Kabanata 42

3098 Words
Mabilis ang unti-unting pagliwanag ng langit. Walang may balak sa amin na magpaawat. Kahit nga giniginaw na ako ay hindi ko iyon halos alintana. I didn’t mind my quivering lips in coldness because under him, it’s burning... Humampas ang malamig na hangin sa tabing-dagat habang binabaybay namin iyon. Ramdam ko ang bawat alon na naaabot ang mga paa ko. “Seatiel!” Tumawa ako nang buhatin niya ako, sakto para maiwasan ang humampas na alon sa baybayin. Napakapit ako sa batok ni Seatiel sa takot na mahulog. Para akong isang napakagaang bagay na binuhat niya sa mga braso nang walang kahirap-hirap! “Stop moving, Lauren. You’re waking up something.” Tumigil na lamang ako sa paglilikot at hinayaan siyang buhatin ako. Sinamaan ko siya ng tingin sa kaniyang sinabi dahilan para mahina siyang natawa. Bukod pa roon ay malamig din naman ang simoy ng pang-umagang hangin habang hindi pa sumisikat ang araw. Kung hindi dahil sa init ng katawan ni Seatiel na buhat ako ay baka nanginginig na ako sa lamig. “I-Ibaba mo nga ako. Hindi ka ba pagod man lang?” asik ko. Ako nga ay kaunti na lang at pipikit na ang mga mata sa pagod at antok pero siya ay tila walang kapaguran! Ang tibay rin ng isang ‘to, ha? “It takes a lot more para pagurin ako,” pilyong sagot niya. Napailing ako at nang may maalala ay napaangat ang kilay ko. “Siguro ay ganiyan din ang mga sinasabi mo kay Trieu Allaena noon? Kay Tamsiah? At sino pa iyong iba? There’s plenty of them!” sarkastikong sabi ko at napanguso. He’s obviously a playboy during his college days! Imposibleng hindi siya nakikipag-flirt sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kaniya. Napailing lang si Seatiel, refusing to argue with me on that one. “Hmm, ilan ulit ang naging girlfriend mo sa Manila noong college ka? Bukod kay Trieu?” tanong ko habang buhat niya pa rin ako. Naalala ko ang sinabi ni Marcus noon, noong bumaba siya sa barko ay may naghahanap sa kaniyang babae at sinasabing buntis ito at siya ang ama. Napailing si Seatiel, but obviously, he’s getting amused by now. “Hindi ko matandaan.” Hindi matandaan? Posible ba iyon? O baka nga kapag sobrang daming ex-girlfriends? Talagang hindi na matatandaan? “Anong ibig mong sabihing hindi mo matandaan? O ayaw mo lang sagutin? Curious lang ako, Seatiel. Hindi naman ako magagalit!” may pagkairita kong sinabi. Hindi siya agad sumagot. He looked at me and heaved a sigh. “Isa lang.” Kumibot ang labi ko. “Isang girlfriend at isang daang sidechicks?” Isang official girlfriend pala, ha. Kaya pala malakas ang loob ng Trieu Allaena na iyon. “Still jealous of Trieu?” tanong ni Seatiel habang binabaybay pa rin namin ang tabing-dagat, unti-unti nang sumisikat ang araw at nagsisimula ang panibagong umaga. Hindi ako sumagot. Nang magbaba siya ng tingin sa akin at makitang halata namang ‘oo’ ang sagot ko’y marahan siyang tumawa. Seatiel kissed my temple. Napalunok ako nang dumampi ang kaniyang labi sa sentido ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. He looked at the wide sea beside us, and the very first light of the morning reflected on Seatiel’s eyes perfectly. Lalo na nang ngumisi siya at bakas ang amusement sa kaniyang mga mata. “There’s no reason to be jealous of other woman, Lauren. Kahit pa natutuwa ako kapag nagseselos ka, don’t make it a hobby. I don’t want you stressing over those things.” His words are refusing to leave my ears without my heartbeat being affected. Pakiramdam ko ay may humahalukay sa sikmura ko sa mga sinabi ni Seatiel. “P-Paano kung isa sa mga araw na ito ay may magustuhan kang iba? Paano kung bigla mong m-maisip na ayaw mo na sa ‘kin?” napapalunok kong tanong. Iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Kaya ko ba iyon? Watch him... fall for someone else? “Hindi imposibleng magkagusto ka sa iba. Imposible namang hindi ka magagandahan at mase-sexy-han sa iba... I’m sure from time to time, you’ll find someone hot...” Natigilan si Seatiel sa mga sinabi ko. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at huminto. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makababa mula sa pagkakabuhat niya. Nang salubungin ako ng hangin nang mailapat ang mga paa sa buhanginan ay nilipad nito ang mahaba kong buhok palikod. Nag-angat ako ng tingin kay Seatiel dahil mas matangkad siya. “What if you suddenly realize that there’s someone far more interesting than me? M-Mas maganda at sexy?” Naging seryoso ang tingin niya sa ‘kin. Gumalaw ang panga na tila ‘di gusto ang narinig, bago niya ako hinapit palapit. When my ear rested on his chest, I heard his heartbeat rhyming with the sea waves violently crashing as it approach the shores. “That would never happen. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, Lauren. You really... have no idea. Not a single bit,” pabulong at napapabuntonghiningang usal niya. Napapikit na lang ako nang siilin niya ng mapang-angking halik ang labi ko. “I’m so into you, Lauren. How can I find anyone else? Wala akong pakialam kung may ibang maganda o sexy. You have those things as well. Hindi ko gusto na tinatanong mo kung maghahanap ako ng iba, that would be asking a boat to sail on sand.” Pinanghawakan ko ang mga sinabi ni Seatiel. Kahit natatakot ako. Even if I am scared that it’ll all pass, too. Ilang linggo na rin magmula nang makabalik kami sa La Esperanza at walang nakakaalam sa namamagitan sa amin ni Seatiel. Alam kong hindi iyon ang gustong mangyari ni Seatiel pero alam kong naiintindihan niya ako. And I told him it won’t last that long. Sasabihin din naman namin, hindi lang namin gustong madaliin lalo pa at halos kababalik lang din namin sa La Esperanza. “Alam n’yo tingin ko talaga nandito sa La Esperanza ang nagugustuhan ni Seatiel,” biglang sabi ni Margaret habang nasa kanilang pwesto ng tindahan at bigasan kami isang araw, sa bungad ng palengke sa bayan. May mga nagtatrabaho sa kanilang pwesto na halos mga kaedaran lang namin. Kadalasan ay iyong mga nag-aaral pa lang ang kinukuha nina Mang Greg na kailangan ng pera kahit papaano. Kaya itong tindahan nila, mga binata ang halos sa mga tauhan. Kaya pala laging narito sina Lara at Reign at sinabing baka rito ako makahanap ng manliligaw o ano pa man. “Hakob, baka pwedeng itabi mo ‘yang bigas?” mataray na sabi ni Margaret sa isa sa mga tauhan nilang ibinaba ang sako ng bigas malapit sa kaniyang harapan. “Sorry na, Marga. Nanghina itong mga braso ko sa kagandahan mo, eh. Bubuhatin ko na,” sabi nito sabay kindat kay Marga na walang kasingpait ang mukha. Sa mga babaeng nakita ko rito sa La Esperanza, si Margaret ang pinakamaganda at saka si Tamsiah. Magaganda rin sina Lara at Reign pero ang dalawa ay talagang agaw-pansin. Nangalumbaba si Margaret. Nagpapaypay naman si Lara at si Reign ay busy sa panonood sa mga tauhan nina Margaret na nagbaba ng mga bagong dating na bigas. “Ano iyong sinasabi mo, Marga?” tanong ni Lara. “Si Seatiel... tingin ko talaga nandito sa La Esperanza ang gusto niya. Tingin mo rin ba? Kasi ‘di ba nagpunta na siyang Maynila noong sinamahan niya si Lauren pero bumalik din siya? Chance niya na iyon na makasama iyong pakakasalan niyang babae pero bumalik pa siya rito. Ibig sabihin, ayaw niya roon sa babae kasi nandito ang gusto niya?” konklusyon ni Marga. Seatiel’s going to pick us up later. Kaya siguro iniisip din ni Margaret si Seatiel ngayon. He offered that so we could spend time together. Sa mga nakalipas na linggo ay puro nakaw na oras lang talaga ang pinagsasamahan namin. Madalas pa ay kasama sina Margaret, o kaya ‘yong dalawang bata, sina Bom at Cindy. Mahirap kumuha ng sandali na kaming dalawa lang. No one knows about us. Kahit ako ay hindi pa rin naniniwala na sinagot ko na si Seatiel, that I am now his girlfriend. “Paano kung hinihintay niya lang pala ako?” animo’y kumakabog ang dibdib sa kaba na tanong ni Margaret. “Huh?” tanong ko sabay angat ng tingin. Napatikhim ako nang maalala si Seatiel. Sabi nga nila ay matagal na raw talagang crush ni Margaret si Seatiel. “Hindi ka naman nakikinig, Lauren, eh! Nagtatampo na ako sa iyo, ha! Parang hindi ka suportado sa nararamdaman ko kay Seatiel!” nakangusong sabi nito. Napakagat ako sa aking labi sabay ayos ng upo. “Uhm, hindi ko alam... hindi ko napapansin, Margaret.” Nguso lang ang sinagot nito roon. Mabuti na lang at tumigil din dahil hindi ko alam kung paano ako magre-react. Naagaw ang atensyon namin nang mayroong dumating sa kanilang tindahan dahilan para matigilan si Margaret. Nang tingnan ko kung sino iyon ay nagliwanag ang mukha ko nang makita si Creed, in his usual formal attire and clean look. Halata talaga rito ang pagiging mayaman. Sa ‘di kalayuan ay iyong sasakyan niya. Ngumiti si Creed nang batiin ko siya. Napansin ko ang tiningnan ng mga mata niya at nang sundan ko iyon ay nakita kong si Margaret ang tiningnan niya. Binalik ko ang tingin kay Creed at bahagyang nangunot ang noo nang mapagtanto ang ginawa nitong pagsulyap kay Margaret. “Kumusta, Lauren? Bibili lang sana ako ng maiinom,” sambit ni Creed. Tumango ako. “Ayos lang, Creed. Nandito ka yata sa bayan?” “Yes, just attended a few meetings.” Si Margaret ang kumuha ng maiinom at nag-abot kay Creed nang hindi ito tinitingnan. Nakita ko ang pagsunod ng tingin ni Creed kay Marga. “Dumaan pa talaga,” pabulong na asik ni Margaret, hindi intensyong iparinig. “Magkano?” tanong ni Creed. Nag-angat siya at ang natural na mataray na mga mata ay napaiwas ng tingin. “Edi bente? Hindi naman nagbabago ang presyo ng tubig araw-araw,” sagot ni Marga. Hindi ko maiwasang matawa sa pag-uusap ng dalawa. Kahit si Lara. Nilabas ni Creed ang kaniyang wallet. Sa tangkad niya ay halos matakpan niya ang sinag ng araw na pumapasok dito sa tindahan. Nakita ko ang isang buong bente sa wallet ni Creed ngunit hinugot niya ang isang libo sa halip. Pagtapos ay tumingin kay Margaret habang may tinatagong ngisi. Tumikhim siya. Humugot ng malalim na paghinga si Margaret habang magkatinginan sila. Padarag na inabot ang isang libo. “Ayan ang hirap sa mga mayayaman. Palaging inaakala na kahit saan magpunta ay masusuklian sila sa isang libo. Ginagawang isang daang peso,” pagpaparinig niya. “Wala akong barya... utang na lang. Babalikan ko mamaya para bayaran,” kalmadong sabi ni Creed. “Ah, hindi na! Susuklian ko na!” sabi ni Marga at pilit naghanap ng panukli sa isang libo. Matagal siyang nakahanap ng panukli kaya naman nagtagal din sa tindahan si Creed. Kinakausap niya ako pero panay sulyap naman kay Margaret. “Gwapo! Shet, kung ‘di na pwede si Seatiel, edi kay Creed! Maraming isda sa dagat, Marga, huwag kang magpakalunod para sa isa lang!” ani Reign sabay halakhak nang makaupo si Marga sa pwesto nito. Hindi sumagot si Marga at sinundan ng tingin ang papaalis na si Creed, nang unti-unti ay manliit ang kaniyang mga mata. “Si Tamsiah ba iyon?” tanong ni Marga. Nakiusyoso rin sina Lara at Reign. “Ang bruha nga...” sambit ni Margaret. “Ano ang ginagawa niyan dito?” takang tanong ni Lara. Napatingin ako sa tinitingnan nila. Nakita ko nga si Tamsiah. Mabilis ang lakad niya patungong tingin ko’y rito sa tindahan nina Margaret. “Anong problema niyan?” mataray na sabi ni Margaret nang mapansin dito nga ito papunta. Halos sakto lang na kakaalis ni Creed dito sa tapat ng tindahan. Hindi sobrang tagal simula nang makita ko si Tamsiah. Ang huli ay noong bumalik ako galing Maynila pero hindi niya ako kinausap n’on at nabalitaan kong bumalik siya sa dorm nila rito sa bayan. Doon na siya nananatili kahit simula noong umalis si Seatiel para pumunta sa Maynila na hindi namin alam nina Margaret kung bakit. Na ang sabi niya sa ‘kin ay patungkol sa business o some important matters. Hindi ko matukoy kung ano ang pinagbago ni Tamsiah, but it’s obvious something has changed with her. Ang mahaba niyang buhok ay bagong gupit na rin ngayon. Hanggang sa kaniyang dibdib na lang. Huminto si Tamsiah sa tapat ng pwesto nina Margaret. Pare-parehas kaming natahimik sa nadatnang ayos nito. Napansin ko ang kaniyang namumulang mga mata at ilong na mukhang galing sa pag-iyak. “Anong problema mo?” nakatakas ang kilay na tanong ni Margaret at lumabas sa tindahan para harapin ito. Pinagkrus pa ang mga braso sa tapat ng dibdib. Somehow, I felt nervous. Hindi ko alam kung bakit. Lalo pa akong dinaga ng kaba at pagtataka nang tumingin siya sa akin sa halip na kay Margaret. “Malandi ka rin, eh, ‘no? Kunwari ay prim and proper at tahimik pero malandi naman talaga!” galit niyang sabi sa ‘kin, taas-baba ang dibdib sa matinding pagpupuyos. Nangunot ang noo ni Marga. “Sino ka para pagsalitaan siya ng ganiyan?!” Tamsiah looked at Margaret. “Kaibigan? Talaga ba, Margaret?! Kaibigan n’yo ang babaeng ‘yan? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa bagong salta sa lugar na ‘to? And if only you know kung ano ang ginagawa ng babaeng ‘yan dito sa La Esperanza, tingnan natin kung matawag mo pang kaibigan!” “Teka nga! Ano bang problema mo? Nag-eeskandalo ka, eh!” singit din ni Lara. “May problema ka ba kay Lauren?!” “Meron! Kaya tumabi kayo!” “Tigilan mo si Lauren! Umalis ka na rito!” ani Margaret ngunit hindi ito nagpapigil. “Inaahas niyan ang lalaking nagugustuhan mo!” pagpapaintindi ni Tamsiah kay Margaret na ikinatigil nito at ikinatingin sa kaniya. “Ano, Marga? Hindi mo pa rin nakukuha? Pakunwari lamang iyan na kaibigan ka niya pero ang totoo ay kinukuha na ang lalaking nagugustuhan mo! Huwag kang magpaniwala sa bait-baitan niyan dahil nasa loob ang kulo ng malandi na ‘yan!” Napaawang ang mga labi ko. Nangunot ang aking noo sa mga narinig kong salita na hindi ko kailanman naisip na sasabihin sa akin ni Tamsiah. Hindi niya ako kilala, kahit minsan hindi niya ako kinilala dahil simula pa lang ay hindi niya gusto ang presensya ko. I was about to face her, kung hindi lang ako pinigilan ni Reign. Kung iniisip niyang magpapatalo ako at tatanggapin ang mga sinabi niya ay roon siya nagkakamali. Wala akong maalalang may ginawa ako sa kaniya para sabihin niya iyon! “Ayan, humarap na rin!” Sarkastiko niya akong tiningnan nang mapuna ang sana’y pagharap ko sa kaniya. “Tingnan mo, lumalabas din talaga ang totoo mong kulay. Bukod sa pagiging sinungaling at magaling magpaikot, mang-aagaw ka rin!” Kasabay niyon ay ang ginawa niyang paghila sa buhok ko. I gasped for air. Ilang segundo bago ko tuluyang naramdaman ang ginagawa niyang pagsabunot sa buhok ko. Nahilo ako agad at naramdaman ang nananakit kong anit. “Bagay lang sa ‘yo ito, Lauren! Malandi ka! Inagawan mo ng magiging tatay ang anak ko!” Patuloy siya sa paghila sa buhok ko. Nakaagaw iyon sa atensyon ng mga tao lalo pa’t nasa labas kami ng pwesto nina Margaret. Inaawat nina Margaret ang pagsugod sa akin ni Tamsiah. I felt the sharpness of her nails scratching me whenever she gets a chance to grip my skin. “Mang-aagaw! Sinungaling! Pinaikot mo si Seatiel! Manggagamit ka rin, alam mo ba iyon, huh?!” paulit-ulit niyang sigaw at patuloy sa pagsabunot sa akin habang inaawat siya nina Lara. Nang mabitawan niya ako ay galit na galit siyang tumingin sa akin. Nagkukumpulan na ang iba para tingnan ang nangyayari ngunit halos walang pakialam na umawat. Hindi siya nakuntento at muli akong inabot para sabunutan. Napapikit ako nang mariin at pakiramdam ko ay nagdilim ang paningin ko. Nawalan ako ng pakialam at ang tanging gusto ko ay magantihan siya. Hinablot ko ang buhok niya pabalik at hinila sa paraang alam kong masasaktan siya gaya ng sakit na ginagawad niya sa ‘kin. I defended myself through fighting back. Ngunit hindi ko man lang napantayan ang mga ginawa niya sa ‘kin. May mga umawat nang lalaki. Ang mga tauhan nina Margaret ay inilayo ako mula sa pagsugod nito. Sinubukan kong gantihan pa siya at hilahin din ang buhok niya ngunit umiiyak na siya habang inilalayo siya ng iba. My chest tightened. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko sa magkahalong sakit at sa hindi ko maintindihang pakiramdam na nanunuot sa sistema ko! “Sinira mo ang buhay ko! Simula nang dumating ka rito sa La Esperanza ay nagkandaletse-letse na ang buhay ko!” umiiyak na sigaw ni Tamsiah. Magulo na ang kaniyang buhok at umaagos ang mga luha. I feel like crying. Hindi lang masakit sa anit ang ginawa niya dahil nanunuot sa kadulu-duluhan ng dibdib ko ang mga salitang binabato niya. “Inagaw mo sa akin si Seatiel! Dumating ka lang at sinira ang lahat! Now, he doesn’t want to do his responsibility with our child! Dahil kinuha mo siya sa ‘kin, Lauren!” Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko sa narinig. Para akong pinagbabagsakan ng langit at lupa. Natigilan ako at tila nag-e-echo sa aking pandinig ang mga salitang sinasabi niya. “Huwag kang maniniwala diyan, Lauren!” saad ni Reign. Ngunit tuluyan na akong natigilan nang unti-unting bumaba ang paningin ko sa tiyan ni Tamsiah. And now... I can see the tiny bump on her belly. I couldn’t properly breathe. Isa-isang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari. Napalunok ako. Was it when we left them both that night? Sa tabing ilog? Noong sumugod siya at lasing? M-May nangyari ba sa kanila ni Seatiel? Hindi ko alam kung paano nila nailayo si Tamsiah. O kung paano tumigil ang kumpulan sa pwesto nina Margaret. My mind was too f*cking occupied and I couldn’t think about anything. May humawak na lamang bigla sa akin mula sa kung saan at nang matingnan iyon ay nakita ko si Seatiel. “Lauren, please let’s talk.” I didn’t say anything. I tried to get away from him. Iniwan ko ang kumpulan na iyon at ewan ko na kung saan ako dinala ng mga paa ko. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis doon at lalong hindi ko alam kung bakit hindi ako sinundan ni Seatiel nang sandaling ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD