Relentlessly I
“Napaano ka, hija?” tanong ng isang ale nang lapitan kami sa kubo.
“Ano pong nangyari sa ‘yo, Ate Lauren, at bakit po buhat ka ni Kuya Seatiel?” tanong din ni Cindy sabay usisa sa paa kong may sugat.
“N-Nasugatan lang po.”
Itinuro ni Cindy kay Seatiel ang sugat sa paa ko dahil sa matalas na shell sa buhanginan kanina.
“Ganiyan kapag matigas ang ulo, Cindy...”
Tumikhim na lang ako.
“Seatiel, kumain muna kayo. Kanina pa naglalaro ang mga bata. Nagugutom na ang mga ‘yan panigurado kaya tatapusin ko muna itong niluluto ko, ha? Ayos lang ba, hija? Pasensya ka na’t medyo marumi ang bahay at itong labas! Magwawalis pa lang kasi kami bukas nang umaga,” saad nito at nangingiti. May niluluto nga sila sa labas para sa hapunan. “Pumasok muna kayo sa loob. Nandito sa labas ang niluluto ko kaya ikaw na ang gumamot sa kaniya, Tiel. May bulak at betadine sa aparador.”
Nangumusta na rin ang iba nilang kapitbahay nang makita kami, pero hinayaan na rin kami dahil sa niluluto sa labas at panonood sa pagbaba ng mga huli ng mga kararating lang na mangingisda.
Nilingon ko ulit ang paa ko habang nakigulo na sila Cindy roon. Bumalik agad si Seatiel galing sa pakikipag-usap sa isang matandang lalaki. Hindi ko alam kung tungkol saan, pero mukhang mahalaga at mukhang natutuwa rin ito.
Maybe it’s about their livelihood?
“Tungkol saan ang pinag-usapan n’yo?” hindi ko mapigilang tanong dahil sa kuryosidad na makalapit si Seatiel, tinutukoy ang tungkol sa napag-usapan nila ng mga mangingisda.
“Ipagbibili ang mga huli ngayong buwan sa labas ng bansa. I’ll export it for them,” sagot ni Seatiel.
Tatayo pa sana ako pero bago ko pa iyon magawa ay binuhat niya na akong muli at pumasok kami sa kubo.
Napatingin ako sa paligid sabay balik sa kaniya.
“I wonder... matagal na ba kayong nangingisda?” tanong ko.
“Hmm? It started as a hobby...”
“Hobby lang? Ibig sabihin, hindi lang iyon ang trabaho mo dati?” pagtatanong ko pa. Now, I’m really getting more curious about Seatiel. Hindi niya ako agad sinagot. Napasimangot naman ako at hinayaan na lang siyang buhatin ako. “You studied Marine Engineering, right? Matagal ka ba sa barko?”
“Sandali lang, bumaba ako agad... I got busy with other things,” sagot niya sabay iwas ng tingin.
Napaangat naman ang kilay ko at hindi siya nilubayan ng tingin hanggang sa maibaba niya ako sa isang upuang yari sa kawayan.
Sa likod ng kinauupuan ko ay ang bintana kung saan natatanaw ang dalampasigan. Nasisilungan ang kubo ng malaking puno kaya mas presko.
“Other things? Like?” curious kong tanong.
Bakit naman siya bumaba agad? Hindi niya na ba iyon ipagpapatuloy?
Hindi agad sumagot si Seatiel. Tiningnan niya pa muna ako sabay iwas. Nakaramdam ako ng iritasyon kaya napahinga ako nang malalim.
“Got busy with other things? Or girls you mean? Sabi nila ay mahirap ang buhay sa barko. Masiyadong matagal. Maybe you couldn’t last without a girl? Kaya ka bumaba? Is that it?” tanong ko at inabala na lang ang sarili sa pagtingin sa paa kong may sugat kahit nakaramdam ako ng pagkulo ng dugo sa naisip ko.
How ridiculous, Lauren... kanina ay umiiyak ka lang. Tapos nakikipag-usap sa dahilan ng pag-iyak na ‘yon, tapos ngayon ay galit ka naman!
Hindi ko gusto itong nararamdaman ko nang mga nakaraan. Mabilis magalit at walang pasensya...
“I can last without a girl, Lauren. Naging busy ako sa trabaho at may kinailangang asikasuhin sa Maynila,” sagot niya at lumuhod sa tapat ko matapos makuha ang panggamot. Kinuha niya ang paa ko at tiningnan akong maigi. “Bakit interesado ka na ngayon? Dati naman...”
Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Napaangat ang kilay ko.
“You’re my boyfriend now. Pwede ba namang hindi kita kilala?” saad ko.
Hindi ko namalayang napatitig siya sa ‘kin, with amusement filling his eyes. His eyebrows shot up, pigil na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya.
Nagsimula si Seatiel na gamutin ang sugat sa paa ko at nilagyan ng benda. Pagtapos ay ang mga sugat na natamo ko mula kay Tamsiah ang ginamot niya habang panay ang tanong ko sa kaniya tungkol sa kung ano-ano.
“What’s your work, then, kung hindi lang itong pangingisda at ang rancho ang pinagkakaabalahan mo?” curious kong tanong.
“Just a small company...” he answered while going over the small cuts.
“Company?”
“Uh-huh.”
Napanguso naman ako. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang kaniyang pinagkakaabalahan bukod sa rancho at mga lupain nila rito... and with the kids, he seems like a good provider. Lalo na’t parang tumayo na rin siyang nakatatandang kapatid ng mga bata.
Habang ginagamot ni Seatiel ang sugat sa balikat ko ay nagtama ang paningin namin. His eyes stopped at the sight of my lips for a while. Napalunok ako sa kaba at biglang parang may mga kulisap sa tiyan ko.
The insects are back, para bang hindi nag-isip kanina na makipaghiwalay kung nakabuntis nga siya ng iba.
“Saan mo gustong tumira? Dito? Sa Maynila? Sa ibang bansa?” tanong ni Seatiel matapos ang ilang sandali.
Napaisip ako sa tanong niya. Saan nga ba? Everything in my life is in Manila, but I’m not sure I want to go back.
“Kahit saan...” sagot ko na lamang at napaiwas. “I-Ikaw?”
A smile formed on his lips. “Kung saan mo gusto... doon ako.”
Parang lumukso ang puso ko sa kaniyang sinabi.
Nang natapos na ang pagluluto ay inimbitahan na nila kaming kumain. Nagugutom na rin sina Cindy kaya nanatili na muna kami. Mabuti ay walang pasok ang mga bata bukas at alam naman daw ni Ate Aly.
Nasa labas ang lahat pati na rin ang mga mangingisdang masaya sa naging usapan nila tungkol sa export.
“Hija, matanong ko lang, ha... saan kayo nagkakilala ni Seatiel?” tanong ng isang ale habang tumutulong ako sa paghahanda nila ng hapunan.
Napatingin ako sa kanila. Tatlong mga babae ang naghihintay sa magiging sagot ko.
“A-Ah... dito po sa La Esperanza.”
Namilog ang bibig ng isa sabay tango at tingin sa kasama. “Kung ganoon, hindi nga siya...”
Naging interesado ako sa narinig kahit hindi ko agad nakuha kung ano ang pinag-uusapan nila.
“Ganoon ba? Akala pa naman namin ay ikaw na iyong ipakakasal sa kaniya! Balita kasi namin, botong-boto si Donya Viera doon! Siya pa mismo ang naglapit sa babae kay Seatiel. Hindi ba ikaw iyon?”
Biglang pumasok sa isip ko si Trieu Allaena. Is it her?
“B-Baka hindi po...” sagot ko na lang at nag-iwas ng tingin. Bigla akong nakaramdam ng kung anong bara sa aking lalamunan.
“Maganda raw iyon, eh. Taga-Maynila rin at anak yata ng isang negosyante. Palugi na kasi ang kompanya ng pamilya. Hindi ko lang alam kung kusang-loob na tulong ba ng mga Del Fuego ang pagsalo sa kompanya ng mga ito o kung deal ba? Naku, wala talaga akong alam sa mga ganiyang bagay-bagay, eh!” sabay tawa ng isa.
Napatingin ako sa kaniya. Anak ng negosyante?
It caught my attention.
“Ang mga magulang po ba ni Seatiel... dati pong nandito sa La Esperanza?”
Tumango ang isa, handang magkwento sa mga magiging tanong ko. “Ay, aba oo! Tubong La Esperanza naman ang mga Del Fuego! Isang anak lang kasi si Revianno Del Fuego, tapos iyan nag-iisang anak lang din si Seatiel.”
Napatango ako at napasulyap sa gawi nina Seatiel at ng mga batang kinukulit siya. For someone who is an only child, malapit ang loob niya sa mga bata...
“Bakit naman po?”
Ngumiti ang babae. “Naku, hija, kung ‘di mo natatanong, mabait ang mga Del Fuego lalo na iyang si Revianno! Iyan ang talagang nagpalago sa La Esperanza dahil sa impluwensya ng malalaking mga negosyo nila at ari-arian. Lalo nang dumating iyang si Seatiel na manang-mana sa galing ng tatay niya! Nahigitan pa nga niya kaya talagang maunlad ang buong La Esperanza ngayon... sila ang pinakamayaman sa bayang ito. At alam mo ba kung bakit nag-iisa lang si Seatiel? Masiyado kasing mahal ni Revianno ang asawa niya, si Liviera! Kaya hindi naghanap ng iba kahit isa lang ang kayang maibigay na anak sa kaniya.”
They sounded proud telling me that. Ibig sabihin ay hindi na muling nagbuntis si Donya Viera pagtapos kay Seatiel? Maybe it’s a health issue. Kung ganoon ay mahal nga ni Don Revianno ang asawa, considering it’s their lineage being at risk.
I understand Donya Viera on why she’s eager to have a grandchild. Iisa lang si Seatiel... the Del Fuego’s line can end within him.
“Kaya iyang si Seatiel, hindi talaga pwedeng hindi magkaroon ng tagapagmana. Aanhin ng mga Del Fuego ang sandamakmak nilang mga negosyo, hindi ba?”
Napaisip tuloy ako. Ganoon ba talaga kaimpluwensya ang pamilya nila?
Mabilis na sumang-ayon ang mga kasama. “Ang shipping line pa nga lang nila ay matrabaho na! At lahat iyon ay si Seatiel halos ang nagdadala! Kaya nga nakakalungkot man, sana huwag na siyang tumulad sa tatay niya na mas pinili ang babae kaysa sa pamilya... nakakalungkot lang dahil iniwan na nila ang La Esperanza nang tuluyan at ngayon ay nasa Maynila na. ‘Di na muling tumapak dito...”
Tumango ang isa sabay lapit sa ‘kin na tila ba may makakarinig sa sasabihin nila. “Mabuti nga napagpasyahan pa ni Seatiel na magtungo rito sa La Esperanza, dahil nga ‘di ba sa Maynila siya nagkolehiyo? Bilib kami sa batang ‘yan, Lauren... magara ang buhay na kinalakihan sa Maynila pero piniling dito manatili... sana nga dito na lang siya. Ayaw naming mamahala ang mga La Senna,” tukoy niya kay Mayor, ang ama ni Creed.
Ngayon ay talagang napatingin na ako sa kanila. Mukhang alam talaga nila ang kwento tungkol doon.
“Bakit po? Siya ang kasalukuyang mayor... hindi po ba maganda ang pamamalakad nila?” kuryosong tanong ko.
Umangat ang kilay ng isa at nagpaypay. “Hay, naku! Maganda nga ang pamamalakad, pero masiyadong mailap sa mga gaya namin, Lauren! Ayaw yata sa mahihirap! Kita mo at lagi lang nasa sentro. Malayo ang loob sa taong-bayan... buti pa iyong si Creed La Senna! Kaso hindi naman namin tiyak kung anong tunay na ugali ng anak ni Mayor lalo pa’t hindi naman ‘yon laking La Esperanza, pero mukha namang mabait sabi ng kaibigan kong taga-bayan.”
Tumango akong muli. “Ang mga La Senna po... taga-rito rin sa La Esperanza?”
“Oo. Pero may matagal nang hidwaan ang mga Del Fuego at La Senna... walang nakakaalam kung ano ang puno’t dulo ng alitan nila na ilang dekada na... kaya nakakabilib talaga si Seatiel na bumalik dito sa kabila ng hidwaan sa mga magulang niya at ni Mayor La Senna.”
I didn’t know about that... galit ang mga La Senna sa pamilya nina Seatiel? Bakit naman kaya?
Hindi ko na napag-alaman ang tungkol doon dahil kahit sila ay hindi rin daw alam ang talagang puno’t dulo, pero may sabi-sabing may nangyari daw sa nakaraan na naging ugat ng hidwaang iyon.
“Alam n’yo bang may bali-balita dati na ang talagang puno’t dulo niyon ay si Soledad? Iyong ina ni Creed?”
Ngumiwi ang isa habang patuloy kami sa paghahanda sa mga pagkain.
“Si Soledad? Hindi ko iyon naabutan... kawawa nga iyon, maagang kinuha...” naiiling na sabi ng isa.
Nalipat din agad ang topic patungkol sa pag-aasawa ni Seatiel.
“Kaya nga kung sinuman ang makakatuluyan ni Seatiel, sana dumito na lang sa La Esperanza, at sana mabigyan naman ng maraming Del Fuego si Tiel. Mangyari ngang ipagkakasundo ko pa ang magiging bunso ko sa isa...” sabay hagikgik ng isang ale.
Habang abala sila sa pag-uusap ay siya namang paglipad ng tingin ko sa dalampasigan kung nasaan si Seatiel kasama ang mga bata. Kasabay ng hangin at ng tanawing iyon ay tila may gumuhit na lungkot sa puso ko.
But Seatiel’s smile gave warmth to my heart... my heart that is now starting to beat wildly for him.