Kabanata 38

3545 Words
“Seatiel...” usal ko at pagod na napasandal sa kaniyang katawan. Inihilig ko ang sarili sa kaniyang dibdib at kahit pa nga parehas kaming basa sa tubig, pakiramdam ko ay nagbubutil ang pawis sa leeg ko. Malalim siyang napahinga at naisandal ang likod sa bathtub. Tumingala si Seatiel at ipinikit ang kaniyang mga mata habang nakapatong ang mga braso niya sa magkabilang gilid ng malamig na bathtub. Saglit kaming nasa ganoong posisyon at tahimik. Pumikit ako nang muling maramdaman ang labi ni Seatiel sa balikat ko. “Did it hurt?” mahinang tanong niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko mula sa ilalim ng tubig. Inangat niya iyon at hinaplos ang ring finger ko dahilan para tila may mga insektong nagpoprotesta sa dibdib at tiyan ko. Kakaiba ang pakiramdam na hatid niyon. Napalunok ako habang pinagmamasdan din ang palasingsingan ko mula sa magkahawak naming kamay... Bahagya kong nilingon si Seatiel at nakita ang kaniyang tingin sa ring finger ko. He didn’t say anything, at sa halip ay iniangat niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi bago dinampian ng malambot at mababaw na halik. Napasunod ang tingin ko sa kaniya. Kakaiba iyon lalo na nang magtama ang paningin naming dalawa. So many emotions are clouding my system. Napakurap ako. Ang malamlam na ilaw ng shower room ay tumatama sa mga mata ni Seatiel. Matagal ‘yon at wala siyang sinabi, tila ba malalim ang naisip niya kaya sa huli ay ako na ang nag-iwas ng tingin at bumawi sa kamay ko. Dumulas iyon sa kamay ni Seatiel. Umahon ako sa bathtub at nanatili siyang nakasandal sa dulo nito habang sinusundan ako ng tingin. Sa tagal ng tingin niya kanina, pakiramdam ko na-imagine niya nang kasal kami! Nagkaanak at nagka-apo sa katuhod-tuhuran! Nag-iinit ang pisngi ko kaya naman napagpasyahan kong iwan na siya tutal ay kailangan ko na ring mag-ayos ng sarili para sa dinner. Walang sinabi si Seatiel na kailangan kong mag-ayos pero gusto kong maging presentable kung sinuman ang makakaharap namin. “Magbibihis na ako...” pangunguna ko at umahon na nang tuluyan. Nagbanlaw ako sa shower at kahit nga nang matapos ako ay nanatili roon sa bathtub si Seatiel. Yari sa salamin ang maliit na espasyo ng shower at sa labas nito ay ang mismong bathtub na. Nakaharap pa talaga siya sa ‘kin kaya kahit nag-fog ang salamin ay sigurado akong nakikita niya ako. He stayed there until I finished taking a quick bath, para bang kaswal lang na nanonood ng isang palabas. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip na sanay na sanay siyang nakakakita ng katawan ng babae! Nagsuot ako ng roba at iniwan na si Seatiel doon na prente pa ring nakasandal sa bathtub. Bago pa nga ako makalabas ay sumunod ang tingin niya sa ‘kin at tinaasan ako ng dalawang kilay nang mapatingin ako sa kaniya. May bulto ng ngisi sa mga labi na animo’y natutuwa! Nag-iwas ako at tinalikuran na siya para iwan. Nagbihis agad ako at pumili ng magandang susuotin. Naisipan ko ring maglagay ng light make-up mula sa pouch na ibinigay sa ‘kin ng pinadala niya sa tinutuluyan ko just so I wouldn’t look pale. Hindi ko alam kung sino ba ang pupuntahan namin, pero ang sabi niya ay aalis kami at hindi na sa hotel magdi-dinner. Kung narito sa Maynila ang mga magulang niya, ibig sabihin ay sila ang pupuntahan namin dahil wala naman nang iba. Dahil bukas ng gabi, balik na namin iyon sa La Esperanza. Dadaan na lamang ako sa tinutuluyan ko para kunin ang gamit ko. Magpapaalam din ako kay Louisiana at dadaanan si Mommy, na nag-aalangan pa akong gawin dahil baka naroon si Papa. Pero tingin ko naman ay mananatili siya roon sa pinagtataguan niya ngayon. Hindi ko alam ang lugar na iyon. Paano, I was drugged when they brought me in that safehouse. At nang umalis, piniringan din ako pauwi. Akala mo naman ay ako ang magsusumbong para mahuli siya gayong pumunta ako rito para tulungan siya. Walang sinabi si Seatiel kahit noong wala akong imik tungkol sa pagpapakilala ko sa kaniya kay Mommy. Wala iyon sa plano ko ngayon. Sa tingin ko rin ay hindi magandang ideya na iharap ko siya sa mga magulang ko. A day might come they will use him against me, at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari. Sinuot ko na lamang ang isang dress na binigay ni Seatiel. Then we drove somewhere. Seatiel paid all the bills. Pinilit ko na magbabayad ako pero nagulat na nga lang ako na ayos na agad lahat. “Sa tingin mo ba ay hindi ako makakapagbayad? Hindi ako ganoon kayaman, but I can pay just fine! Sana’y hinayaan mo na lang akong magbayad...” Sinimangutan ko siya. “Bills lang iyon, Lauren. Kung gusto mo, makipag-hotel ka ulit sa ‘kin. Baka hayaan na kitang magbayad sa susunod...” tanging sagot ni Seatiel habang tutok sa pagmamaneho. Darn tricky. Matagal ang byahe. Hindi ko matandaan kung saan kami napunta. Basta’t namalayan ko na lang na pumasok kami sa isang exclusive villa. Huminto ang sasakyan ni Seatiel sa guard house para sa security purposes. Gulat siyang tiningnan ng guard na naroon nang magbaba siya ng bintana. “S-Sir Seatiel, ikaw na nga ba iyan?!” tanong ng matandang guard. Ngumiti si Seatiel mula sa nakabukas na bintana sa kaniyang tabi. “Kumusta ho?” “Ikaw nga, Tiel!” tuwang-tuwa at gulat pa rin na bati ng guard, hindi makapaniwala na nakita nito ulit si Seatiel. Gaano katagal kaya siyang hindi pumunta rito? Napatingin ang guard sa ‘kin nang mapansin ako sa loob ng sasakyan. “Magandang gabi po, Ma’am...” Bumaling ang guard kay Seatiel. Seatiel’s lips formed a smirk. “Misis ko ho.” Namula ang pisngi ko sa sinabi niya lalo na noong ngumiti ang guard kahit bakas ang gulat dito. Baka mamaya ay maniwala pa iyon sa kaniya! Nang makatuloy na kami sa loob ay hindi ko naiwasang mapatanong kay Seatiel. “The guard knows you... marami kang kilala rito?” “Dito ako nakatira. I moved out during college.” Sumilip ako sa labas ng bintana at natanaw ang napakapribado at malaking bahay na hinintuan namin. Malaki ang gate niyon at malawak ang bermuda grass. Halatang mayaman ang nakatira. It is a modern style mansion, hindi gaya ng mansion ng mga Del Fuego sa La Esperanza na makaluma at mukhang family house ng mga Del Fuego noon pa. Naunang bumaba si Seatiel para pagbuksan ako. Pakiramdam ko ay nakalimutan kong huminga habang titig sa mansion nila! Ibig sabihin ay hindi na talaga umuuwi sa La Esperanza ang mga Del Fuego. At naalala ko ang sinabi noon nina Marcus, na kung may natitira mang kamag-anak si Seatiel, hindi na tatapak sa La Esperanza ang mga ito. Sinalubong ako ng mabining hangin nang makatapak sa damuhan. Tumunog ang kotse nang isara iyon ni Seatiel at hawakan niya ako sa bewang. Napalingon ako sa kaniya. Hindi ko mapigilang kabahan. “B-Baka pwede pang... u-umatras?” Nag-angat si Seatiel ng tingin sa mansion. Bukas ang lahat ng ilaw. Maliwanag sa entrada. Nasa fountain kami sa tapat nito. Binalik ni Seatiel ang tingin sa ‘kin saka hinapit lalo ang bewang ko. Halos dalhin niya ako kasama niya nang humakbang palapit. “Marami kang utang sa ‘kin, Lauren... hindi pwede ang gusto mo ngayon.” Hahawak pa sana ako sa pinto ng kotse pero hinuli niya ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya! “S-Seatiel! Okay, oo na! Bitawan mo ang kamay ko.” Hindi siya nakinig. Sa halip ay ipinasok niya sa kaniyang bulsa ang magkahawak naming kamay. Tuloy-tuloy siya papasok sa loob ng bahay na puro puti ang mga gamit. Puting-puti ang nangingintab na tiles na binabagayan ng maganda at malaking chandelier sa napakataas na kisame. It’s like the opposite of their old mansion in La Esperanza... parang walang itinirang bakas na makakapagpatanda sa kanila sa lugar na iyon. “Don’t arrange it like that, Eva!” Bumungad sa amin ang mariin at istriktang utos ng isang babae sa kasambahay na nag-aayos ng mga sofa sa malaking living room. There, a woman in her white elegant dress is standing. May hawak itong pamaypay at ang maganda nitong buhok ay bagsak hanggang ibaba ng dibdib. So classy... Kinuha ko ang nanlamig kong kamay sa pagkakahawak ni Seatiel ngunit saktong pag-alis ko niyon mula sa bulsa niya ay ang siyang paglingon ng babae. Nagulat ito nang makita kami lalo na kay Seatiel. Napatigil ito sa ginagawang pagpaypay. “Seatiel?” she called in a low voice, eyes sparkling. “S-Son...” Seatiel greeted her, ngunit ang tingin ng babae ay tila napako sa ‘kin nang malingunan niya ako. Unti-unting umangat ang kaniyang kilay. May mapaglarong tingin na tila puno ng amusement. Siguradong nakita niya ang magkahawak naming kamay ni Seatiel dahil tumingin siya sa kamay ko. “You... brought this girl here?” she asked in a half-baked friendliness. Mas lalo akong kinabahan... pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko palabas ng aking dibdib. Hindi iyon sinundan ng donya. Sa halip ay nakataas ang kilay nito kay Seatiel na tila gusto niyang manermon. Sila lamang ang nagkakaintindihan sa mga tingin na iyon. Lumapit sa amin si Donya Liviera Del Fuego. Seatiel told me her name... Kahit na hindi ganoon kainit ang ngiti nito, hindi niyon nabawasan ang ganda niya. Kulang ang salitang starstruck para i-describe ang nararamdaman ko. Her beauty is mesmerizing! Like a fine wine of age. Kasunod na bumaba sa mataas na hagdan ang kaniyang ama, still in his office suit. Dahil doon ay mas naging abala ang kanilang mga kasambahay sa pag-aayos ng hapag. “Come... the dinner’s ready...” anyaya ni Donya Viera habang ang tingin ay nasa akin pa rin. Buong pagkakataon yata magmula nang dumating kami ay titig siya sa ‘kin. “M-Magandang gabi po...” She smiled at me. Iniisip ko na lamang na likas sa kaniya ang pagiging mukhang mataray, pero ‘yong taray niya naman... kasing-level ng ganda niya. Sa hapag, halos hindi ako makalunok ng pagkain. Pakiramdam ko nga ay sumama lang lalo ang pakiramdam ko habang magkakasama kami sa iisang hapag. “I’m Liviera... and this is my husband, Revianno...” pakilalang muli ni Donya Liviera. We we’re sitting across each other. Sa dulo ng mesa ay ang ama ni Seatiel, si Don Rev. I was seated beside Seatiel. Nangingislap ang simple ngunit eleganteng mga alahas ni Donya Viera. Kahit paghawak niya sa kaniyang kubyertos... puno ng pagiging elegante. Marahan akong tumango at ngumiti. Nakilala ko na siya dahil naitanong ko kay Seatiel kanina lamang. “G-Good evening, Donya Viera... Don Revianno,” bati ko. Hindi ko maipakilala ang sarili dahil bukod sa alam na nila ang Lauren, wala akong dalang apelyido. Nakakapagtaka dahil hindi na rin ako pormal na pinakilala ni Seatiel sa mga magulang niya. Hinayaan ko na lang iyon dahil baka nasabi niya na bago pa kami pumunta rito at talagang kikitain na lang namin sila. “So, what are you two up to? Magpapakasal na ba kayo?” tanong ni Donya Viera dahilan para mapatigil ako sa pagkain ko. Kung ‘di ko lang napigilan, baka dumulas pa ang kubyertos ko sa malinis nilang sahig! Nag-angat ako ng tingin sa mag-asawa. They’re watching our every move. Kahit ang simpleng paglagay ni Seatiel ng pagkain sa pinggan ko, pinagmamasdan ni Donya Viera. Walang sumagot sa amin ni Seatiel kaya naman napakurap-kurap ang donya habang ngumunguya sa kaniyang pagkain. Nagbaba siya ng tingin sabay simsim sa kaniyang wine, may tinatagong ngisi. She smiled afterwards, kasabay ng kaniyang pag-iling. “When are you going to have kids, Seatiel?” Ang asawa niya ay walang imik. Hindi naman nila pinaparamdam na ayaw nila sa ‘kin para kay Seatiel, pero hindi ko rin maramdaman... na gusto nila ako. O baka nga ay hindi talaga. Hindi pa naman nila ako kilala pero bakit parang... “Why don’t you get married as soon as possible?” sa wakas ay pagsasalita ng don. Kung kailan pa ito nagsalita ay saka ko naman hindi gusto ang tanong. Donya Liviera smiled innocently. Napatingin ako sa kaniya at sa maid na lumapit sa amin nang magtaas siya ng kamay dahilan para mapatigil ang maid sa aking tabi sa akmang paglalagay ng beef at bacon sa plato ko. “Please don’t give her meat...” istriktang baling ng donya sa kanilang kasambahay. Tumango na lamang ito at sinunod ang sinabi ni Donya Viera. Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo. “Processed meats are not good for women trying to get pregnant.” Halos matulala ako sa kaniyang sinabi. Ano ang koneksyon niyon sa ‘kin? It’s not like I’m trying to get pregnant! Tiningnan ko si Seatiel. Nakatingin siya sa kaniyang ina na pinagtaasan siya ng kilay sabay kibit-balikat nito. “How I wish you got Trieu pregnant, though.” Sinabayan iyon ng tawa ng donya. Hindi ko namalayang napatigil ako sa pagkain. Napatitig ako sa aking plato. “Liviera...” untag ni Don Revianno. Napaangat ng tingin ang donya sa ‘min. Huminto iyon sa akin. Kinailangan kong ibaba ang kamay ko sa ilalim ng mesa dahil pakiramdam ko’y nanginginig iyon... What I just heard... felt like a lightning striking something in me. “Oh! I’m sorry, Lauren. Hindi ko lang talaga maatim na hanggang ngayon ay wala pa rin akong apo...” Nailing-iling si Donya Viera. “Because my one and only son is waiting for this girl who doesn’t even care about him...” She chuckled, pero ramdam ko ang inis at pait na itinatago niyon. Natapos ang dinner sa usapan tungkol sa kanilang negosyo, sa rancho sa La Esperanza na kinumusta ng don. Kinakausap ako ni Donya Viera at kahit papaano ay humupa ang kaninang tensyon. Hindi ko maintindihan kung may problema ba siya sa ‘kin o ano. Pinakuhaan niya ako ng gamot nang mapansing hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang sabi niya’y magpahinga na rin muna ako bago kami umalis. Ngunit habang nasa sala at hinihintay ang gamot ay siyang pagdating ni Trieu. Parang kanina lamang ay pinag-uusapan pa namin ito pero ngayon ay narito siya! Kitang-kita ko kung paano siya may ngiting sinalubong ni Donya Viera... hindi gaya ng kung paano niya ako sinalubong kanina. “Donya!” Tila anghel ang boses ni Trieu. Nauna pang umalis ang mga kaibigan ni Seatiel sa hotel kanina. Pati na rin si Trieu. Pero mga kaibigan lang ni Seatiel ang nagpaalam. Iyon pala, kaya hindi nagpaalam si Trieu ay dahil magkikita pa rin sila... dahil pupunta siya rito. “Thank you for visiting me tonight, hija... saktong-sakto pa na narito ang unico hijo ko...” Nakuha pang sumulyap ng Donya sa kinaroroonan ko habang sinasabi iyon dahilan para wala akong magawa kundi mapayuko na lang at magbuntonghininga. “Miss Lauren, ito na po ang gamot...” mahinang sabi ng maid na lumapit sa ‘kin. Ngumiti ako at tinanggap iyon saka nagpasalamat. Hindi ko pa agad mainom dahil pakiramdam ko’y may kung anong nakabara sa aking lalamunan. “Sit with us...” Ngiting-ngiti na sumunod si Trieu kay Donya Viera. Tumingin siya sa ‘kin nang magtungo sila sa hapag para makakain siya’t makapag-usap silang dalawa. Nang mainom ko ang gamot ay tumingin sa ‘kin si Donya Viera. “Magpahinga ka muna sa taas, Lauren, hija. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo. Don’t worry, Seatiel won’t leave...” Sinundan iyon ng kaniyang mapaglarong ngisi na hindi ko maintindihan. Did I do something to her? Bakit parang ang bitter niya... “O-Opo, Donya. Salamat po sa... gamot,” saad ko at sinunod na lamang ang gusto niyang magpahinga ako sa taas kahit ang totoo’y hindi naman na kailangan. Nasa bungad na ako ng hagdan nang pumasok si Seatiel kasama ang kaniyang ama mula sa labas. They talked outside and had a smoke. Naabutan niya lang akong paakyat sa hagdan dahil iyon ang utos ng donya, na magpahinga ako sa taas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Seatiel. “Ayos ka lang?” Sinipat niya ang leeg ko. Napaiwas ako ng tingin. Tinawag siya ni Donya Viera kaya napalingon kami roon. Nasa hapag sila ni Trieu at nakatingin sa gawi namin. “Leave the girl alone, Seatiel. Magpapahinga siya sa itaas. I will send a maid to assist her,” nakaangat ang kilay na utos ng donya, tila hindi maaaring hindi sundin. “Why don’t you sit here and join us? Trieu visited us...” Nakita ko ang pagtiim ng kaniyang panga sa tinuran ng donya. Tumingin sa akin si Seatiel. Nagtama ang mga mata namin at aaminin ko, umasa ako na hindi niya ako hahayaang pumanhik sa taas dahil lang gusto ng donya... na sasamahan niya ako lalo pa’t hindi naman familiar sa akin ang kanilang mansion. “Rest upstairs,” saad ni Seatiel. Halos bumagsak ang mga balikat ko, ngunit tumango na lang ako at hindi iyon pinahalata. “Susunod ako... pagtapos uuwi na tayo.” Hindi ako makasagot. May parte sa ‘king ayokong umakyat pero mukhang sinadya iyon ng donya. Maybe they need to talk about something na wala ako. Hindi ko mapigilang maisip kung ano ang usapan nila sa baba. Anong pag-uusapan nila na kailangan pa akong paakyatin ng donya? Or maybe for Trieu and Seatiel to have their time? Nakaidlip ako sandali kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pero hindi talaga ako makatulog nang maayos. Nakaramdam ako ng uhaw kaya napagpasiyahan kong bumaba at uminom. Bumangon ako sa kama at tinungo ang pinto. Sinalubong ako ng tahimik na hallway. Luminga ako ngunit wala akong mamataang tao sa taas. Siguro ay nasa baba pa rin sila. I went downstairs. Hindi ako nagkamali dahil narinig ko ang mga boses nila sa sala. Sa tingin ko ay naroon pa rin sila. Nanatili ako sa dulo ng hagdan dahil kahit doon pa lang ay rinig na ang kanilang pinag-uusapan. “Babalik ba kayo sa La Esperanza?” dinig kong tanong ni Don Revianno. “Yeah... hindi siya pwedeng magtagal dito,” sabi ni Seatiel. Sinundan iyon ng buntonghininga ni Donya Viera at nang mariin niyang iritadong boses. “That girl rejected you countless times! Ano ang hindi mo maintindihan at ipinipilit mo ang babae na iyon sa sarili mo?” Sinaway ng don ang asawa. Ilang saglit pa’y masama ang loob na nagsalita ito. “Fine! Kung gusto mo talagang pakasalan ang babaeng iyan, then tell her to marry you immediately! This family needs a successor! This is not just about you marrying, Seatiel... this is about the Del Fuego’s line!” “Ako ang magtatanong kung magpapakasal siya sa ‘kin o hindi. Stop... forcing her... about marriage.” Mariin ang boses ni Seatiel nang sabihin iyon. “Have a child before getting married, then! In that way, malalaman natin ang kakayahan niyang magdala ng bata! If she can’t bear a Del Fuego at mangyaring pinakasalan mo siya, this girl will be left with no choice but for you to have a child with another woman!” Walang nagsalita. Wala akong narinig na nagpahayag ng pagtutol o pagsaway sa donya sa sinabi nito. Tila ba may nakakabinging katahimikan sa sistema ko sa narinig. Hindi ko maintindihan. Gulong-gulo ako sa sinabi ng donya. Sino ang pinag-uusapan nila? A-Ako ba? “Bakit? Makakayanan niya ba iyon? Ang asawa niya, magkakaroon ng anak sa ibang babae kung sakaling wala nga siyang kakayahang magdalang-tao? Open your eyes and mind, Seatiel. Mas mabuting hindi mo iyan pakasalan! This isn’t some kind of joke. The Del Fuego’s blood can end within your line!” dagdag ng donya. Tulala ako sa lahat ng narinig ko. Kahit noong sandali silang tumahimik at mukhang paalis na ang donya. Mukhang natigil na siya’t nasabi ang nais sabihin. Her effort of making me go upstairs is nonsense, dahil narinig ko pa rin naman ang pinag-uusapan nila. Napaangat lamang ako ng tingin nang lumabas si Donya Liviera at madaanan niya ako. Saglit siyang napatigil dahil hindi inaasahan na naroon ako... ngunit sa huli ay malamig na tingin ang ipinukol niya sa ‘kin bago siya tuloy-tuloy na pumanhik sa itaas. Naiwan akong walang nasabi hanggang sa pati si Don Revianno ay umalis na sa sala. Even Trieu. Huminto ang babae nang matapatan niya ako. Hindi ko masabi kung ano ang nabasa ko sa mga mata niyang may lamig na nakatingin sa ‘kin. Nalipat ang tingin ko kay Seatiel. He didn’t expect to see me right there, kaya naman ganoon na lamang ang pagkatigil niya nang makita akong narinig ang kanilang pinag-uusapan. That’s why Donya Viera wants me upstairs? Ito pala ang pag-uusapan nila? At talagang pinaakyat din ako ni Seatiel. Bakit? Dahil ayaw niyang marinig ko? Ayaw niya na malaman ko? Bakit tila ayaw sa ‘kin ni Donya Viera? Sa pagkakaalam ko ay ngayon pa lang kami nagkita at nagkausap. Tungkol ba ito sa... ginawa kong pag-iwan kay Seatiel? Or she just simply wants someone else for him? Iyon bang babaeng nakatakda niyang pakasalan? The one who ran away? Iyon ba ang gusto ni Donya Viera para sa kaniya? “Lauren...” mahinang tawag ni Seatiel habang nakatingin kami sa isa’t isa. At sa naulit na pagkakataon, isang posibleng ideya ang lumutang sa isipan ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD