Kabanata 44

2785 Words
“I swear, Lauren, I can hurt anyone who tries to hurt you...” Matagal akong nakatingin kay Seatiel, namumula pa rin ang sulok ng mga mata at ang ilong dahil sa ginawang pag-iyak. Napaiwas ako ng mga mata at pilit ibinalik ang masama at iritado kong tingin para lang hindi mapagbigyan ang muling pagbagsak ng mga luha ko. “I don’t want to see you right now... baka kung ano pang masabi ko,” mahina ngunit may diin kong sambit habang iniiwas ang tingin. Tinanaw ko ang islang ngayon ay iniiwan namin, with persistent tears on my eyes still trying to win! Nanatiling nasa tapat ko si Seatiel. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko ‘yong binawi nang hindi pa rin siya tinitingnan. Alam kong malapit silang dalawa ni Tamsiah at alam na alam ko rin na mahalaga ito sa kaniya. The woman likes her, at imposible namang hindi niya iyon alam! Naramdaman ko ang pagtayo ni Seatiel. Hindi ko siya tiningnan kahit alam kong nasa akin ang buong atensyon niya habang patuloy ang pag-andar ng bangka papalayo sa isla. Papaliit nang papaliit ang dalampasigan sa paningin ko pero nanatili pa rin kaming tahimik ni Seatiel habang tuloy-tuloy ang andar ng bangka. Ikinuyom ko ang aking palad at naramdaman ang muling pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan. Nagsunod-sunod ang mga ito at gusto ko na lang magmura dahil hindi ko ‘yon mapigilan. I sobbed. Kada patak ng luha ko ay sinusundan ko ng punas. Akmang magsasalita si Seatiel pero agad ko siyang inunahan. He tried to reach me but I refused his touch. Tumayo ako at itinulak ang kaniyang kamay palayo. Gumalaw ang bangka sa biglaan kong galaw at akmang hahawakan ako ni Seatiel pero iniwasan ko siya. “Ibalik mo ang bangka, Seatiel. I don’t want to go with you,” mariin kong sabi. “Malayo na tayo.” Mas nakaramdam ako ng inis. Hindi na ako makaalis dahil nga malayo na ang natatakbo ng bangka. Papalubog na rin ang araw at matingkad ang kulay kahel na langit. Nilapitan ko ang makina ng bangka. I don’t know anything about boats but I am desperate to leave! Akmang kukunin ko iyong lubid at baka sakaling iyon ang makakapagpatigil o kung anuman nang hawakan ako ni Seatiel at inilayo roon sa makina. I tried to push his hand away again but it has no use. Hinawakan ni Seatiel ang bewang ko para palayuin sa makina na gusto kong ipatigil. I tried to reach it again but he pulled me! “Don’t touch me!” Imbes na pakinggan, he pulled me even closer until I cannot reach it! “Huwag mo sabi akong hawakan, Seatiel!” Sa inis ko ay pumiglas ako at lumayo sa kaniya saka siya hinarap. Ngayon ay nagtama rin ang paningin namin matapos ang kanina ko pang pag-iiwas at pilit na hindi pagtingin sa kaniya. “Stop moving. You’ll fall,” utos niya dahil sa muntik kong pagkahulog sa bangka. Wala akong pakialam. Kahit mahulog pa ako at lamunin ng pating, then be it! I’m not going with him! “Stop this, Seatiel! O tatalon na lang ako!” banta ko at nilingon ang dagat. Nakaramdam ako bigla ng kaba at doon lang talagang naramdaman na nasa gitna nga kami ng dagat at tanging napapalibutan ng malalim na katubigan. Madilim niya akong tiningnan. Seatiel brushed his hair trying to extend his patience. “Bakit hindi mo muna ako pakinggan? Wala akong alam sa sinasabi niya,” paliwanag niya ngunit sarado ang isip ko at ayaw ko ‘yong pakinggan. I am very much guilty. Pakiramdam ko nga ay tama si Tamsiah. Baka nga may kung anuman sa pagitan nila ni Seatiel. Maybe something really happened between them! It doesn’t matter if it’s recently o kung matagal na. At sinira ko iyon simula nang dumating ako sa La Esperanza. I shouldn’t be here in the first place! Kaya tama lang na magalit siya sa ‘kin, hindi ba? “Wala kang alam? O alam mo pero ayaw mo lang aminin because we happened?!” tanong ko sa nanginginig na boses. “Paano niya nasabi iyon? H-Huh? M-May nangyari sa inyo?” hindi napigilan kong dagdag. I felt my hands trembling, and I found it very ridiculous! Wala pang kami nang panahong iyon kaya wala ako sa kahit anong posisyon na pagsalitaan si Seatiel. Wala akong magagawa kung may nangyari nga sa kanila noon. At wala akong magagawa kung anuman ang meron sa kanila bago ako dumating dito. Natigilan siya sa tanong, hindi agad sumagot. Parang nahulog ang puso ko sa naging katahimikan niya. “Bakit hindi mo sagutin? Meron ba o wala? K-Kailan?” sunod-sunod kong tanong. Now, I am more concerned about Tamsiah’s child. Kung totoong si Seatiel ang ama ng dinadala niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko... “Wala...” mapait na saad ni Seatiel, hindi gustong pinag-uusapan namin iyon. “You could be both drunk! Remember it! This a child involved, Seatiel! Huwag kang mapalagay na hindi iyon sa ‘yo dahil malakas ang loob niyang sabihin iyon!” nag-iinit ang sulok ng mga matang saad ko. She was telling that in front of many people. She’s claiming it’s Seatiel’s child! Mabilis ang pakpak ng balita at mamaya lang ay kalat na iyon sa buong La Esperanza. “Yes, we were drunk, but I know what I’m doing,” may diing sagot niya. “Posibleng nasabi niya lang ‘yon dahil sa kagustuhang hanapan ng ama ‘yong dinadala niya, but I swear, Lauren... it’s not mine.” “Sino ang ama kung ganoon?” may diin kong tanong kahit nanginginig pa rin ang boses. Nag-iwas ng tingin si Seatiel. Umihip ang hangin at ang matingkad na kulay ng papalubog na araw ay tumama sa kaniyang mga mata. “Hindi ko sigurado... pero hindi sa akin ‘yon, Lauren. Kung sa akin man iyon, hindi na aabot sa ganito. I won’t even think a second if that’s really mine!” “Sino ang posibleng ama kung hindi nga sa ‘yo? She only likes you! Are you sure it’s not yours? Kung may nangyari sa inyo noon ay posible iyon, kaya huwag kang makampante!” pilit kong pagpapaintindi sa kaniya. “Wala... I swear, Lauren, damn, I didn’t even touch her!” Still having doubts, I refused him. I don’t want to think it’s possible, but it can be! Hindi niya ako masisisi dahil kahit sino ay maniniwala kapag sinabi ni Tamsiah na siya nga dahil malapit sila at alam kong matagal silang magkasama rito. Hinapit niya ako palapit. I tried to pull away from him but he refused to let me go. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Gusto kong kumawala sa hawak ni Seatiel ngunit mahigpit iyon sa aking likod at ayaw akong pakawalan. Napagod na lang din ako sa pag-iwas dahil nasa iisang bangka lang kami. Naramdaman ko na rin ang panghihina ko dahil na rin sa kanina ko pang pag-iyak. “I’m certain the child’s not mine, Lauren. Aayusin ko ito pagbalik na pagbalik natin... please, baby... don’t doubt me,” he whispered frustratedly, still looking at me. Pilit kong iniiwasan ang mga mata niya ngunit inangat niya ang baba ko para magtama ang paningin namin. I breathed and looked away. Narating namin ang isla, sapat lamang ang layo sa pinanggalingan namin at nananatiling sakop ng malaking probinsiya ng La Esperanza. Sa kabilang bahagi ng malawak na dagat ay natatanaw rin ang iba pang mga isla na tiyak kong malayo na. Hindi ko sigurado kung sakop pa rin iyon ng La Esperanza o ng ibang probinsiya. Pinatay ni Seatiel ang makina nang malapit na sa buhanginan. Maliit lamang ang white sand dito dahil maliit lang din talaga ang isla. Kaunti lamang ang mga kabahayan pero natanaw ko iyon agad lagpas sa mga batuhan. Agad na akong bumaba sa bangka kahit kamamatay pa lamang ng makina, still not wanting to talk to him. Sinundan ako ni Seatiel ng tingin ngunit hindi ko siya pinansin at malamig pa rin ang tingin ko tuwing nagtatama ang mga mata namin. Nahirapan akong makababa dahil mataas ang bangka at hindi ko alam kung paano ako hahakbang. Mayroon ding mga dumating para salubungin kami kaya hindi natuloy ang balak ko sanang pagmamartsa palayo kay Seatiel. Napatingin ako sa kamay niya nang mauna siyang bumaba at inilahad iyon para maalalayan akong makababa rin sa bangka. Nagtangis ang mga ngipin ko sa iritasyon at hindi ko alam kung bakit, pikit-mata ko na lang na tinanggap ang kamay ni Seatiel habang malamig pa rin ang tinging iginagawad sa kaniya. “Dahan-dahan. Baka masugatan ka. Nasaan ang tsinelas mo?” kunot-noong tanong niya nang makitang nakapaa lang ako. Agad kong binitawan ang kamay ni Seatiel nang malapit na sa buhanginan. Naghahalo na ang basang buhangin at tubig sa paa ko. “Hindi ko alam. Naiwan ko,” sabi ko sabay iwas ng tingin. “Baka may maapakan ka.” May lumapit sa amin na mga mangingisda kaya hindi niya matuloy ang pagkausap sa ‘kin. Nag-iwas ako ng tingin at nilingon na lang ang dalampasigan. May kaunting kabahayan sa tabing dagat hindi katulad sa pinanggalingan naming isla kung saan private property at pag-aari ng mga Del Fuego. At iisa na lang ang Del Fuego na narito sa La Esperanza. All of that properties belong to no one but Seatiel. “Tiel!” laking tuwa na tawag ng mga mangingisdang kakilala yata siya at nagsilapitan sa amin. Tiningnan ako ni Seatiel pero nagpanggap akong hindi ko siya napapansin, just so he wouldn’t talk to me! Oo nga’t gusto kong umalis pero hindi ang kasama siya! Kanina sa bayan ay siya dapat ang susundo sa amin nina Margaret. It’s been a week since the last time we’ve spent time together... alone. Iyong wala sina Margaret at kaming dalawa lang, at ngayon ay ito pa ang bumungad, ang pag-eeskandalo ni Tamsiah. “Biglaan yata ang paggawi mo rito? Kaaalis lang din ni Pierce! ‘Di mo naabutan, naku! Sayang! Kay tagal n’yo na rin yatang ‘di nagkikitang magpinsan,” sabi ng isa sabay tapik sa balikat ni Seatiel. Pierce? Pinsan? May edad na ang mga ito, siguro katulad nina Mang Rick at Tatang Greg. May sumilay na mga ngisi sa kanilang labi nang makita ako at ang naabutan nila na paghawak ni Seatiel sa ‘kin at pag-alalay sa pagbaba ko sa bangka. “May kasama ka pala. Sino ang magandang binibining ito?” Hindi ko na alam kung ano ang mga isinagot ni Seatiel sa mga ito at kung paano natapos ang kanilang usapan. Nagpaalam din yata ang mga ito na itutuloy ang pagbaba sa mga huling isda at babalik mamaya. “Sino si Pierce? May pinsan ka pa rito?” tanong ko nang naglalakad na kami patungo sa batuhan. Nakuha niyon ang atensyon ko at pagiging curious kaya naman nagawa kong itanong kahit ayaw ko pa siyang kausapin. Malakas ang hangin sa dalampasigan at ganoon din ang alon. Nilingon ko si Seatiel nang dumilim ang tingin niya. “Yes... why?” may bahid ng galit at pait na tanong niya. “Itinatanong ko lang dahil bago sa pandinig ko. I thought you’re all alone here...” sabi ko at muling nag-iwas ng tingin. Malalim siyang huminga at tiningnan ang mga paa ko sa halip. “Saan mo iniwan ang tsinelas mo? Paano kung nasugatan ka?” Ipinasuot niya sa akin ang isang pares ng tsinelas pero tumanggi ako. “A Del Fuego cousin? Sabi ni Manang Adelasia, wala na raw Del Fuego rito?” patuloy kong tanong. I found the sand and my bare feet comfortable. “Hindi Del Fuego. It’s a cousin from my mother side,” napipilitan niyang sagot. Mas tumiim din ang kaniyang tingin. Nangunot naman ang noo ko sa bagong impormasyon. “Pamangkin ni Donya Viera? Kung ganoon ay may kamag-anak ka nga rito? How old is he, then? Kasing-edad nina Bom?” “Why are you so interested about it?” Madilim ang kaniyang tingin at iritado. Huminga ako nang malalim. I am trying to be nice again after what just happened pero siya naman itong sinusungitan ako ngayon! Siyempre ay curious ako tungkol sa kaniya kaya ko tinatanong! “I am just asking.” “Kaedad ko,” he answered irritatingly. “Are you mad? I’m just asking!” kunot-noong sabi ko nang mauna na siyang maglakad at isinusuot ko pa lang ang tsinelas. “Seatiel!” Hindi niya ako nilingon marahil sa iritasyon, saktong napadaing ako nang may maapakang kung ano habang sinusubukang abutan siya! Nang tingnan ko iyon ay nakaapak ako ng shell na tumusok sa paa ko. I bit my lip, at bago pa ako makatingin kay Seatiel ay nabuhat niya na ako. “Ang tigas kasi ng ulo mo. Bakit ka nagpaa?” Napakapit na lang ako sa kaniya at napasimangot. “Why did you leave me? N-Nagtatanong lang naman ako!” “Damn it, Lauren. Isang tanong pa tungkol sa iba...” banta niya. Napailing na lang ako at nilingon ang tinatahak namin habang hawak ang tsinelas na isusuot ko sana kanina. Akmang magpapababa ako nang mapansin niya ang sugat sa aking braso na malamang ay galing sa kalmot ni Tamsiah. Nakita ko ang paglabnaw ng kaniyang mga mata. Tumiim ang panga at malalim siyang napabuntonghininga. “Gamutin muna natin ito bago bumalik.” Hindi ko na iyon sinagot at nag-iwas na lang ng tingin. Saktong nagtakbuhan ang mga bata patungo sa gawi namin nang matanaw nila kami, kasama sina Bom at Cindy. “Ate Lauren! Kuya Seatiel!” Lumapit sila at agad kaming tinukso, at kahit nagtataka ay natuwa pang makita na karga ako ng kuya nila! “Ate Lauren! Ano pong nangyari sa ‘yo?” tanong nina Cindy. May mga tumanaw na rin na mula sa pinanggalingan ng mga bata kaya nakaramdam ako ng hiya at nag-init ang mga pisngi. “Ibaba mo na ako, Seatiel. Kaya kong maglakad.” Hindi niya iyon sinunod. Umihip ang mas malakas na hangin dahilan para umangat pa ang dress ko mula sa pagkakabuhat niya. “Fix it. Your legs are showing.” I bit my lip. Kung bakit niya pa kasi ako binuhat! Dinala niya ako sa nipa hut. Patakbong sumunod ang mga bata na gustong gayahin ako at magpabuhat din. “Kuya Seatiel! Kami rin!” Gusto kong sumimangot sa mga bata. Pinapababa na nila ako para palitan. “Seatiel... put me down,” utos ko na lang dahil sa hiya. Natanaw ko ang ilang nasa labas at nakikiusyoso sa pagdating namin at ang pagsisigaw ng mga bata. He didn’t listen. Napatingin siya sa legs kong lumilitaw dahil sa pagtangay ng hangin sa suot na bestida. Bumalik sa mga mata ko ang tingin ni Seatiel at naging marahan iyon, para bang hindi siya nagalit kanina lang. Binaba niya ako sa isang upuang yari sa kawayan sa silong ng nipa hut. Nanatili ang tingin ko kay Seatiel kahit nang lumuhod siya sa tapat ko, ang mga mata ay pinapasadahan ng tingin ang mga sugat at kalmot na gawa ni Tamsiah, patungo sa mapuputi kong mga binti kung saan nalihis ang bestidang suot. Ang kulay ng langit dahil sa papalubog na araw ay tumama sa mga mata ni Seatiel. The salty air of the sea perfectly matched the summer breeze and the sun kissing every angle of his perfectly curved jaw. Ngayon ay naiintindihan ko na talaga ang mga babaeng nababaliw sa kaniya dahil tingin ko ganoon din ang kahahantungan ko. Bago pa makatakbo ang mga bata palapit sa ‘min ay nagsalita si Seatiel. “If I’m getting anyone pregnant, then it would be you, Lauren. Huwag mong masiyadong pinaniniwalaan ang sinasabi ng iba, especially women trying to tell you they’re pregnant with my child...” Tila lumukso ang puso ko sa narinig. “Ikaw lang ang hinihintay kong magsabi sa ‘kin na meron na... wala pa ba?” He smirked, bago sumulyap sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. “W-What? Are you asking me if I’m pregnant?” “Hindi pa ba?” tanong niya sabay angat ng tingin sa mga mata ko. I held on to my breath. To say that I’m speechless is an understatement! “Sayang...” Muli siyang napangisi. Nang tumayo siya ay sinadya niya akong bulungan, bago pa dumating ang mga bata na kanina pa kami tinatawag. “Huwag kang mag-alala, malalagyan din natin iyan. Pagtapos ay ikaw mismo ang magsabi kay Tamsiah. That would be the real one and not her damn show...” Tumayo siya at napasunod ang tingin ko, still not believing what Seatiel just said! Kinindatan lang ako ng loko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD