Relentlessly I
Simula nang umalis ako para bumalik sa Maynila, doon ko napagtanto na mahal ko si Seatiel, na hindi lang iyon simpleng pagkakagusto sa kaniya. Kahit hindi ko na siya makitang muli, I will carry the memories of him within me.
I was certain we would never cross each other’s paths again. Kung magkita man kami ay hindi dahil babalikan ko siya. Kung hindi niya ako pinuntahan sa Maynila, I don’t think we’ll meet again. Baka hindi kami... baka hindi ko mapagtatanto na kaya ko pang mas mahalin siya.
The anger in me is burning. Gusto kong balikan ang babaeng ‘yon para pagsalitaan din siya. Gusto kong hilahin ang buhok niya pabalik at sugatan din ang balat niya gaya ng ginawa niya. Gusto kong sabihin na ilusyonada siya para sabihing mabubuntis siya ni Seatiel! Gusto kong sabihing siya ang desperada dahil pinipilit niya ang sarili sa lalaking hindi siya gusto. Na hindi ko kasalanan kung hindi siya mahal ni Seatiel at lalong hindi ko kasalanan kung hindi siya minahal ni Seatiel kahit matagal na silang magkasama rito sa La Esperanza!
Pero sa huli, nanghina lamang ako.
Patuloy ako sa paglalakad palayo at pinalis ang luha. Wala akong pinansin sa paligid. Saktong sinalubong ako ni Creed na mukhang bumalik para tingnan ang nangyari.
“Anong nangyari?” salubong agad ang mga kilay na tanong niya sabay tingin sa malayo kung saan may kumpulan pa rin.
Gustong tumulo ng luha ko dahil sa nag-iinit na sulok ng mga mata ko ngunit hindi ko hinayaan. Napatingin siya sa ‘kin at malalim na nagbuntonghininga nang makita ang mga mata kong namumula dahil sa mga nagbabadyang luha.
Sinamahan niya ako paalis sa bayan. Nawalan na ako ng pakialam at walang ibang ginawa kundi ang umiyak sa likod ng kaniyang sasakyan. Patuloy ang mga hikbi ko, hindi dahil masakit ang anit ko at sa mga sugat sa braso, o dahil sinabihan akong malandi at manggagamit.
Nasasaktan ako dahil nagawang sabihin ni Tamsiah ang tungkol sa kaniyang dinadala. Does that mean it’s true? Hindi niya iyon basta lamang sasabihin. Lalong nadurog ang puso ko, naiisip agad una sa lahat ang bata. Hindi ko alam kung paano iyon nasabi ni Tamsiah dahil sa pagkakaalam ko’y para na silang magkapatid.
Ampon si Tamsiah nina Ate Aly gaya ni Bom, at sila ang nagpaaral sa kaniya ng kolehiyo. O baka si Seatiel dahil si Seatiel ang sumusuporta kina Ate Aly kahit hindi niya kamag-anak ang mga ito. He was like a brother to Bom and Cindy, taking care of them ever since he moved to La Esperanza.
Ano ang alam ko sa pinagsamahan nila ni Tamsiah kung wala pa ako nang mga panahong iyon?!
“Kung sinaktan ka talaga ng Del Fuego na ‘yon, huwag na huwag mo na siyang babalikan. Naiintindihan mo ba?” saad ni Creed habang seryosong nagmamaneho. Sa tulin ng kaniyang pagda-drive ay mabilis naming nalagpasan ang daan.
Hindi ako sumagot. Wala akong salitang mabuo sa isipan. I just want to be alone. Gusto kong makalayo sa lahat ng naroon at mapag-isa.
Nagpahinto na lang ako sa isang tabi. Kamamatay pa lamang sa makina ng sasakyan ni Creed ay agad na akong bumaba. Ayaw kong umuwi at lalong ayaw kong humarap sa kahit kanino nang ganito.
“Lauren, where are you going?” bayolenteng tanong ni Creed habang tinatawag ako mula sa bintana ng driver’s seat.
“Gusto kong mapag-isa, Creed. Let me. P-Pasensya sa abala at salamat,” malamig na sabi ko at gusto nang mapag-isa!
He didn’t want to leave, ngunit wala rin siyang nagawa nang tuloy-tuloy akong naglakad paalis habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luhang pinipigilan ko.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng sariling mga paa. I went to the opposite way. Sa halip na pauwi kina Ate Aly ay ang kabilang daan ang aking tinahak. Namalayan ko na lang na ang gubat patungo sa dagat na ang dinaraanan ko.
Hindi na mainit ang mataas na sikat ng araw. Ilang sandali na lamang at lulubog na rin.
Napatigil ako at napakapit na lang sa isang puno. Nanghina ako. Unti-unting nag-sink in sa akin ang mga sinabi ni Tamsiah. That she is pregnant at sinasabi niyang si Seatiel ang ama. I breathed heavily and closed my eyes firmly.
Wala sa sariling nagpatuloy ako sa dalampasigan. Sa matulis na mga batuhan ay naupo ako. Hinayaan ko na lang na tangayin ng hangin ang mga naiisip.
Ayaw kong magkonklusyon agad. Ayaw kong magdesisyon. Ayaw kong maniwala. Pero hindi ibig sabihin ay malaki ang paniniwala ko na hindi totoo iyon, lalo pa at wala akong alam sa kanilang dalawa.
Sabi ni Seatiel ay mahal niya ako. Simula nang makabalik kami sa La Esperanza ay hindi niya pinaramdam na posible itong mangyari. Pero paano kung minahal niya lang ako kung kailan nangyari na? Kung kailan tapos na?
Hindi ko namalayang kumawalang muli ang mga hikbi ko. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin at ng mga alon na humahampas sa batuhan ay napayuko ako sa mga tuhod ko at doon humikbi nang humikbi.
Doon ko naramdaman ang sobrang sakit kong ulo at anit dahil sa ginawa ni Tamsiah. Ang mga sugat at kalmot niya. She was so eager to hurt me. Siguro ay ganoon kasakit ang nararamdaman niya.
Ramdam ko na hindi nagsisinungaling si Tamsiah na buntis siya. It was obvious. It was clear that she was several weeks pregnant! Base sa hindi niya pagpapakita at sa kaniyang tiyan kanina.
Napaangat lamang ako ng tingin nang marinig ang papalapit na bangka. Pinunasan ko ang mga pisngi kong basa sa mga luha habang palapit ito.
“Lauren! Ikaw nga ba ‘yan?!” malakas na tanong ni Marcus na lulan ng bangkang para sa pangingisda, may kasamang isa pang kaibigan.
Tinanaw ko ang bangka hanggang sa patayin niya ang makina nito. Nang makababa si Marcus ay dumiretso siya para lapitan ako, hinagis na lang basta ang lubid sa kasama. Malawak ang ngiting ibinungad ni Marcus gaya ng nakasanayan.
“Uy! Ginagawa mo rito?” tanong niya nang makalapit.
Nag-iwas ako ng tingin pero huli na dahil napansin na nito ang pag-iyak ko. Natahimik siya at gulat akong tiningnan.
“Oh?! Sinong umaway sa ‘yo?” tanong niya at napuna ang matarik at matulis na batuhan.
I still couldn’t answer. Hanggang sa tinawag na lang ni Marcus ang kasama.
“Bumaba ka riyan, Lauren. Masusugat ka sa talas niyang mga bato. At madulas pa! Magagalit si Seatiel!” saad niya at nilahad ang kamay.
I dragged my eyes away from the rocks. Gusto kong magalit lalo na nang marinig ko ang pangalan ni Seatiel. Hindi ako galit kay Seatiel pero gusto kong mag-isip muna, kung pipilitin nila o niya na kausapin ko agad siya ay baka tuluyan akong hindi makapag-isip nang matino!
“Gusto kong mapag-isa, Marcus. H-Hayaan n’yo na lang ako rito,” pag-iiwas ko pero mapilit siyang pababain ako.
Sa huli ay bumaba na lang ako, balak na mag-walk out at humanap ng bagong lugar kung saan hindi magugulo. Naramdaman ko nga ang hapdi ng batuhan sa mga paa ko. Nang makababa ay naramdaman ko ang tubig-dagat na abot sa binti ko. Nabasa nito ang dulo ng aking bestida.
“Anong nangyari at bakit mag-isa ka rito?” takang tanong ni Marcus habang nagbababa ng huling isda. Kaunti lang iyon kumpara sa kadalasang huli.
Hindi ako sumagot. Malalim na mga buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi pa rin kumakalma ang bigat ng dibdib. I still want to cry! Mauubos din ang luha na ito kung ilalabas ko.
“Kaya mo nang umuwi mag-isa? Babalik pa kami. May naiwan kami sa isla,” tanong ni Marcus. Alam niya kaya ang nangyari kanina sa bayan?
Mukhang napansin niya ang ayos ko at ang pag-iyak ko kaya ‘di na siya nag-abalang tanungin pa ang problema.
“Gusto kong sumakay sa bangka,” biglang sabi ko.
Napatigil si Marcus at ang kasama.
“Ah, eh, sa susunod na lang, Lauren, ha? Baka magalit sa akin si Seatiel niyan,” sabi nito at kabadong humalakhak.
Mas lalo kong ginusto na sumakay sa bangka. Gusto kong umalis kahit saglit. Kahit saan ako pumunta. I just want to go somewhere else and breathe.
The thought of Seatiel breathing the same air as me is making me furious, kahit hindi naman talaga ako galit sa kaniya sa mga sinabi ni Tamsiah na hindi ko pa rin dapat paniwalaan nang husto. Nagsimula lamang akong makaramdam ng inis sa sinabi ni Marcus dahil bakit kailangan ng permiso ni Seatiel? Bakit kailangang malaman niya lahat ng gagawin ko? Can’t I do things here alone? Bakit kailangang alam niya kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko?
“I-I want to go fishing.”
Napakamot na lamang sa sentido si Marcus sabay tikhim doon sa kasama niya. “Ako na siguro ang susundo sa mga bata sa kabilang isla. Salamat, pre...”
Tumango ang kasama niya. Nang kaming dalawa na lang ang naroon ay nag-aalangan pa rin siya. “Baka ‘di na ako makadaong nang buhay, Lauren, eh.”
Nanatili akong nakatingin sa kaniyang bangka. Bakit ko pa nga ba naisip na sa kaniya magpasama? Maaari naman sa iba.
“Okay...” sabi ko habang tanaw ang papalapit na isang bangka mula sa ‘di kalayuan. Maybe I can rent their boat instead.
Kahel na kahel na ang langit. Lumulubog na talaga ang araw at mas lumalakas din ang hangin. Bago pa ako makahakbang paalis ay tumango na si Marcus.
“Oh, sige na nga. Baka mapaano ka pa riyan. At saka nandoon naman sina Bom.”
Tumango ako. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam. Wala na rin namang magawa si Marcus. Pasakay na ako sa bangka nang may tumawag sa akin mula sa dalampasigan na kararating lang. Nang lingunin ko iyon ay awtomatikong nanlamig ang tingin ko.
“Please, Marcus. Just this once,” saad ko kay Marcus. Mukhang nag-aalangan talaga siya at halatang ayaw gawin ito.
Palapit na si Seatiel sa bangka. Nang lingunin ko siya ay halos dumoble ang kaba ko ngunit nanlalamang ang lamig at iritasyong nararamdaman ko. Pinilit kong maging matapang at hindi magpasindak. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay umakyat sa bangka!
He called me, ngunit hindi na ako lumingon. Pero naabot niya talaga ako at hinuli ang aking pulsuhan.
“Lauren, sandali. Mag-usap tayo... saan ka pupunta?” Nagsalubong nang husto ang mga kilay niya. His jaw clenched as he tried to keep me from getting on the boat.
Hindi ko siya sinagot at tinanggap ang kamay ni Marcus na napilitang alalayan ako pasakay sa bangka. “Tara na, Marcus,” saad ko nang makaupo.
Seatiel glared at Marcus, na hindi na gumalaw para buhayin ang makina! Kumunot ang noo ko at napatigin kay Seatiel dahil ayaw nang gumalaw ni Marcus!
Madilim ang tingin at marahas sa magkahalong pag-aalala at galit na hindi gusto ang desisyon ko. Nakatingin siya sa akin at nang mapansin ang ilang sugat sa aking mga braso ay mas tumindi ang tensyon sa mga mata niya. Naging malumanay lang ang tingin niya nang bumalik sa mukha ko.
Nag-iwas ako ng tingin at sinabihan si Marcus na paandarin na ang bangka para makaalis na kami. But instead, he chose to betray me. Kausap niya na si Seatiel. Sa lakas ng hangin ay hindi ko na marinig iyon!
Napansin ko na lang na tumango si Seatiel. Marcus suddenly disappeared. Para akong nanlumo.
Inis kong tiningnan si Seatiel nang siya ang umakyat sa bangka sa halip na si Marcus. Tumayo ako at akmang bababa na lamang. Umuga ang bangka. Seatiel stopped me. Muntik na akong matumba kung kaya’t maagap niya akong hinawakan ngunit nawalan ako ng pakialam at patuloy na tinaboy ang kaniyang kamay.
“Gusto mo ito, hindi ba?” mariing tanong niya at nilapitan ang makina ng bangka.
“A-Ano ang ginagawa mo rito? I don’t want to see you!” Unti-unti ay bumalik na naman sa isipan ko ang pag-eeskandalo ni Tamsiah. “Bakit ka nandito? Tapos na si Tamsiah? Masaya na ba siya? Did she get what she wants?!”
Hindi niya sinagot ang mga tanong ko. Tuluyang umandar ang makina ng bangka at pipilitin ko pa sanang makaalis kung hindi niya lang ako binalik sa aking pagkakaupo, dahilan para mahulog ang isang strap ng puting bestida ko!
Taas-baba ang paghingang tiningala ko siya at masamang tiningnan. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka pinaglalamayan na siya sa tapat ko.
Bumagsak ang tingin niya sa balikat kong lumantad at madilim akong tiningnan, bumuntonghininga. “Kahit pagbagsak ng strap niyang damit mo, napapatingin ako. Pagtapos ay maniniwala kang makakabuntis ako ng iba? Damn it, Lauren!”
Marahas pa rin ang kaniyang paghinga at salubong nang husto ang mga kilay. Kung may kidlat ang tinginan namin, by now, we’d be setting each other ablaze.
Binitawan niya ang lubid ng bangka at tinawid ang espasyo sa pagitan namin. Halos mapakapit na lang ako sa parte ng katig habang nakaupo pa rin!
My heart almost dropped to my stomach... niyuko niya ako at pinatong ang mga kamay sa magkabilaang gilid ko, kinukulong ako sa aking kinauupuan.
Seatiel’s eyes were filled with anger, pain, and countless other emotions I couldn’t put into words. Nang magtama ang paningin namin at makita niya ang mga mata kong galing sa pag-iyak ay unti-unting lumamlam ang kaniyang mga mata.
Bumaba ang tingin niya sa balikat ko kung saan nakabagsak ang strap ng aking puting dress. Dumilim ang kaniyang tingin at kumuyom ang mga kamay nang makita ang sugat doon. Nakakulong pa rin ako sa pagitan ng kaniyang mga braso at sa kaunting uga ng bangka, alam kong magkakadikit kami!
He glanced at me once before proceeding to kiss my exposed shoulder. My heart doubled when his soft and hot lips pressed against my skin.
Dahan-dahan niyang inangat ang labi. Nahigit ko lalo ang aking paghinga nang magsalita siyang hindi inilalayo ang mga labi sa tapat ng tainga ko, dahilan para tumama ang kaniyang mainit at nakakapanindig balahibong paghinga sa gilid ng aking leeg na tila gumapang patungo sa batok ko at buong katawan!
“I swear, Lauren, I can hurt anyone who tries to hurt you,” he whispered roughly.
Matagal akong nakatingin kay Seatiel, namumula pa rin ang sulok ng mga mata at ang ilong dahil sa ginawang pag-iyak. Napaiwas ako ng tingin at pilit ibinalik ang masama at iritado kong tingin para lang hindi mapagbigyan ang muling pagbagsak ng mga luha ko.
“I don’t want to see you right now... baka kung ano pang masabi ko,” mahina ngunit may diin kong sambit habang iniiwas ang tingin.
Tinanaw ko ang islang ngayon ay iniiwan namin, with persistent tears threatening to fall again.
Nanatiling nasa tapat ko si Seatiel. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko ‘yong binawi nang hindi pa rin siya tinitingnan.
Alam kong malapit silang dalawa ni Tamsiah at alam na alam ko rin na mahalaga ito sa kaniya. The woman likes her, at imposibleng hindi niya iyon alam.
Tumayo si Seatiel ngunit hindi ko pa rin siya tiningnan kahit alam kong nasa akin ang buong atensyon niya habang patuloy ang pag-andar ng bangka papalayo sa isla.
Paliit nang paliit ang dalampasigan sa paningin ko pero nanatili pa rin kaming tahimik ni Seatiel habang tuloy-tuloy ang andar ng bangka. Ikinuyom ko ang aking palad at naramdaman ang muling pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan. Nagsunod-sunod ang mga ito dahil hindi ko ‘yon mapigilan. I sobbed. Kada patak ng luha ko ay sinusundan ko ng punas.
Akmang magsasalita si Seatiel pero agad ko siyang inunahan. He tried to reach me but I refused his touch. Tumayo ako at itinulak ang kaniyang kamay palayo.
Gumalaw ang bangka sa biglaan kong galaw at akmang hahawakan ako ni Seatiel.
“Ibalik mo ang bangka, Seatiel. I don’t want to go with you,” mariin kong sabi.
“Malayo na tayo.”
Mas nakaramdam ako ng inis. Hindi na ako makaalis dahil nga malayo na ang natatakbo ng bangka. Palubog na rin ang araw at matingkad ang kulay kahel na langit.
Nilapitan ko ang makina ng bangka. I don’t know anything about boats but I am desperate to leave! Akmang kukunin ko iyong lubid at baka sakaling iyon ang makakapagpatigil o kung anuman nang hawakan ako ni Seatiel at inilayo roon sa makina.
I tried to push his hand away again but it has no use. Hinawakan ni Seatiel ang bewang ko para palayuin sa makina na gusto kong ipatigil.
“Don’t touch me!”
Imbes na pakinggan, he pulled me even closer until I couldn’t reach it!
Sa inis ko ay pumiglas ako at lumayo sa kaniya saka siya hinarap. Ngayon ay nagtama rin ang paningin namin matapos ang kanina ko pang pag-iiwas at pilit na hindi pagtingin sa kaniya.
“Stop moving. Mahuhulog ka,” utos niya dahil sa muntik kong pagkahulog sa bangka.
“Stop this, Seatiel! I’ll jump out of this boat!” pagmamatigas ko kahit natakot sa dagat nang nalingunan iyon.
Madilim niya akong tiningnan at hinagod ang buhok palikod upang pahabain pa ang pasensya. “Bakit hindi mo muna ako pakinggan? Wala akong alam sa sinasabi niya,” paliwanag niya ngunit sarado ang isip ko at ayaw ko ‘yong pakinggan.
I am very much guilty. Baka nga may kung anuman sa pagitan nila. Maybe something really happened between them! It doesn’t matter if it’s recent o kung matagal na. Sinira ko iyon simula nang dumating ako. I shouldn’t be here in the first place. Kaya tama lang na magalit siya sa ‘kin, hindi ba?
“Hindi mo alam o ayaw mo lang aminin because we happened?!” tanong ko sa nanginginig na boses. “M-May nangyari sa inyo?”
I felt my hands trembling, and I found it very ridiculous. Wala pang kami nang panahong iyon kaya wala ako sa posisyon. Wala akong magagawa kung may nangyari sa kanila noon at kung anong meron bago pa ako dumating dito.
Natigilan siya sa tanong, hindi agad sumagot. Parang nahulog ang puso ko sa naging katahimikan niya.
“Bakit hindi mo sagutin, Seatiel? M-Meron ba o wala? K-Kailan?” sunod-sunod kong tanong. Now, I am more concerned about Tamsiah’s child. Kung totoo nga, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko...
“Wala...” mapait na saad ni Seatiel, hindi gustong pinag-uusapan namin iyon.
“You could both be drunk. Remember it, Tiel. Please! There’s a child involved,” nag-iinit ang sulok ng mga matang saad ko.
Sinabi niya iyon sa harap ng marami. She’s claiming it’s Seatiel’s child! Mabilis ang balita at mamaya lang ay kalat na iyon sa La Esperanza.
“Lasing tayong lahat noon, pero alam ko ang ginagawa ko,” mariing sagot niya. “Sinabi niya iyon dahil sa kagustuhang hanapan ng ama ang dinadala niya, but I swear, Lauren... it’s not mine.”
“Sino ang ama kung ganoon?” I asked frustratedly.
Nag-iwas ng tingin si Seatiel. Umihip ang hangin at ang matingkad na kulay ng papalubog na araw ay tumama sa kaniyang mga mata. “Hindi ko sigurado... pero hindi sa akin ‘yon, Lauren. Kung sa akin man iyon, hindi na aabot sa ganito. I wouldn’t even think twice if that was mine!”
“She only likes you! Kung may nangyari sa inyo noon ay posible iyon, kaya huwag kang makampante,” saad ko at naiisip na rin ang bata.
“Wala... I swear, Lauren, damn, I didn’t even touch her!”
Still having doubts, I refused him. I don’t want to think it’s possible, but it can be. Hindi niya ako masisisi dahil kahit sino ay maniniwala kapag sinabi ni Tamsiah na siya nga dahil malapit sila at alam kong matagal silang magkasama rito.
Hinapit niya ako palapit. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Gusto kong kumawala sa hawak ni Seatiel ngunit mahigpit iyon sa aking likod at ayaw akong pakawalan.
Napagod na lang din ako sa pag-iwas dahil nasa iisang bangka lang kami. Naramdaman ko na rin ang panghihina ko dahil na rin sa kanina ko pang pag-iyak.
“I’m certain the child’s not mine, Lauren. Aayusin ko ito pagbalik na pagbalik natin... please, baby... don’t doubt me,” he whispered frustratedly. Pumikit siya nang binaon ang mukha sa aking leeg. Ang bigat ng kaniyang paghinga at nakikiusap.
Hanggang sa marating namin ang isla, hindi na ako sumagot. Sakop pa rin iyon ng malaking probinsya ng La Esperanza. Sa kabilang bahagi ng malawak na dagat ay natatanaw rin ang iba pang mga isla na tiyak kong malayo na. Hindi ko sigurado kung sakop pa rin iyon ng La Esperanza o ng ibang probinsiya.
Pinatay ni Seatiel ang makina nang malapit na sa buhanginan. Hindi ganoon kalawak ang white sand dito dahil maliit lang din talaga ang isla. Kaunti lamang ang mga kabahayan pero natanaw ko iyon agad.
Gusto ko na agad bumaba kahit kamamatay pa lamang ng makina, still not wanting to talk to him. Sinundan ako ni Seatiel ng tingin ngunit hindi ko siya pinansin at malamig pa rin ang tingin ko tuwing nagtatama ang mga mata namin.
Nahirapan akong makababa. Mayroong mga dumating para salubungin kami kaya hindi natuloy ang balak ko sanang pagmamartsa palayo kay Seatiel.
Napatingin ako sa kamay niya nang mauna siyang bumaba at inilahad iyon para maalalayan ako. Nagtangis ang mga ngipin ko sa iritasyon at hindi ko alam kung bakit, pikit-mata ko na lang na tinanggap!
“Baka masugatan ka. Nasaan ang tsinelas mo?” kunot-noong tanong niya nang makitang nakapaa lang ako.
Agad kong binitawan ang kamay ni Seatiel nang malapit na sa buhanginan. Naghahalo na ang basang buhangin at tubig sa paa ko.
“Hindi ko alam. Naiwan ko,” sabay iwas ng tingin.
“Baka may maapakan ka.”
May lumapit sa amin na mga mangingisda kaya hindi niya matuloy ang pagkausap sa ‘kin.
Nag-iwas ako ng tingin at nilingon na lang ang dalampasigan. May kaunting kabahayan sa malapit hindi katulad sa pinanggalingan namin kung saan malawak ang private property at halos pag-aari ng mga Del Fuego.
At iisa na lang ang Del Fuego na narito sa La Esperanza. All of those properties belong to no one but Seatiel.
“Tiel!” laking tuwa na tawag ng mga mangingisdang kakilala yata siya at nagsilapitan sa amin.
Tiningnan ako ni Seatiel pero nagpanggap akong hindi siya napapansin, just so he wouldn’t talk to me! Oo nga’t gusto kong umalis pero hindi ang kasama siya!
Kanina sa bayan ay siya dapat ang susundo sa amin nina Margaret. It’s been a week since the last time we’ve spent time together... alone. Iyong wala sina Margaret at kaming dalawa lang, at ngayon ito ang bumungad.
“Biglaan yata ang paggawi mo rito? Kaaalis lang din ni Pierce! ‘Di mo naabutan, naku! Sayang! Kay tagal n’yo na rin yatang ‘di nagkikitang magpinsan,” sabi ng isa sabay tapik sa balikat ni Seatiel.
Pierce? Pinsan?
May edad na ang mga ito, siguro katulad nina Mang Rick at Tatang Greg. May sumilay na mga ngisi sa kanilang labi nang makita ako at ang naabutang paghawak ni Seatiel sa ‘kin at pag-alalay sa pagbaba ko sa bangka.
“May kasama ka pala. Sino ang magandang binibining ito?”
Hindi ko na alam kung ano ang mga isinagot ni Seatiel sa mga ito at kung paano natapos ang kanilang usapan. Nagpaalam din yata ang mga ito na itutuloy ang pagbaba sa mga huling isda at babalik mamaya.
“Sino si Pierce? May pinsan ka pa rito?” tanong ko nang naglalakad na kami patungo sa batuhan. Nakuha niyon ang kuryosidad ko dahil sa pagkakaalam ko, wala siyang kamag-anak dito? Nagawa kong itanong kahit ayaw ko pa siyang kausapin!
Malakas ang hangin at ganoon din ang alon. Nilingon ko si Seatiel nang dumilim ang tingin niya.
“Yes... why?” may bahid ng galit at pait na tanong niya.
“Itinatanong ko lang dahil bago sa pandinig ko. I thought you’re all alone here...” sabi ko at muling nag-iwas ng tingin.
Malalim siyang huminga at tiningnan ang mga paa ko sa halip. “Saan mo iniwan ang tsinelas mo? Paano kung nasugatan ka?”
Ipinasuot niya sa akin ang isang pares ng tsinelas pero tumanggi ako.
“Sabi ni Manang Adelasia, wala na raw Del Fuego rito?” patuloy kong tanong. I found the sand and my bare feet comfortable.
“Hindi Del Fuego. It’s a cousin from my mother side,” napipilitan niyang sagot. Mas tumiim din ang kaniyang tingin. Nangunot naman ang noo ko sa bagong impormasyon.
“Pamangkin ni Donya Viera? Kung ganoon ay may kamag-anak ka nga rito? Are they kids, too?”
“Why are you so interested about it?” Madilim ang kaniyang tingin at iritado.
Huminga ako nang malalim. Siya naman itong sinusungitan ako ngayon! Siyempre ay curious ako tungkol sa kaniya kaya ko tinatanong.
“I am just asking.”
“Kaedad ko,” he answered irritatingly.
“Are you mad? Nagtatanong lang ako,” kunot-noong sabi ko nang mauna na siyang maglakad at isinusuot ko pa lang ang tsinelas.
Hindi niya ako nilingon marahil sa iritasyon, saktong napadaing ako nang may maapakang kung ano habang sinusubukang abutan siya! Nang tingnan ko iyon ay nakaapak ako ng shell na tumusok sa paa ko. I bit my lip, at bago pa ako makatingin kay Seatiel ay nabuhat niya na ako.
“Ang tigas kasi ng ulo mo. Bakit ka nagpaa?”
Napakapit na lang ako sa kaniya at napasimangot. “Why did you leave me? N-Nagtatanong lang naman ako!”
“Damn it, Lauren. Isang tanong pa tungkol sa iba...” banta niya.
Napailing na lang ako at nilingon ang tinatahak namin habang hawak ang tsinelas na isusuot ko sana kanina. Akmang magpapababa ako nang mapansin niya ang sugat sa aking braso na malamang ay galing sa kalmot ni Tamsiah.
Nakita ko ang paglabnaw ng kaniyang mga mata. Tumiim ang panga at malalim siyang napabuntonghininga.
“Gamutin natin ito bago bumalik.”
Hindi ko na iyon sinagot at nag-iwas na lang ng tingin. Saktong nagtakbuhan ang mga bata patungo sa gawi namin nang matanaw nila kami, kasama sina Bom at Cindy.
“Ate Lauren! Kuya Seatiel!”
Lumapit sila at agad kaming tinukso, at kahit nagtataka ay natuwa pang makita na karga ako ng kuya nila.
“Ate Lauren! Ano pong nangyari sa ‘yo?” tanong nina Cindy. May mga tumanaw na rin na mula sa pinanggalingan ng mga bata kaya nakaramdam ako ng hiya at nag-init ang mga pisngi.
“Ibaba mo na ako... kaya kong maglakad.”
Hindi niya iyon sinunod. Dinala niya ako sa nipa hut. Patakbong sumunod ang mga bata na gustong gayahin ako at magpabuhat din. “Kuya Seatiel! Kami rin!”
Gusto kong sumimangot sa mga bata. Pinapababa na nila ako.
“Seatiel... put me down,” giit ko lalo na’t may mga ale rin yatang nag-aabang sa kaniya.
He didn’t listen. Napatingin siya sa legs kong lumilitaw dahil sa pagkabuhat niya at sa hangin. Bumalik sa mga mata ko ang tingin ni Seatiel at naging marahan iyon, para bang hindi siya nagalit kanina lang.
Binaba niya ako sa isang upuang yari sa kawayan sa silong ng maliit na bahay. Nanatili ang tingin ko kay Seatiel kahit nang lumuhod siya sa tapat ko, ang mga mata ay pinapasadahan ng tingin ang mga sugat at kalmot na gawa ni Tamsiah, patungo sa mga binti ko kung saan nalihis ang bestidang suot.
Ang kulay ng langit dahil sa palubog na araw ay tumama sa mga mata ni Seatiel. The summer breeze carried the salty scent of the sea, and the sun kissed every curve of his jaw. Ngayon ay naiintindihan ko na talaga ang mga babaeng nababaliw sa kaniya dahil tingin ko ganoon din ang kahahantungan ko.
Bago pa makatakbo ang mga bata palapit sa ‘min ay nagsalita si Seatiel.
“If I’m going to get anyone pregnant, it would be you, Lauren. Huwag mong masiyadong pinaniniwalaan ang sinasabi ng iba, especially women claiming they’re pregnant with my child.”
Tila lumukso ang puso ko sa narinig.
“Ikaw lang ang hinihintay kong magsabi sa ‘kin na meron na... wala pa ba?” He smirked, bago sumulyap sa tiyan ko.
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. “W-What? Are you asking if I’m pregnant?”
“Hindi pa ba?” tanong niya sabay angat ng tingin sa mga mata ko.
I held my breath. Saying I’m speechless would be an understatement!
He smirked. Nang tumayo siya ay sinadya niya akong bulungan, bago pa dumating ang mga bata na kanina pa kami tinatawag!
“Huwag kang mag-alala, malalagyan din natin iyan. Pagtapos ay ikaw mismo ang magsabi sa kanila. That would be the real one and not her damn show...”
Tumayo siya at napasunod ang tingin ko, still very much speechless.