Kabanata 19

2564 Words
Nasa ganoon kaming ayos nang marinig ko ang pasimpleng sipol ni Marcus. Mabilis kong naitulak ang balikat ni Seatiel kung saan ako nakakapit, but because he’s holding my leg, hindi ako masiyadong nakalayo lalo pa’t muli niya akong hinila palapit sa kaniya. Walang nakapansin sa amin. Si Marcus lang. Pasimple lang din ‘yon at hindi ito nagsalita. Mukhang dini-distract pa ang mga kasama namin! My heart’s beating rapidly. Hindi ko alam kung ano ang mas gugustuhin ko; ang umahon mula sa tubig o lumubog sa pinakailalim nito para lang matakasan ang mga tingin niya. Ayaw niya akong bitawan. I had to hold his hand na nakahawak sa hita ko para lang alisin ‘yon at itulak palayo. “Stop moving!” utos niya. “Hindi ka marunong lumangoy...” “B-Bitawan mo ako, Seatiel!” pabulong na angil ko. Naglalaban na sa ilalim ng tubig ang mga kamay namin dahil ayaw niya akong bitawan! Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin at saka niya ako binitawan. Completely! Bahagya siyang lumayo sa ‘kin kaya halos mag-panic ako nang lumubog ako sa ilalim ng tubig! Sumisinghap ako sa hangin kapag nagagawa kong umangat pero bumabalik din ako pababa. Bakit niya ako binitawan?! Sandali lang ‘yon at agad kong naramdaman ang mga kamay na humila sa akin pataas. Nakapaikot na ngayon ang braso niya sa bewang ko para lang umangat kaming dalawa. Nang tuluyang makaahon ay sunod-sunod akong napaubo. Seatiel’s supporting my waist. Tinulungan niya akong alisin ang tubig na halos lunurin ako. Hinawi niya ang buhok ko at ang pisngi. “Ayos ka lang?” may bahid na pag-aalalang tanong niya ngunit hindi mapigilang mangisi para pigilan ang sariling tumawa. Nag-init ang mukha ko at gusto kong magalit sa kaniya. Ang sabi ko bitawan niya ako pero huwag niya naman akong hayaang malunod! “Bakit mo ginawa ‘yon?!” tanong kong naghahabol pa rin ng hininga. “Ang sabi mo bitawan kita. Sinunod ko lang...” “Oo nga pero bakit halos hayaan mo akong malunod!” asik ko. Lumapit na sa amin si Marcus, tumatawa. Marahil ay nakita niya ang nangyari! Nilahad ni Marcus ang kamay sa akin habang humahalakhak. Tinanggap ko ‘yon para lang makalayo kay Seatiel. Nag-iwas ako ng tingin at hinayaan si Marcus na dalhin ako sa pinakatabi. Napakapit agad ako sa batuhan. Nagtatanong sina Margaret kung anong nangyari at kung napaano ako. “O-Okay lang ako, Margaret. Just a leg cramp...” saad ko at pilit na ngumiti para hindi sila mag-alala at magtuloy lamang sa kanilang ginagawa. Nilingon ko si Seatiel na naroon pa rin sa pwesto namin kanina. Nakasunod lang ang tingin niya sa ‘kin. Napailing-iling siya at saka binasa ng tubig ang buhok niya bago iyon sinuklay palikod. Umahon na ako mula sa tubig. Basang-basa ang kabuuan ko. Manipis ang dress na suot ko na pinatungan lang ng cardigan kaya mahaba ang manggas na tumatabon sa mga braso ko. Napakagat ako sa labi nang manakit ang ilang sugat ko. Hindi pa nakatulong ang malakas na hangin dahilan para ginawin ako. “Seatiel!” tawag nila rito na niyayaya sa medyo unahan pang parte ng ilog dahil mas malalim doon. May naiisip pa silang mga tricks at magda-dive raw sila. “Sunod ako...” tanging sagot ni Seatiel na tumango lang. “Tara na! Tara na!” dinig kong yaya ni Marcus at pinapunta na ang mga kasama namin sa gawi kung saan nila gustong magbabad. Hindi ko na sila pinansin at inintindi na lang ang sarili. Tumutulo pa sa batuhan ang tubig sa laylayan ng suot kong dress dahil sa pagkabasa. Pinigaan ko ang laylayan ng bestida, kaso lang pati ang sa cardigan ay tumutulo rin! “Freak...” bulong ko sa sobrang gigil. Iniisip kong si Seatiel ang laylayan ng damit at pinipigaan ko! Ni hindi talaga siya nagdalawang-isip na bitawan ako kanina! Inalis ko ang benda sa kanang kamay ko. I groaned in pain. Mabuti hindi na iyon dumudugo. Nilapag ko sa batuhan ang benda. Pagkatapos ay napatingin sa kabuuan ko at sa basang-basang cardigan. Napabuga ako sa hangin. I guess I’m going to take this off, too. Iyon ang ginawa ko. Inalis ko ang mga butones nito at diretsong hinubad. Binagsak ko rin ‘yon sa batuhan. Umihip ang hangin kaya naramdaman ko ang lamig nito sa aking mga balikat at braso. Dahil manipis ang tela ng dress at basa ay kumapit ‘yon sa katawan ko. Napatingin akong muli sa ilog nang mayroong pasimpleng sumipol. Nahuli ng mga mata ko si Seatiel na nakatingin sa gawi ko. May kalayuan siya pero sigurado akong sa katawan ko siya nakatingin! “What are you looking at?” tanong ko at hinarap siya. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko. Pinapanood niya ba ako kanina pa? “Ako ba?” tanong ni Seatiel. He chuckled. “Wala naman... wala akong makita.” Parang nag-apoy ang magkabilang tenga ko. Anong walang makita? What does he mean by that? “A-Anong wala?” alangang tanong ko sabay baba ng tingin sa sarili kong dibdib. M-Meron naman, ah! “Meron ba?” tanong niyang tila wala lang ‘yon. Tinalikuran niya na ako at lumusong sa ilalim. Habang naliligo siya roon ay napatingin tuloy ako sa kabuuan ko. I have boobs. I have a big butt kahit papaano! May shape ang bewang ko at sabi nga ni Manang Adelasia ay maganda ang balakang ko! Dinampot ko ang cardigan at tumuloy doon sa sapin na nakalatag sa damuhan. Ikakain ko na lang ito kaysa ang masabihan ang Seatiel na iyon ng mga bagay na pagsisisihan ko rin! Piniga ko ang buhok pero nanatili ‘yong basa. Wala akong pamalit. Kung meron sina Margaret ay manghihiram lang ako. Pero kapag bumalik na sila rito ay saka lang ako makakapagpalit. Busy pa sila sa paglalaro sa tubig. Hindi ko sila makita mula rito sa damuhan kung nasaan ang nakalatag na mga pagkain at inumin dahil mababa ang ilog kumpara dito sa taas at may mga puno. Sinapin ko ang basang cardigan sa damuhan at doon umupo. Nilalamig ako ngunit wala akong choice. Kahit papaano ay nagustuhan ko ang pakiramdam ng tubig. Mas ma-e-enjoy ko lang sana kung hindi ako hinagis nina Marcus. Hindi ko naman sila pwedeng sisihin dahil hindi naman nila alam na hindi ako marunong lumangoy. Nagsalin ako ng red wine at ininom ito. Para lang mahimasmasan. Umihip ang hangin at napatingin ako sa gawi ni Seatiel. Panay ang tingin niya sa akin at kahit umiiwas ako ay panay din ang tingin ko sa kaniya pabalik para tingnan kung tumitingin pa siya sa akin. Kung may nakakakita lang sa amin, siguro mukha kaming ewan. Kung bakit kasi siya tingin nang tingin... Umahon na siya kaya medyo napaayos ako ng upo. I closed my legs. Tinupi ko ang mga tuhod at hinatak pababa ang dress. Kumuha ako sa deep fried squid rings, o calamares na mas madalas kong naririnig na tawag dito, kahit na na kay Seatiel ang atensyon ko nang nasa batuhan na siya. Ramdam kong nakatingin siya sa ‘kin pero nagpatay-malisya ako. Sana pala ay ako na lang ang sumama kina Margaret. Magpapaturo na lang akong lumangoy. Kumuha ulit ako ng wine. Ang tagal naman nila Margaret. What’s taking them so long? Dapat saglit lang silang mag-dive. Baka mapaano pa sila doon... “Galit ka ba?” mahinahong tanong ni Seatiel. Parang may kung anong nakawalang mga insekto sa tiyan ko dahil sa tanong niyang ‘yon, at sa lambing ng kaniyang boses. Umiling lang ako habang nasa pagkain ang tingin. “Bakit ka galit? Sabi mo bitawan kita... ginawa ko lang ang gusto mo,” sabi niya habang nagpupunas ng katawan at buhok. Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin. Napapansin ko lang siya sa peripheral vision ko. “Okay,” mahinang sagot ko. Oo na, kasalanan ko na. Wala siyang ginawang masama. Pwede na kaming tumahimik. “Okay? ‘Okay, hindi ka na galit’ o ‘okay, manahimik na lang ako?’” Alam kong nakangisi siya nang sabihin ‘yon. Hindi ako sumagot. Nagdagdag pa ako ng maraming fried squid rings sa bibig para lang may dahilan ako para hindi magsalita. Hindi ko siya narinig magsalita. I was so tempted to look at him and check why he’s not talking anymore. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Lumayo siya nang bahagya at lumapit sa isang bag. Sumunod ang tingin ko para pagmasdan siya at tingnan ang ginagawa niya. He’s only wearing black shorts. The rest wala na. Ang tangkad niya at ang ganda ng kaniyang physique. Halos hindi ko na maalis ang mga mata ko. Ever since what happened last night... my mind’s so filled with curiosities. Kung ano-anong bagay ang nai-imagine ko. Things that make my palms sweat and dries my throat. Napalagok ako sa wine. Gusto kong kilabutan sa mga naglalaro sa isip ko. Lumapit sa akin si Seatiel. May hawak na siyang puting tuwalya. Inabot niya ‘yon sa ‘kin pero nakatingin lang ako rito. “Cover up. Lalamigin ka. Wala kang pamalit.” Hindi ko pa rin tinanggap. Malalim siyang huminga at pinatong sa mga balikat ko ang tuwalya. “Ang kulit mo,” asik niya. I didn’t move a bit sa takot na madikit ako sa kaniya. I’m afraid I will not be able to pull myself away from him the moment our skin touches and ask him... to fill my curiosities. Gumuho man ang mundo ngayon, that’s the last thing I would say. Lumayo rin siya sa akin at umupo sa damuhan, medyo nakaabante sa akin kaya nasusulyapan ko ang likod niya. Ginulo niya ang kaniyang buhok na bahagya pa ring tumutulo sa tubig. Kumuha siya ng bote ng beer at tumungga roon. “Bakit?” tanong niyang mukhang napansin nakatingin ako. Hindi ako sumagot at kumain lang. Pinagmasdan ko ang ilog na nasa harapan namin. Ang agos ng malinis na tubig. Ang mga puno. Ang preskong hangin. Ang tahimik na paligid na tanging ragasa ng tubig at pagsayaw ng mga dahon sa puno at mga halaman ang maririnig, at ang tawanan nina Margaret mula sa kalayuan. Gusto kong mahiga sa damuhan. Basa nga lang ang damit ko dahilan para bumakat ang panloob na suot at tanging si Seatiel lang ang kasama ko kaya hindi ko ginagawa. Such a shame I don’t have my camera or even my phone anymore. These would make great pictures that I can post on social media. Bigla ko tuloy naisip ang phone ni Seatiel. Pwede kayang makihiram niyon? Really, Isla? Ikaw, hihiram ng phone? Hay! I’m not that poor pa... I’ll ask Louise for some money. Marami rin akong utang kay Seatiel na gusto kong bayaran. “Are you drowning me in your mind?” tanong ni Seatiel habang tumutungga sa beer. I sipped on my wine. “Why would I?” Nagkibit-balikat lang siya at nagpigil ng ngiti. “Gusto mong maligo ulit?” tanong niyang nakatingin sa ilog. Napaisip ako at matamang napailing. Ayaw ko... baka mamaya ay may binabalak na naman siya... “Alam mong hindi ako marunong lumangoy. Pagkatapos ay yayayain mo akong lumusong ulit...” Hindi ko napigilan. “Tuturuan kita,” seryosong sabi niya. “Lumangoy?” tanong ko, napunta sa kaniya ang buong atensyon. Seatiel creased his forehead. “Yeah. What else do you expect?” Napalunok ako at umiling. “W-Wala.” Malalim na huminga si Seatiel at tinukod ang kamay sa likod bilang suporta. Nilingon niya ang mga punong marahang sinasayaw ng hangin. He looks... peaceful. “You should learn how to swim. Tuturuan kita kung paano. O sina Margaret kung gusto mo.” Wala akong naramdamang pagtutol. Matagal ko nang gustong matutong lumangoy, isa rin ‘yong magandang skills na makakatulong sa ibang tao in case of emergency. “Horse riding... tuturuan mo rin ba ako?” Tumingin siya sa akin. Amusement filled his eyes. “If you want.” Napangiti ako. Nakaramdam ako ng excitement. Kaso saan ko naman magagamit ang skill sa horse riding pagbalik ko ng Maynila? Napaisip ako. Siguradong marami pa siyang alam! “Kung paano mamangka at mangisda... ituturo mo rin sa ‘kin?” umaasang tanong ko. Ang dami kong gustong matutunan. I’m even interested with their ranch. Maraming taniman ang La Esperanza. Malawak itong probinsiya at mayaman sa nature. They even grow flowers and a lot of different fruits. Ang sabi nina Nay Issa ay mayaman din ang La Esperanza sa yamang-dagat. Pangunahing pangkabuhayan ang pangingisda rito at ang mga farms. Tumango ulit si Seatiel. Hindi ko alam kung niloloko niya na ba ako o ano. Baka mamaya pati paggamit ng baril ay alam niya rin, ha! Nakaramdam ako ng excitement. Nang magsawa sa wine ay napahiga na nga ako sa damuhan at tumitig sa langit. The sun left the sky. Ang tanging iniwan nito ay ang madilim na asul na kulay ng kalangitan at pinaghalong kahel at rosas na kulay, senyales na unti-unti nang nilulukob ng dilim ang liwanag. I sighed. Umihip ang hangin at naramdaman ko ang lamig sa buong katawan ko. Pinikit ko ang mga mata saglit. Naririnig ko ang masasayang tawanan nina Margaret mula sa kalayuan, enough to fill the silence of the whole place and enough to not disturb my comfort. Nang magmulat ay tumingin akong muli sa kalangitan. Para itong mawalak na dagat, karagatan, mas malawak nga lang at tila hindi natatapos. Walang dulo, walang hangganan. “Ang lawak ng mundo...” pagsasalita ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napangiti. Bahagya akong bumangon at tinukod ang kaliwang siko sa damuhan. Pagilid kong dinantay ang ulo sa palad ko at tiningnan si Seatiel, my wet hair strands following my move. He’s looking at me, heaving a sigh. Nakakalahati niya na ang beer kakatungga. “Come to think of it. Ang lawak ng langit ngunit walang nakakaalam kung ano ang nasa hangganan nito. Malawak din ang dagat... parang walang katapusan, pero at least hindi gaya sa langit, sa dagat... darating din ang panahong mararating mo ang baybayin. In the other end of the sea... there’s a land.” Inangat ko ang daliri at sinundan ang dumaang eroplano. Napangiti ako. Gumuhit ako sa hangin. As I followed the trace of the plane, natakpan din ito ng mga puno at hindi na abot ng tanaw ko... kaya nahinto ang daliri ko kay Seatiel. He’s looking away, nangingiti sa mga binanggit ko. Natulala ako sa kaniya. Tumingala siya sa langit. “Uulan na naman,” banggit niya. Napalunok ako. Hindi dahil sa binanggit niyang nagbabadyang ulan kundi dahil sa kaniya mismo. Umihip ang hangin at muling narinig sa paligid ang pagsasayaw ng mga dahon sa mga puno at halaman. Pakiramdam ko ay umikot ang paningin ko. Napapikit ako nang muling bumalik sa isip ang ginawa niyang paghalik sa akin, paghawak, at paghinga sa leeg ko. His hot tongue teasing and sucking my neck, habang hinahaplos ako ng kaniyang kamay. Malalim akong napahinga. My heart’s beating guiltily. Napabangon ako at napatayo habang napapalunok na napahawak sa aking ulo dahil sa biglaang pag-ikot ng aking paligid. Bahagya akong sinalo ni Seatiel para alalayan at nilapag ang hawak niyang bote. Lumayo ako sa kaniya kahit medyo nawalan ng direksyon ang hakbang ko. This is frustrating... I’m... I’m high! “M-Maliligo ulit ako,” tila lasing na wala sa sariling sambit ko at lumayo sa kaniya para bumalik sa ilog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD