Simula nang umalis ako para bumalik sa Maynila, doon ko napagtanto na mahal ko si Seatiel. Na hindi lang iyon simpleng pagkakagusto sa kaniya. At doon ko rin napagtanto na baka kahit hindi ko na siya makikitang muli, my memories of him will forever live with me.
I was certain we’ll never cross each other’s paths again. O kung magkikita man kami ay hindi dahil babalikan ko siya. Kung hindi niya ako pinuntahan sa Maynila, baka hindi na kami nagkita. Baka hindi kami... baka hindi ko mapagtatanto na kaya ko pang mas mahalin siya.
Minsan ay naitanong ko sa sarili ko kung mahal ko nga ba talaga siya o baka naman ay dahil lang nagtatapat siya sa akin na mahal niya ako kaya sinusuklian ko ang nararamdaman niyang iyon. Or maybe I just like the idea of owning him despite so many girls out there fantasizing him.
Pero bakit ngayon, nakakintal lang sa isipan ko ang lahat ng mga sinabi ni Tamsiah? At hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
The anger in me is burning. Gusto kong balikan ang babaeng ‘yon para pagsalitaan din siya ng masama. Gusto kong hilahin ang buhok niya pabalik at sugatan din ang balat niya gaya ng ginawa niya sa ‘kin. Gusto kong sabihin na ilusyonada siya para sabihing mabubuntis siya ni Seatiel! Gusto kong sabihing siya ang desperada sa aming dalawa dahil pinipilit niya ang sarili niya sa lalaking hindi naman siya gusto. Na hindi ko kasalanan kung hindi siya mahal ni Seatiel at lalong hindi ko kasalanan kung hindi siya minahal ni Seatiel kahit matagal na silang magkasama rito sa La Esperanza!
Patuloy lamang ako sa paglalakad palayo. Hindi ko pinansin kung may sumusunod sa akin o wala. Hindi ko pinansin ang mga tumitingin at lalong hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng kahit sino.
Saktong sinalubong ako ni Creed na mukhang bumalik para tingnan ang nangyari. Nagulat siya nang makita ang ayos ko at agad akong nilapitan.
“Anong nangyari?” salubong ang mga kilay na tanong niya sabay tingin sa malayo kung saan may kumpulan pa rin.
Gustong tumulo ng luha ko dahil sa nag-iinit na sulok ng mga mata ko ngunit hindi ko hinayaan. Pinigilan ko si Creed. Napatingin siya sa ‘kin at malalim na nagbuntonghininga nang makita ang mga mata kong namumula dahil sa mga nagbabadyang luha.
Sinamahan niya ako paalis sa bayan. Nawalan na ako ng pakialam at walang ibang ginawa kundi ang umiyak sa likod ng kaniyang sasakyan. Patuloy ang mga hikbi ko, hindi dahil masakit ang anit ko o dahil masakit ang mga sugat sa braso ko, o dahil sinabihan akong malandi at manggagamit.
Nasasaktan ako dahil nagawang sabihin ni Tamsiah ang tungkol sa kaniyang dinadala. Ibig sabihin ay may pinanghahawakan siya. Hindi niya iyon basta lamang sasabihin kung wala lalo pa sa harap ng mga tao. Nasasaktan ako dahil may pinanghahawakan siya na kaya niyang ipangalandakan sa marami na dinadala niya ang anak nila ni Seatiel. Wala akong alam sa pinagsamahan nila. Hindi ko alam kung paano iyon nasabi ni Tamsiah. Dahil sa pagkakaalam ko’y para na silang magkapatid.
Ampon si Tamsiah nina Ate Aly gaya ni Bom, at sila ang nagpaaral sa kaniya ng kolehiyo. O baka si Seatiel dahil si Seatiel ang sumusuporta kina Ate Aly kahit hindi niya kamag-anak ang mga ito. He was the brother figure to Bom and Cindy. He took care of them since he moved to La Esperanza.
Ano ang alam ko sa pinagsamahan nila ni Tamsiah kung wala pa ako nang mga panahong iyon?
“Kung sinaktan ka talaga ng Del Fuego na ‘yon, huwag na huwag mo na siyang babalikan, Lauren. Naiintindihan mo ba?” saad ni Creed habang seryosong nagmamaneho. Sa tulin ng kaniyang pagda-drive ay mabilis naming nalagpasan ang bayan.
Hindi ako sumagot. Wala akong salitang mabuo sa isipan para isagot kay Creed. I just want to be alone. Gusto kong makalayo sa lahat ng naroon at mapag-isa.
Nagpahinto lang ako sa isang tabi. Kamamatay pa lamang sa makina ng sasakyan ni Creed ay agad na akong bumaba. Ayaw kong umuwi at lalong ayaw kong humarap sa kahit kanino nang ganito ang lagay.
“Lauren, where are you going?” tanong ni Creed habang tinatawag ako mula sa bintana ng driver’s seat ng kaniyang sasakyan.
“Gusto kong mapag-isa, Creed. Let me. P-Pasensya sa abala at salamat,” malamig na sabi ko, wala nang balak na kausapin siya.
He didn’t want to leave, ngunit wala rin siyang nagawa nang tuloy-tuloy akong naglakad paalis habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luhang pinipigilan ko.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. I went to the opposite way. Sa halip na pauwi kina Ate Aly ay ang kabilang daan ang aking tinahak. Namalayan ko na lang na ang gubat patungo sa dagat na ang dinaraanan ko.
Hindi na mainit ang mataas na sikat ng araw. Ilang minuto na lamang at lulubog na rin ang araw.
Nang hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ay napatigil ako at napakapit na lang sa isang puno. Nanghina ako. Unti-unting nag-sink-in sa akin ang mga sinabi ni Tamsiah. That she is pregnant. At sinasabi niyang si Seatiel ang ama. I breathed heavily and closed my eyes firmly.
Wala ako sa sariling nagpatuloy sa pagbabaybay sa dalampasigan. Sa matulis na mga batuhan ay naupo ako. Hinayaan ko na lang na tangayin ng hangin ang mga naiisip ko.
Ayaw kong magkonklusyon agad. Ayaw kong magdesisyon. Ayaw kong maniwala. Pero hindi ibig sabihin ay malaki ang paniniwala ko na hindi totoo iyon, lalo pa at wala akong alam sa kanilang dalawa.
Sabi ni Seatiel ay mahal niya ako. Simula nang makabalik kami sa La Esperanza ay hindi niya pinaramdam na posible itong mangyari. Pero paano kung minahal niya lang ako kung kailan nangyari na? Kung kailan tapos na?
Hindi ko namalayang kumawalang muli ang mga hikbi ko. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin at ng mga alon na humahampas sa batuhan ay napayuko ako sa mga tuhod ko at doon humikbi nang humikbi.
Doon ko naramdaman ang sobrang sakit kong ulo at anit dahil sa mga ginawang paghila ni Tamsiah. Ang mga sugat at kalmot niya. She was so eager to hurt me. Siguro ay ganoon kasakit ang nararamdaman niya. She was crying. Siguro ay ganoon kabigat ang dinadala niyang hirap.
Ramdam ko na hindi nagsisinungaling si Tamsiah na buntis siya. It was obvious. It was obvious she’s weeks pregnant. Base sa hindi niya pagpapakita rito at sa kaniyang tiyan kanina.
Napaangat lamang ako ng tingin nang marinig ang papalapit na bangka. Pinunasan ko ang mga pisngi kong basa sa mga luha habang papalapit nang papalapit ang bangka sa pampang.
“Lauren! Ikaw nga ba ‘yan?!” malakas na tanong ni Marcus na lulan ng bangkang para sa pangingisda, may kasamang isa pang kaibigan.
Tinanaw ko ang bangka hanggang sa patayin niya ang makina nito. Nang makababa si Marcus ay dumiretso siya para lapitan ako, hinagis na lang basta ang lubid sa kasama. Malawak ang ngiting ibinungad ni Marcus gaya ng nakasanayan.
“Uy! Ginagawa mo rito?” tanong niya nang makalapit.
Nag-iwas ako ng tingin pero huli na dahil napansin na nito ang pag-iyak ko. Natahimik siya at gulat akong tiningnan.
“Oh?! Sinong umaway sa ‘yo?” tanong niya. Napuna niya ang matarik at matulis na batuhan kung kaya’t napangiwi siya sabay iling. “Umakyat ka rito mag-isa?”
I still couldn’t answer. Hanggang sa tinawag na lang ni Marcus ang kasama.
“Tol, ibaba nga natin ito! Baka mapaano, e!” sabi ni Marcus sabay lahad sa kaniyang kamay at nguso sa mga bato. “Masusugat ka sa talas niyang mga bato. Madulas pa.”
I dragged my eyes away from the rocks. Gusto kong magalit lalo na nang marinig ko ang pangalan ni Seatiel. Hindi ako galit kay Seatiel pero gusto kong mag-isip muna, kung pipilitin nila o niya na kausapin ko agad siya ay baka tuluyan akong hindi makapag-isip nang matino!
“Gusto kong mapag-isa, Marcus. H-Hayaan n’yo na lang ako rito,” pag-iiwas ko pero mapilit siyang pababain ako.
Sa huli ay bumaba na lang ako, balak na mag-walk out at humanap ng bagong payapang lugar. Naramdaman ko nga ang hapdi ng batuhan sa mga paa ko. Nang makababa ay naramdaman ko ang tubig-dagat na abot sa binti ko. Nabasa nito ang dulo ng aking dress.
“Anong nangyari at bakit mag-isa ka yata rito?” takang tanong ni Marcus habang nagbababa ng huling isda. Kaunti lang iyon kumpara sa kadalasang huli.
Hindi ako sumagot. Malalim na mga buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi pa rin kumakalma ang bigat ng dibdib ko. I still want to cry. Baka mauubos din ang luha na ito kung ilalabas ko.
“Kaya mo nang umuwi mag-isa? Babalik pa kami. May naiwan kami sa isla,” tanong ni Marcus. Alam niya kaya ang nangyari kanina sa bayan?
Mukhang napansin niya ang ayos ko at ang pag-iyak ko kaya ‘di na siya nag-abalang tanungin pa ulit ang problema.
“Gusto kong sumakay sa bangka,” biglang sabi ko.
Napatigil si Marcus at ang kasama. Nang tumingin siya sa akin ay napalunok siya na tila kinabahan.
“Ah, eh, sa susunod na lang, Lauren, ha? Baka magalit sa akin si Seatiel niyan,” sabi nito at kabadong humalakhak.
Mas lalo kong ginusto na sumakay sa bangka. Gusto kong umalis kahit saglit. Kahit saan ako pumunta. I just want to go somewhere else and breathe the air he’s not breathing!
The thought of Seatiel breathing the same air as me is making me mad now, kahit hindi naman talaga ako galit sa kaniya sa mga sinabi ni Tamsiah na hindi ko pa rin gustong paniwalaan. Nagsimula lamang akong makaramdam ng inis sa sinabi ni Marcus dahil bakit kailangan ng permisyon ni Seatiel? Bakit kailangang malaman niya lahat ng gagawin ko? Can’t I do things here alone? Bakit kailangang alam niya kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko?
“I-I want to go fishing.”
Napakamot na lamang sa sentido si Marcus sabay tikhim doon sa kasama niya. “Ako na siguro susundo sa mga bata sa kabilang isla. Salamat, pre...”
Tumango ang kasama niya. Nang kaming dalawa na lang ang naroon ay nag-aalangan pa rin siya. “Baka ‘di na ako makadaong sa buhanginan nang buhay, Lauren, eh.”
Nanatili akong nakatingin sa kaniyang bangka. Bakit ko pa nga ba naisip na sa kaniya magpasama? Maaari naman sa iba.
“Okay...” sabi ko habang tanaw ang papalapit na isang bangka mula sa ‘di kalayuan. Maybe I can rent their boat or something instead.
Kahel na kahel na ang langit. Lumulubog na talaga ang araw at mas lumalakas din ang hangin.
Bago pa ako makahakbang paalis ay tumango na si Marcus. “Oh, sige na nga. Baka mapaano ka pa riyan. At saka nandoon naman sina Bom sa kabilang isla. Sumama kasi kanina, eh.”
Tumango ako. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan, na kahit sandali man lang ay malalayo ako rito.
Pasakay na ako sa bangka nang may tumawag sa akin mula sa dalampasigan na kararating lang. Nang lingunin ko iyon ay awtomatikong nanlamig ang tingin ko.
“Please, Marcus. Just this once,” saad ko kay Marcus. Mukhang nag-aalangan talaga siya at halatang ayaw gawin ito.
Palapit na si Seatiel sa bangka. Nang lingunin ko siya ay halos dumoble ang kaba ko ngunit nanlalamang ang lamig at iritasyong nararamdaman ko. Pinilit kong maging matapang at hindi magpasindak. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay umakyat sa bangka.
“Lauren...” mabigat ang paghingang tawag niya. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. “Sandali lang, mag-usap tayo... saan ka pupunta?”
Hindi ko siya sinagot. Dahil kung sasagutin ko siya ay sampal iyon.
Winaksi ko ang kamay niya at tinanggap ang kamay ni Marcus na napilitang alalayan ako pasakay sa bangka.
“Tara na, Marcus,” saad ko nang makaupo ngunit hindi man lang ito gumalaw para buhayin ang makina.
Napatingin ako kay Seatiel. Madilim ang tingin at nag-iigting ang panga sa magkahalong pag-aalala at galit na hindi gusto ang desisyon ko. Nakatingin siya sa akin at nang mapansin ang ilang sugat sa aking mga braso ay mas tumindi ang tensyon sa mga mata niya. Naging malumanay ang tingin niya nang bumalik sa mukha ko.
Nag-iwas ako ng tingin at sinabihan si Marcus na paandarin na ang bangka para makaalis na kami. But instead, he chose to betray me. Kausap niya na si Seatiel. Sa lakas ng hangin ay hindi ko na marinig iyon.
Napansin ko na lang na tumango si Seatiel. Marcus suddenly disappeared. Seryoso siya nang umalis matapos iyong pinag-usapan nila.
Sh*t. Ano pang aasahan ko sa mga kaibigan niya?
Inis kong tiningnan si Seatiel nang siya ang umakyat sa bangka sa halip na si Marcus. Tumayo ako at akmang bababa na lamang. Umuga ang bangka. Seatiel stopped me. Muntik na akong matumba kung kaya’t maagap niya akong hinawakan ngunit nawalan ako ng pakialam at patuloy na tinaboy ang kaniyang kamay.
“Gusto mo ito, hindi ba?” mariing tanong niya at nilapitan ang makina ng bangka.
“A-Ano ang ginagawa mo rito? I don’t want to see you!” Unti-unti ay bumalik na naman sa isipan ko ang pag-eeskandalo ni Tamsiah. “Bakit ka nandito? Tapos na si Tamsiah? Masaya na ba siya? Did she get what she wants?!”
Hindi niya sinagot ang mga tanong ko. Tuluyang umandar ang makina ng bangka at pipilitin ko pa sanang makaalis kung hindi niya lang ako hinila at binalik sa aking pagkakaupo, dahilan para mahulog ang isang strap ng puting dress ko!
Taas-baba ang paghingang tiningala ko siya at masamang tiningnan. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka pinaglalamayan na siya sa tapat ko!
Bumagsak ang tingin niya sa balikat kong lumantad at madilim akong tiningnan, bumuntonghininga. “Kahit pagbagsak ng strap niyang damit mo, napapatingin ako. Pagtapos ay maniniwala kang makakabuntis ako ng iba? What the hell, Lauren?”
Mariin niya pa rin akong tiningnan. Kung may kidlat ang tinginan namin, we will be electrifying and burning each other by now.
Binitawan niya ang lubid ng bangka at tinawid ang espasyo sa pagitan namin. Mataas ang bangkang pag-aari ni Marcus. Maging ang upuan nito’y mataas din at matibay ang katig sa magkabilaan.
My heart almost dropped to my stomach. Niyuko niya ako at pinatong ang mga kamay sa magkabilaang gilid ko, kinukulong ako sa aking kinauupuan.
Seatiel’s eyes looked mad, and hurt, and so many other emotions I refuse to name. Nang magtama ang paningin namin at makita niya ang mga mata kong galing sa pag-iyak ay unti-unting lumamlam ang kaniyang mga mata.
Bumaba ang tingin niya sa balikat ko kung saan nakabagsak ang string ng aking puting dress. Dumilim ang kaniyang tingin at kumuyom ang mga kamay nang makita ang sugat doon.
He glanced at me once before proceeding to kiss my exposed shoulder. My heart doubled when his soft and hot lips pressed against my skin.
Dahan-dahan niyang inangat ang labi. Nahigit ko lalo ang aking paghinga nang magsalita siyang hindi inilalayo ang mga labi sa tapat ng tainga ko, dahilan para tumama ang kaniyang mainit at nakakapanindig balahibong paghinga sa gilid ng aking leeg na tila gumapang patungo sa batok ko.
“I swear, Lauren, I can hurt anyone who tries to hurt you.”