rin ako sa mga palakang tumitili tulad nila. Psh! Sino bang niloloko ko? Of course, I’m not one of them. Kahit noon ay hindi naman talaga ako tulad nila na parang mga asong ulol sa tuwing nakikita ang F3. They are just human. Ang pinagkaiba lang ay pinanganak silang perpekto sa mga mata ng mga babaeng ‘to.   Para sa ‘kin ay normal lang naman silang mga istudyante sa high school. ‘Yung tipong crush ng campus, heartthrob ng campus at playboy ng campus. And guess what? Si Avo pa talaga ang playboy ng campus! Psh! Given na nga na gwapo siya pero hindi sa mga mata ko. Parang mula fetus pa lang ay magkaibigan nan ga kami at magkapitbahay rin kami. Halos buong buhay ko siya lang ang nakikita ko kaya naman pwede ba? Give me a break!   “Naih!” tawag sa ‘kin ni Angeline. Nilingon ko naman siya at nilagay sa ilalim ng lamesa ko ang binabasa kong notes kanina.   “Yes?” lumapit siya kasama si Jenny at Beberly.   “Bakit hindi ka sumipot kahapon?” nakataas pa ang kilay niya na parang pinahiran lang ng uling dahil sa sobrang kapal.   “May usapan ba tayo –“   “’Di ba sabi ko sumama ka dahil pupunta ang F3?! Hinanap ka nila kahapon –“ agad kong tinaas ang kamay ko para patahimikin ang mala parot niyang boses.   “May sinabi ba akong pupunta ako?” maarte kong tanong saka ko sila tiningnan mula ulo hanggng paa. Patagal nang patagal ay nagiging maldita ako sa harapan ng mga kuto ng aso na ‘to. Halos araw araw ko na kasing naririnig ang kaartehan at kaharotan nila sa mga lalaki lalo na sa F3. Gagamitin pa nila ako para sa pangsariling atensyon nila. Bakit hindi ko ‘to namalayan dati nong bago ko pa lang silang naging kaibigan? Siguro ngayon lang ako nagising sa tanang buhay ko. Psh!   “Sinabi ko sa ‘yo –“   “Hindi porket sinabi niyo ay gagawin ko. Marami rin akong kailangang tapusin sa buhay at wala akong panahon para kumendeng-kendeng sa daan para lang mapansin!” ngayon nakuha na na ‘min ang atensyon ng mga kaklase na ‘min pero wala akong pakialam dahil talagang ginagalit nila ako. Tumayo ako para magkapantay kami. Nakita ko pa si Jenny at Beberly na parang aasta pang lalaban sa ‘kin. Napangisi ako. “Kesa maglasing at manlalaki, bakit hindi niyo subukang mag-aral para matuwa ang mga magulang niyo?”   “Woooaaaah!” narinig ko pang tukso ng mga kaklase na ‘min habang ang tatlong babae na nasa harapan ko ay natawa lang.   “Wow! At talagang sa ‘yo pa mismo nanggaling?” nagkibit balikat naman ako saka nag crossed arms sa harapan nila. Bakit ba? Gusto ko lang maging maldita ngayon. “Palibhasa nasa likod mo ang F3 kaya ang lakas ng loob mong banggain kami. Nakalimutan mo na yata kung sino kami sa iskwelahan na ‘to!” tuloy ni Jenny.   Napaisip tuloy ako at baka may nakalimutan nga ba ako. Si Jenny, Beberly at Angeline lang naman ang mga b*tch na kaklase ko. Sila ang F3 na girl version kaya marami ring nakatingala sa kanila. Well, except sa ‘kin dahil para sa ‘kin ay para lang silang mga maiingay na langaw. Actually, isa rin ako sa kanila noon pero kung ikaw ba naman magising mula sa future tapos makikita mo ang buhay at oras na nasayang mo, tingnan ko lang kung makikisama ka pa sa kanila.   Ang totoo niyan ay wala naman akong sama ng loob sa kanila pero talagang halos araw araw nilang sinisira ang araw ko dahil sa inggit nila. Hindi naman ako assuming pero halata namang naiinggit lang sila sa ‘kin dahil kaibigan ko si Avo. Kung patay na patay sila sa bestfriend ko bakit hindi na lang nila ‘to posasan sa leeg nila para hindi na makahanap pa ng iba?!   Knowing Avo? Hindi siya nakokontento sa iisang babae. Ngayon may bagong girlfriend siya, pagkatapos nilang mag basketball ay may bago na naman siyang girlfriend. Mas mabilis pa sa pagsend ng text message ang pagpapalit niya ng babae kaya imposibleng may magtatagal sa kanya lalo pa ang mga assuming na palakang ‘to.   “Hindi ko nakakalimutan kung sino kayo, sana ‘wag niyo ring kalimutan kung sino ang binabangga niyo.” Umupo ako sa lamesa ko saka ko sila maangas na tiningnan. “Wala akong kinakatakutan. Kahit kayong tatlo pa.” hindi sila nagsalita saka naman dumating ang teacher na ‘min. Bumalik na sila sa pwesto nila pati na rin ang ibang kaklase ko. Napangisi na lang ako dahil narinig ko pa ang sipol ng mga kaklase kong lalaki saka ako ngumiti sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD