Kabanata 31

2382 Words
Ilang araw ang dumaang ganoon ang ginagawa namin. Mabilis akong natuto sa mga itinuro ni Seatiel. I’ve learned the basics of horse riding. Natuto rin akong lumangoy. Tuluyan nang naghilom ang mga sugat ko. Kahit papaano ay umayos na rin ang aking pakiramdam kumpara nang una akong napadpad dito. Hindi pa rin ako makapagdesisyon tungkol sa gagawin kong pag-alis. May parte sa ‘king nagdadalawang-isip lalo na kung hindi ko sasabihin kay Seatiel o maski kina Ate Aly at Nay Issa pero sa tuwing iniisip ko namang sabihin sa kanila, pinapangunahan agad ako ng pagtutol. I asked Louise if it can wait for at least a few more days or one week, pero nasa hospital na raw kasi si Mommy ngayon dahil nagkasakit. Meaning, Manila cannot wait for another week. Kailangang-kailangan kong umalis. Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang may gumulat sa ‘kin mula sa likod. Nang lumingon ako ay sinalubong agad ako ng halakhak ni Creed. “Tulala ka na naman!” pang-aasar niya habang tinitingnan ang pinipinta ko. “Bakit ka ba nanggugulat diyan?” Sumimangot ako at malalim na napahinga, binalik ang tingin sa painting at pinadaan ang paint brush sa malaking canvas. Nanatili sa gilid ko si Creed habang pinapanood ako. Narito ako sa mansion nila. Palagi niya akong iniimbitahan at ganoon din ang mayor. Ang sabi niya magaan daw ang loob nito sa ‘kin. Kahit anong araw nga ay pwede akong pumunta at gamitin daw ang art room pero ayoko namang abusuhin ang imbitasyon at pagpapatuloy nila sa ‘kin kaya tuwing walang ginagawa ang mayordoma nila bandang hapon ay saka ako nagpupunta. Hindi araw-araw. Dahil baka maabala ang mga kasambahay nila. Wala kasi madalas ang mag-ama dahil may tinutuluyan ding bahay si Mayor Eugenio sa bayan. Nandoon palagi lalo na kapag busy ang mga ganap sa probinsiya. Ganoon din si Creed na palaging nasa kabilang syudad. “Ang galing at ganda,” puri niya habang namamangha sa painting ko. Napangiti ako habang pinapahiran ng itim na pintura ang malaking bahagi ng canvas para tingkaran pa ang background. I’m painting lilies. Kulay puting lilies at mayroong ilang berdeng dahon kasama nito. Nakalutang ang bulaklak sa tubig. Sa itim na palibot ay litaw na litaw ang ganda ng puting bulaklak, with its orange stamens in the middle of the flower. “Bakit lilies?” tanong ni Creed. Tumigil ako sa pagpipinta at tinitigan ang puting bulaklak. “White lilies... they mean purity and modesty. I just like it. I like white lilies,” sagot ko. “But white lilies can also mean grief and immortality.” “Immortality?” Bahagyang natawa si Creed habang ang mga mata ay nakapako sa painting. “Are you scared of death, Lauren?” Ngumiti lang ako habang nagpapatuloy sa pagpipinta. Magaan ang loob ko tuwing hawak ang paint brush at kontrolado ang bawat sulok ng canvas. Ako ang magdedesisyon kung paano ko pagbabagayin ang mga kulay, kung saan banda ang matingkad at kung saan ang mapusyaw. “I am not afraid of dying, Creed. Hindi rin naman napipigilan ang kamatayan. I just don’t want to die without having to experience how it feels to be truly alive,” tipid ang ngiting sagot ko. “Pero kung kukunin na ako ng langit, then...” Nagkibit-balikat ako. There are people who are living like the dead. In their hearts and minds, everything is dead. Inside them, it is just darkness creeping in, willing to outgrow them so bad. Nangunot ang noo ni Creed at nagtagal ang tingin sa ‘kin habang patuloy ako sa pagpipinta. Ilang saglit ng katahimikan ay muli siyang nagsalita habang nagbubuntonghininga. “I don’t want you talking about death, Lauren.” Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at iniwan ako. Sinundan ko siya ng tingin nang umalis siya. Seryoso siya at malalim ang iniisip. Ni hindi nagsalita si Creed at ang tanging iniwan niya’y ang tunog ng pagsara ng pintuan. Hinayaan ko na lamang siya. Tinapos ko na rin agad ang painting. Babalikan ko pa iyon sa susunod para tuluyang tapusin. Sa ngayon ay iiwan ko na muna dahil baka hinahanap na ako nina Ate Aly. Lumabas ako sa art room habang pinupunasan ang mga dumikit na pintura sa aking kamay. Habang tinatahak ang kanilang library ay muli akong napatingin sa malaking painting ni Donya Soledad La Senna, ang asawa ni Mayor. Napatitig ako rito at napangiti. Ang ganda nito... ang amo ng mukha, ang mahaba at kulot niyang buhok ay kulay tsokolate. Mahinhin ang tipid na ngiti nito. She’s like the lily I just painted. “Lauren, hija?” Isang boses ang nagsalita mula sa likod ko. Napalingon ako roon at nakita si Mayor, mukhang napaaga ang uwi nito. Nakaramdam tuloy ako ng hiya na naabutan niya akong nandito pa. “Mayor...” Tiningnan nito ang painting na pinagmamasdan ko. Gumuhit ang lungkot sa mga mata at nang muling ibalik ang tingin sa akin ay mas malungkot itong napangiti. “M-May problema po ba?” nagtatakang tanong ko sa don. Napapansin ko ang lagi nitong pagtingin sa akin at saka na lamang ito biglang malungkot na mapapangiti. There are people who are still alive, but inside them, everything is dead. Is Don Eugenio one of those people? “Pasensya ka na, hija. It’s just that...” Hindi nito maituloy ang sasabihin. Sa huli ay nagpaalam na rin ito sa akin matapos kong tanggihan ang paanyaya nitong dito na ako maghapunan dahil nagluto na ang mga maid nila. Kumakalam na nga ang sikmura ko kaya lang ay kailangan ko nang umuwi. Ang bilin ni Seatiel ay huwag akong magpapagabi dahil baka maligaw na naman daw ako kahit na kabisado ko naman na ang daan. Lumabas ako sa entrada ng bahay at nagulat nang makita si Creed. Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan habang magkakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib at malalim ang iniisip. Ano kayang problema ng isang ‘to? “Creed? Akala ko ay umalis ka na?” nagtatakang tanong ko at lumapit sa kaniya. Mukhang hindi nito napansin ang paglapit ko dahil nagulat siya nang mag-angat ng tingin. “Ihahatid na muna kita para hindi ka na maglakad. Delikado at baka maligaw ka na naman. Hindi ka pa naman marunong.” Hindi ko maiwasang mailing dahil katulad na katulad ‘yon sa sinabi ni Seatiel. “Oo nga pala, iyong tungkol sa sinasabi mong pagpunta mo ng Maynila...” Si Creed nga ang nasabihan ko niyon. Noong una ay ayaw niya talagang pumayag. Ayaw niya raw magpadalos-dalos at baka maging kasalanan niya pa kung mapahamak ako sa gagawin. Akala ko ay hindi niya talaga ako tutulungan, pero ngayong binanggit niya... “Tutulungan mo na ba ako?” Hindi sumagot si Creed. Tutok siya sa pagmamaneho at sa daan habang tila nag-iisip. “At paano ka naman babalik?” “Hindi ko pa alam... titingnan ko pa,” tanging sagot ko kahit ang totoo ay malabo nang manatili pa ulit ako rito kung makauwi ako nang Maynila. Siguro ang pagbisita ay posible pa. Sumang-ayon na lamang si Creed pero sabi niya ay pag-iisipan niya pa ulit. “Okay. Sa susunod na araw, Creed... magkita tayo sa ilog. Please, huwag mong sasabihin kahit kanino?” pakiusap ko. Baka kasi banggitin niya kay Mayor. He tsked. “Ako ang natatakot sa ‘yo, Lauren. Huwag mo na kayang gawin ‘yan?” Napasimangot ako. Atras-abante talaga siya! Ngayon tuloy ay pinag-iisipan ko na kung bakit ko pa sinabi sa kaniya. Pero wala na siyang pagpipilian, he needs to help me! Dahil kung sasalungatin niya ang plano ko, ibig sabihin lang niyon ay ipapaalam niya kina Margaret! “Okay, okay, papayag na ako. Basta sasamahan kita hanggang Maynila. At eroplano ang sasakyan natin para madali.” Hindi rin siya nakatiis at pumayag sa huli. Sumang-ayon na lang ako kahit hindi sana iyon ang balak ko. Ano pang magagawa ko? Ako ang nanghihingi ng pabor! Pero mukhang mas mabuti ngang hindi ako magiging mag-isa. Nilingon ko si Creed sa driver’s seat nang makababa ako sa kaniyang sasakyan. Malalim siyang bumuntonghininga at dinungaw pa ako para sa pahabol niyang sagot. “Madaling araw. Bago magliwanag. Gaya ng sabi mo. Sa ilog. Kung wala ako roon, magtungo ka sa mansion. Magbibilin ako sa driver na ihatid ka diretso sa bayan. Doon ako maghihintay. Okay ba?” Tumango-tango ako at ngumiti. “Okay! Darating ka, ha? Pangako ‘yan!” “Sige na, sige na. Baka magbago pa ang isip ko!” aniya habang inuutusan akong tumulak na pauwi dahil dumidilim na. Nagpasalamat ako at kumaway pa sa kaniya bago sinara na ang pinto. Napapakamot naman ito sa ulo na tila ba nauto ko siyang pumayag. Basta wala nang bawian! Kinabukasan ay naging abala ako sa pag-iisip sa mga dapat kong gawin pabalik ng Maynila. Ang sabi ni Creed ay huwag kong intindihin ang mga gagastusin at mga kakailanganin sa byahe dahil sagot niyang lahat. Pinilit kong babayaran ko ang lahat pagdating ng Maynila sa sandaling makakuha ako ng pera. Sumang-ayon na lamang si Creed at sinabing kung hindi ko mababayaran ng pera, kakailanganin kong pagtrabahuan iyon sa La Esperanza. Kasama ko sina Margaret nang hapon bago ang napag-usapan namin ni Creed na pagkikita. Wala silang kamalay-malay tungkol sa pag-alis na gagawin ko. Kahit sina Cindy at Bom, o sina Ate Aly. Naisipan kong babalik na lang ako sandali o magpapadala ng sulat kapag nasa Maynila na ako. Para makausap sila nang maayos at masabi ang mga gusto kong sabihin. I felt guilty and sad. Sa totoo lang ay ayaw ko namang umalis kung hindi lang ito ang dapat na gawin. Hindi ko nakausap si Seatiel dahil buong araw siyang wala. Naisip kong mabuti na rin iyon dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Baka magbago pa ang isip ko kung makita ko siya’t magkausap kaming dalawa. “Ah, si Seatiel ba kamo? Nasa bayan yata! O kaya nasa syudad. Hindi nagpakita ngayong araw, eh,” sagot ni Marcus nang mapagtanungan ko siya kung nasaan si Seatiel. Ngayon ay ibang babae na naman ang kasama. “Bakit? Hinahanap mo?” Ngumiti lang ako at umiling. “Hindi. Nagtanong lang kasi si Ate Aly kanina...” Tumango na lamang si Marcus. Iniwan ko na rin sila. Doon ko naisipan na tumuloy na lang sa bahay na bato. Wala naman talagang namamalagi roon. Depende na lamang kung may mapadaan at kailangan ng masisilungan. Doon na lamang ako magpapalipas ng oras habang hinihintay si Creed. Ilang lakarin na lamang naman ‘yon mula sa ilog. Nagpaalam na ako kina Ate Aly. They didn’t even doubt. Wala kasing kataka-taka dahil wala naman akong dalang kahit ano. Kaya kung hindi ako sisiputin ni Creed, uuwi lang din ako at maghihintay ng ibang araw, pero malamang ay masasaktan ko siya kapag inindyan niya ako! Malalim akong napahinga habang tinatahak ang damuhan, dinadama ang sariwang hangin ng La Esperanza. I will miss this place. It warmed by cold heart... and lighten my dark and empty life. It brought me the peace I’ve been longing for. Ito ang nagpakilala sa ‘kin sa isang simple ngunit masayang pamumuhay, na minsan pala hindi natin kailangan ng karangyaan o ng mga materyal na bagay para maging masaya o maging komportable. It introduced me to a lot of simple yet meaningful things, at sigurado akong lahat ng mga natutunan at napagtanto ko rito sa La Esperanza ay madadala kahit saan man ako magpunta. Maliit akong napangiti nang marating ang bahay na bato. Tinungo ko ang duyan sa ilalim ng puno, kung saan ko natanaw si Seatiel noong unang beses naming nagpunta rito. I felt the gentle wind embracing me as it blows my hair. Kumapit ako sa duyan at naupo. Inihilig ko rito ang katawan at tahimik na pinagmasdan ang lumulubog na araw sa kalangitan. Parang may humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan ang nag-aagaw na mga kulay sa langit. The sun’s going down. In a few minutes, it will be dark here. And now, I am truly alone. Bumuntonghininga ako at hinayaang damhin ang sandali. Hinayaan ko ang hangin na liparin ang buhok ko. Mayamaya lang ay darating na si Creed para samahan ako patungong Maynila. Pagtapos niyon ay hindi ko na alam... Biglang sumagi sa isipan ko si Seatiel. His voice when he asked multiple times about courting me. Pero lahat ‘yon ay pilit kong winaksi sa pang-intindi ko. Natatakot ako. Natatakot akong mahalin si Seatiel nang tuluyan. Pakiramdam ko’y hindi ako nababagay sa lugar na ‘to... sa kaniya. He doesn’t even know me... ang totoong ako. Kung may nararamdaman man siya, iyon ay para kay Lauren at hindi kay Isla. He loves this version of me, pero hindi lang ito ang tunay na ako. I’ve changed a lot since luck brought me to La Esperanza... ngunit kahit anong paglayo ang gawin ko, may buhay ako sa Maynila, hindi bilang si Lauren kundi bilang si Isla, a girl who ran away and disappeared out of nowhere after an issue with her actor ex-boyfriend. Ginugulo ni Seatiel ang isip ko kahit pa wala siya rito. He won’t just leave my mind! Isang araw lamang siyang wala ngunit hinahanap ko agad ang presensya niya. I miss him... and I want to see him before I go, kahit alam kong hindi niya na rin ako maaabutan. Mababaw akong nakaidlip dahil sa banayad na hangin. Hanggang sa panaginip ko mula sa mababaw na tulog ay si Seatiel ang nasa isip ko. So, when I heard his voice... I thought I was hearing things. Akala ko’y sa isip ko lamang iyon kaya nang imulat ko ang mga mata at makita siya ay tila lasing pa ako mula sa isang panaginip. “Lauren,” he called. His voice was so gentle. Naalimpungatan ako. Saka ko lang napagtantong totoong naroon siya nang hawiin niya ang buhok ko at nang magtama ang paningin naming dalawa. Naramdaman ko ang init ng haplos ng kaniyang palad sa pisngi. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya. “S-Seatiel? K-Kailangan ka pa dumating?” naaalimpungatang tanong ko. Bahagya nang dumilim ang paligid kumpara kaninang bago ako makatulog. A-Akala ko ba ay wala siya sabi ni Marcus? Napakusot pa ako sa mga mata para siguraduhing hindi ako nananaginip. Natigilan ako at napatitig kay Seatiel nang mapagtantong naroon talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD