Kabanata 37

3830 Words
Nilingon ko si Seatiel na tulog na tulog sa tabi ko habang ako ay pilit na pinapadalaw ang antok. Malalim akong huminga at pinigilan ang pagngingitngit ng mga ngipin ko. Gusto ko siyang itulak o sabunutan o palayasin dahil sa ginawa niya, but seeing him sleeping peacefully beside me is... something. Masama ko siyang tinitigan habang natutulog siya, ini-imagine na sinasakal siya hanggang sa mawalan siya ng hangin pero sa huli ay napabuntonghininga na lang din ako at patagilid na hinarap si Seatiel, tanging ang puting kumot ang tumatabon sa aming mga katawan. Napalunok ako sa naramdamang pagbabara ng kung ano sa lalamunan ko habang pinagmamasdan si Seatiel. “I love someone else, Pa! I met someone and I love him!” Pero posible nga ba talaga iyon? Ang mahalin ang isang tao sa maikling panahon? I am not even sure if I love him, or if I just like him, dahil alam ko na magkaiba ang dalawang bagay na iyon. Love is just a strong word... too strong for the human hearts and mind... Sa dami ng mga naglalaro sa isip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na rin ako sa tabi niya. Nang magising kinaumagahan at maalala ang nangyari ay napabangon agad ako at napabalikwas sa kama. Ininda ko ang pagkirot ng aking ulo at tiningnan ang buong kwarto, only to find Seatiel at the counter that made my heart skipped. Hindi niya napansin agad na gising na ako. Sa hindi kalakihang counter ay may nakahandang pagkain. Mukhang may niluluto pa siya dahil may kumukulong nakasalang sa stove habang tutok ang mga mata niya sa isang laptop na nakapatong din sa counter. Nakatukod ang isa niyang kamay at ang isa’y pumipindot sa touchpad ng laptop na... saan niya naman ‘yon nakuha? Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pantalon lang, seryoso ang mga matang nakatingin sa monitor. Humigop si Seatiel sa kaniyang kape at sa pagbaba niya sa tasa nito ay saka niya ako napansing gising na. Napatingin siya at saglit na natahimik. Pakiramdam ko’y namula ang buong mukha ko sa tingin niya kaya inangat ko pa lalo ang kumot na tumatabon sa ‘kin at sinamaan siya ng tingin. Ano ang akala niya? Nakalimutan ko na ang ginawa niya sa ‘kin kagabi? “Kumain ka na ng agahan. Hindi ka kumain kagabi...” bungad niya. Hindi ko inaasahan na nandito pa siya sa paggising ko. Akala ko ay gagantihan niya ako gaya ng ginawa ko at aalis nang walang paalam. Sumagi pa nga sa isip ko kagabi na baka kaya lang siya nagpunta rito ay para ibalik sa ‘kin ang nagawa ko at pagkatapos ay saka siya tuluyang aalis at hahayaan ako. “A-Anong ginagawa mo?” tanong ko habang nakatingin sa pinagkakaabalahan niyang laptop. Inabot ni Seatiel ang stove at pinatay. Kinuha niya ang niluluto roon. “Iyan ba? Just answering some emails.” Emails? Ano naman kaya ang mga email na ‘yon? Bumangon na ako at sinuot ang dress bago lumapit sa counter. Sinundan ako ng tingin ni Seatiel. Ramdam ko ang mga mata niyang pasulyap-sulyap sa ‘kin habang kumakain ako sa table. Gutom na gutom ako dahil hindi ako kumain kagabi. Nahilo pa ako sa ginawa ng tauhan ni Papa samantalang pwede niya naman akong kausapin sa maayos na paraan. Nasulyapan ko ang ginagawa niya sa laptop nang mapadaan ako. Mukhang dala niya ‘yon sa sasakyan niya. Nakita kong nagsasagot nga siya ng emails. Patungkol yata sa business base sa nakita kong subject ng isang email. Sa rancho kaya iyon? May kinalaman sa La Esperanza? Napaangat ang tingin ko kay Seatiel nang isara niya ang laptop at naghatak siya ng upuan sa tapat ko para maupo roon. Kumakain ako ng niluto niyang breakfast. Masarap gaya ng luto niya kina Ate Aly kaya lang nahihirapan akong lumunok dahil sa pagtingin-tingin niya. “Anong problema mo?” tanong ko. Nilipat niya ang tingin sa pitsel at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Tinabi niya sa plato ko. “Aalis ako ngayon. May pupuntahan lang. Magkita tayo mamayang hapon... susunduin kita.” Napatigil ako sa pagnguya at napanguso. “S-Saan ka pupunta?” “May aasikasuhin lang ako. Huwag kang aalis dito. Babalik ako agad. Marami tayong pag-uusapan...” Tumango na lang ako kahit nakaramdam ako ng lungkot sa sinasabi niyang pag-alis. Paano kaya kung... gantihan niya talaga ako? “Okay. B-Babalik ka?” Tumango si Seatiel. Tumayo siya sa upuan kaya naman napasunod ang tingin ko sa kaniya. Ang isang kamay niya’y tinukod niya sa mesa at ang isa ay sa sandalan ng upuan ko kaya nakulong ako sa pagitan ng mga braso niya. Niyuko niya ako at hinalikan sa labi na ikinagulat ko kaya hindi ako agad nakatugon. Bago pa nga gumalaw ang labi ko, pinutol niya na iyon at puno ng sincerity na tiningnan ako sa mga mata. “Magkita tayo mamaya. I’ll send someone here to help you.” Saan ba talaga siya pupunta? Hindi na ako nangahas na magtanong dahil kung gusto niya ‘yong sabihin, sasabihin at sasabihin niya kahit hindi ko tanungin. The fact that Seatiel didn’t answer it at first, ibig sabihin ay hindi niya gustong ipaalam ngayon. Gusto kong magtampo. Ang aga niyang umalis... ni hindi niya sinasabi kung saan siya pupunta. Pero wala naman akong magagawa. Sabay na kaming naligo nang matapos akong kumain. Pagtapos niyon ay umalis na siya at iniwan ang laptop. Sabi ni Seatiel ay may ipapadala siya rito na makakasama ko na hindi ko naman alam kung sino. Hanggang tanghali tuloy ay wala akong magawa. Sinubukan kong pakialam ang laptop niya na hindi ko sigurado kung pwede ko nga bang hawakan, pero wala naman siyang sinabing hindi... kaya naisipan kong hiramin sana. Napatingin ako roon sa laptop niya na kanina ko pa sinusulyap-sulyapan. Parang may bumubulong sa ‘kin na gamitin ito. I was so tempted to check it. Kaya lang natatakot ako dahil baka hindi pwede. Baka ayaw ni Seatiel na pakialaman ko. But to k*ll the boredom, napagpasyahan ko na lang din na kunin iyon. Naupo ako sa kama at in-open ang laptop. Ang lockscreen niya ay isang view mula sa upper deck ng isang barko. Malinaw ang camera at kuha ang magandang alon ng dagat at ang sunset mula sa malayo. Nakalimutan kong marine engineer nga pala si Seatiel... bakit nga kaya siya bumaba sa barko? Mahirap kaya roon? Nakakapagtaka. Mukhang namang exciting na trabaho. Napanguso ako nang mag-require ito ng password. Nag-try ako ng basic at common password kaya lang ay incorrect. Sinubukan ko ang birthday ni Seatiel pero hindi rin. I groaned in hopelessness. Matutulog na lang siguro ako hanggang sa sumapit ang hapon o dumating ang sinasabi niya. Kung nasa La Esperanza ako ngayon, malamang ay marami akong magagawa! Pero dito, bored na bored ako. Habang nakahiga ay naisip ko ang sarili kong birthday, kaya lang ang kapal naman ng mukha kong isipin na gagamitin niyang password ang birthday ko! Eh, hindi niya nga alam ang buo kong pangalan. Sinubukan ko na lang kahit alam kong mag-i-incorrect. Natatawa pa ako habang nagta-type. I enterred 0523, expecting the laptop to be still unlocked kaya naman nang bigla iyong bumukas ay halos dumulas ang gadget sa kandungan ko! Napaawang ang mga labi ko sa gulat. Namula ang pisngi ko. Bakit gagamitin ni Seatiel ang birthday ko bilang password?! At paano niya iyon nalaman?! Sinabi kaya nila Margaret? Nag-scroll ako sa photos. Wala naman akong nakita. Parang bagong laptop. Wala kasing masiyadong laman. O sadyang may private folders na hindi ko na alam kung paano pa uungkatin. Wala akong mahagilap na kakaiba sa laptop niya kaya naman nag-open na lang ako sa browser para manood ng kahit ano o kaya ay magbasa. Habang nanonood ako sa laptop ni Seatiel ay biglang may notif galing sa isang nakabukas na tab, na may isang new email. Hindi ko namalayang na-check ko kaya nang mabuksan ko iyon ay nakita ko ang inbox sa isang account ng babae. Nabasa ko ang palitan ng maiikli nilang emails. Trieu Allaena Guevarra I feel stupid answering you through emails. Can’t we just video call? Parang may kung anong bumalot sa dibdib ko nang mabasa iyon. Who is this girl? Bakit sa email niya kinakausap? Dahil iniisip niyang makikita sa cellphone? At sino ba ito para kailangang video call pa? Seatiel Del Fuego I’ll go there. We will talk, Trieu. Trieu Allaena Guevarra Fine. I miss you... Mabilis ang paghingang pinakawalan ko at agad na sinara ang laptop. Hindi ko na inabala ang sarili na basahin ang nasa itaas pa! Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. W-What was that? Sino si Trieu? Nawalan ako ng gana na manood pa. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at nakatulugan ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko sa luha. I stalked that Trieu Allaena. Nakita ko ang pictures niya sa isang five-star hotel dito sa Manila, na taga-rito lang din siya sa Manila! Kung ganoon ay may kakilala si Seatiel rito. Nakalimutan kong dito pala siya nag-aral ng kolehiyo. Siguro ay ex niya iyon o may kung anumang namagitan sa kanilang dalawa. Nang magising ako ay namumula ang mga mata ko. Mabuti na lamang at hindi namamaga dahil naunahan ako ng tulog kaysa sa tuluyang pag-iyak. Nagising ako nang may kumakatok sa pinto. Isang babae ang bumungad sa akin nang pagbuksan ko iyon. May dala siyang damit at kung ano-ano pa. Sabi niya ay tutulungan niya raw akong magbihis para hindi na ako mahirapan pa. Hindi ko alam kung para saan iyon dahil hangga’t makaalis ang babae ay wala naman siyang nasabi. Pinili ko ang isang puting dress na hanggang hita ko ang haba. Mahaba ang mga manggas nito. Natatakpan ang dibdib pero backless. Parang mayroong malaking butas sa likod na lumalantad sa balat ko roon. Nilugay ko na lang ang buhok ko para kahit papaano ay matakpan ang likod ko. Wala akong gana kahit nang makaalis na ang babae. Naisip ko ngang umalis na lang at magpunta kay Louisiana. Kaya lang tuwing naiisip ko na susuwayin ko na naman si Seatiel, hindi ko rin gusto ang ideya. Tuloy nang dumating siya ay hindi ako nagsasalita. Binalik ko sa ayos ang laptop niya at hindi ako nag-iwan ng bakas ng paggamit ko roon. I even charged it para lang mabalik sa percent na iniwan niya ang battery. Napansin kong iba na naman ang sasakyang dala niya. May kotse rin siya rito sa Maynila... gaano ba siya kayaman? Nang makaharap ko siya habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ay panay ang paninitig niya sa ‘kin. Light make up lang ang nilagay ko at tinapalan ng pink lip gloss ang labi. “Lauren... are you alright?” tanong niya dahil tahimik ako. Tumango lang ako nang hindi siya tinitingnan. Kahit nasa kotse na kami, hindi ako umiimik. Mabilis ang pagpapatakbo niya. Normal na lang ang traffic sa Metro Manila kaya halos alas-siyete na kami nakarating sa kung saan ba kami pupunta. Huminto kami sa isang five-star hotel sa Makati. Napalingon ako kay Seatiel at hindi ko malaman kung pamumulahan ako ng mukha o kung susuntukin ko siya! “Bakit nandito tayo?” tanong ko habang tinitingala ang mataas at luxury hotel. Narinig ko ang tawa ni Seatiel habang patuloy sa pagmamaneho. Kabisadong-kabisado kung saan ililiko para makapag-park. Halos mag-init ang ulo ko. Para kasing sanay na sanay siya pumunta rito! “Kailan pa naging marumi ang isip mo, Lauren? Dinala lang kita rito para mag-dinner...” “Dinner in a luxury hotel? Sino ang niloko mo?!” Aabutin ko na sana siya kaya lang ay napigilan niya ang mga kamay ko! Pero totoo nga ang sinabi niya, sa restaurant ng hotel kami tumuloy! It felt so different... marami na akong napuntahang hotel. Lumaki ako sa sentro kaya sanay ako sa buhay sa syudad, pero ngayon... pakiramdam ko lahat bago at may meaning. Is it because I’m with Seatiel? La Esperanza is a home to me... La Esperanza means Seatiel Del Fuego. Kaya ngayong kasama ko siya rito sa Maynila, pakiramdam ko... lahat ng lugar na inaapakan ko’y minamarkahan niya. Nagpunta kami sa isang table. Maraming kumakain sa engrandeng restaurant ng pinakamalaking luxury hotel sa Makati. The place was so elegant. Agad kong naramdaman ang pagka-miss sa ganitong lugar. Naupo kami sa table pero pinananatili ko ang masama kong tingin kay Seatiel. Hindi naman siya natitinag na panoorin ako. “Bakit mo ako dinala rito?” tanong ko. “No exact reason,” tanging sagot ni Seatiel habang pinagmamasdan akong pumili sa menu. The place didn’t leave him out. Naisip ko na kahit anong katayuan niya sa buhay, I will always see him as Seatiel... as the guy that he is. “I don’t need all this luxury, Seatiel. Pwede namang sa mas mura na lang tayo kumain.” Sinimangutan ko siya. Of course, I miss eating in a place like this, pero wala naman akong pakialam kung hindi na ako makapunta ulit sa ganito. Pinili ko ang pinakamura sa menu pero still, mahal pa rin iyon. Nagi-guilty ako. Kahit credit card ko, hindi ko nadala dahil hindi ko naman alam na sa ganito kami pupunta! “Ako ang magbabayad, Lauren. Sit still and eat,” utos ni Seatiel. Bumuntonghininga na lang ako. I lived in luxury all my life. Maarte akong lumaki dahil sanay akong marangya lahat. Hindi kami sobrang yaman pero masasabi kong nabiyayaan ako ng privilege habang lumalaki... pero simula nang mapunta ako sa La Esperanza, natutunan ko na sobrang dami kong nasayang sa mga bagay na wala naman talagang kabuluhan. Nagamit ko sana ang mga ‘yon sa mas may katuturang mga bagay... Matapos naming mag-dinner ay tinungo namin ang pool. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong punta sa ganitong lugar. Siguro ay noon pang kasama ko ang mga kaklase ko noong college. I missed it, pero tuwing naiisip ko ang La Esperanza... mukhang walang lugar na papantay rito. We met Seatiel’s friends. Dalawang araw kami sa hotel dahil kinabukasan ay dumating ang mga kaibigan niya rito sa Manila. His college friends... at isa roon ang Trieu Allaena na iyon. Ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya, na nanliligaw siya sa ‘kin. Ang mga babae roon sa circle nila ay mainit ang pagtanggap sa ‘kin, except for that Trieu who looks at us with bitterness. “Hayaan mo iyang si Trieu, ganiyan kasi ‘yan... ‘di pa nakaka-move on,” hagikgik ng isang babae. Tumingin ako roon sa Trieu. Sino ba iyon? Nilapitan niya si Seatiel sa tabi ng pool, mukhang niyaya itong makipag-usap. Agad ang pagtingin ko sa dalawa. Naalala ko sa email na ipinadala nito na nami-miss niya si Seatiel.. “H-Hindi pa nakaka-move on? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. “Girlfriend iyan ni Seatiel noong college. Bago siya pumuntang La Esperanza. Hindi lang nakasama kasi may career ‘yan dito sa Manila kaya sila naghiwalay... sayang nga, eh! Akala pa naman namin magkakatuluyan! Don’t get me wrong, ah! Base lang talaga ‘yon sa nangyayari dati. Kasi sobrang bagay sila noong college! Parang love team lang. Magkakabalikan na nga sana sila nito lang, eh, kaso naman may papakasalan na si Seatiel! Arranged marriage? Ikaw ba ‘yon?” Nalipat ang tingin ko sa kaniyang kaibigan bago marahang umiling. Naninikip ang dibdib ko. At ayaw ko sa pakiramdam na ‘yon. “Hindi...” “Ah! Baka hindi natuloy...” sabi nito. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Base na rin sa pakikipag-usap ni Trieu kay Seatiel. Napalingon ako roon sa dalawa. Hindi ko maiwasang ma-insecure doon sa Trieu. Mas matanda siya sa akin, kaedad ni Seatiel, she’s matured than me... she's taller, her body's more matured than mine, too, baka ay ganoon ang type ni Seatiel? Not someone like me who can be childish most of the time, at walang paninindigan, I always run away from my problems and I never want to face them. Akala ko masakit na ang kay Tamsiah, pero dito sa Trieu, parang doble pa yata... “A-Aakyat na muna ako. Magpapahinga lang.” Nginitian ko ang college friends niya. Mababait silang lahat. They’re good towards me at mukhang gusto naman nila ako. Siguro ay ako lang talaga ang problema dahil pakiramdam ko nakaka-out of place. Inisang tingin ko pa ang kinatatayuan nina Seatiel at Trieu, bago ako naglakad pabalik sana sa hotel. Napatingin pa sa ‘kin si Seatiel pero nagtuloy-tuloy na ako. Ang bigat ng dibdib ko at gusto ko munang mag-isip. Kapag naroon kasi ako at nakikita ko sila ay kung ano-ano ang naiisip ko. Wala pa silang ginagawa pero ganito na ako. Paano pa kung mag-usap talaga sila na natatanaw ko pa? Paano kung dikitan siya? Kung sabihin na magkabalikan sila tutal hindi naman pala natuloy ang arranged marriage? Umakyat ako sa hotel room namin. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Sinusubukan kong umintindi kaya lang malikot ang utak ko. Hindi ko mapigilang mag-isip. Nagbihis ako. Itutulog ko na lang siguro ito at hahayaan muna sila roon sa pool. Mas ayos na iyon. Tutal ay kailangan din nila ng bonding na magkakaibigan. Nagtungo ako sa bath tub para maligo at makapagpalit na at makatulog. Nilubog ko ang sarili sa tubig at pinikit ang mga mata. Baka sakaling mahimasmasan ako at magising sa mga kahibangan... I feel so childish and immature right now! Siguro ay dala ng pagod kaya mabilis akong hinila ng antok pero bago pa nga ako makatulog ay bumukas na ang pinto ng bathroom. Napaangat ang tingin ko kay Seatiel. “Lauren,” tawag niyang sinundan ng malalim na buntonghininga. Aalalayan niya sana ako paangat pero agad ko iyon pinigilan. Napaiwas ako ng tingin. “Naliligo ako, Seatiel... l-lumabas ka muna.” Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at marahas na bumuntonghininga. Tinukod niya ang isang palad sa gilid ng bath tub para maalalayan ako pero iwinaksi ko iyon. “Gusto kong maligong mag-isa, Seatiel! Umalis ka na! Kung gusto mo ay magbibihis muna ako at saka ako lalabas!” giit ko. “Get up,” mataman ang tinging utos niya. “Bakit mo ba ako pinatatayo? I’m n-naked!” saad ko. Nagulat ako nang imbes na sundin ang sinabi kong lumabas siya ay hinubad niya pa ang kaniyang pang-itaas na damit. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya at bahagya akong napaangat mula sa tubig. “A-Anong ginagawa mo, Seatiel?! Get out!” Hindi niya iyon pinansin. Instead, he settled himself inside the bath tub with me. “Seatiel, ano ba! Bumalik ka nga roon sa baba... b-bakit mo naman sila iniwan?!” Pahina na lamang nang pahina ang tawag ko, hindi talaga siya umalis. He settled himself behind me. Naglilikot ako dahil ayaw ko siyang makasama ngayon. Gusto kong mapag-isa! Kinulong ako ni Seatiel sa pagitan ng kaniyang mga binti. Napagod na rin ako kakapiglas kaya naman sa huli ay napasandal na lang din ako sa kaniyang dibdib kung saan ramdam ko ang malayang init ng kaniyang katawan. Ngumuso ako. Matagal kaming tahimik sa ganoong ayos. Napalunok ako nang maramdaman ang kaniyang mga braso sa balikat ko, ang mga binti niya sa aking magkabilang gilid. Binasa ni Seatiel ang kaniyang buhok. Ang basa niyang labi dahil sa tubig ay paulit-ulit na dumidikit sa likod ng ulo ko, sa tenga, leeg, at sa mga balikat ko habang ang kaniyang mga kamay ay unti-unting gumagapang patungo sa tiyan at dibdib ko na tila ba nagmamasahe sa ilalim ng tubig. Naghalo ang lamig ng tubig sa init ng palad niyang naghahatid ng kakaibang pakiramdam. “S-Seatiel...” “Hmm?” tila nalalasing na tanong niya. “Yes, Lauren?” “Bakit umalis kang bigla? Anong sinabi nila sa ‘yo?” marahan ngunit seryoso niyang tanong pero ang atensyon ko'y napunta sa ginagawa niya sa akin sa ilalim ng tubig. “W-Wala...” Mas dumiin ang halik ni Seatiel pababa sa leeg ko. Mas hinapit niya ang ibabang katawan ko palapit sa kaniya at ikinandong ako sa kaniyang gitna. Heat started taking all over my system again. Naramdaman ko agad ang kaniya na inuupuan ko. It’s hard now. Kung umaakyat lang ang t***k ng puso, tingin ko’y nasa nanunuyo ko nang lalamunan ang akin. “Masama ba akong manliligaw kung sasabihin kong natutuwa ako kapag nagseselos ka?” Seatiel chuckled. “Pero sinisigurado ko sa ‘yo, Lauren, walang iba... ikaw lang." Gusto kong panginigan sa mga narinig ko sa kaniya. Nakakapanghina. He really can take my energy away, and it’s too much. It’s electrifying. “Pagbalik natin ng La Esperanza... sasagutin mo na ba ako?" Tunog nagbabaka sakali iyon pero idinaan niya sa may kasamang biro. “B-Babalik ako roon?" Tila napamulat ako sa tanong niya. Tumango si Seatiel at hinalikan ang labi ko nang harapin ko siya. Matagal kaming nakatitig sa isa’t isa hanggang sa bumaba ang kaniyang mapungay na mga mata sa labi ko. Napalunok ako at kasunod ay ang marahang pagtango. “Okay... sa La Esperanza...” Napangiti si Seatiel at muling hinalikan ang mga labi ko. Napapikit kami at sa isang malalim at mainit na paghinga'y nagsalita siya. “Everything in me can’t get over you, Lauren. Hindi sasapat ang mga nangyari sa La Esperanza,” bulong niya at kinuha ang kamay ko mula sa ilalim ng tubig. Napakurap ako at napatitig sa kaniya. Napakapit ako sa kaniyang hita at tila ba may sariling pag-iisip ang mga kamay na unti-unting umangat sa pagitan ng kaniyang mga hita. I felt him getting harder... Napamura siya sa ginawa ko. Mabilis niya akong binalik sa pwesto ko kanina at inangat pa sa bathtub hanggang sa makandong ako sa kaniya at mapakapit sa magkabilang gilid nito. Dumudulas pa ang kamay ko tuwing lumuluwag ang kapit ko sa basang liguan. “Ibibigay ko ang nabitin kagabi...” he whispered against my ear. Tanging suot niya na lang ang kailangan niyang ibaba dahil gaya ng sabi ko, I am naked before he even went here. Napadaing ako nang ipasok niya iyon sa loob ko. Napaawang ang mga labi ko. Malawak ang bath tub kung kaya't nagkasya kami. Pinadulas ko pa ang mga palad palayo sa haligi ng bathtub at doon mahigpit na kinapit ang nanghihina ko agad na mga kamay para kumasya siya sa loob ko. Mahigpit na hinawakan ni Seatiel ang bewang ko at paulit-ulit humalik sa aking balikat at mga braso mula sa likod. “Bago tayo bumalik, ipapakilala kita...” Tila kumabog ang dibdib ko sa kaniyang sinabi. Nakaramdam ako ng kaba. Ni hindi ako makamulat nang maayos sa ginagawa niya sa katawan namin. “K-Kanino?” “Sa mga Del Fuego...” sagot ni Seatiel na mas napagpatigil sa ‘kin. Sa huli ay tumango ako at malalim na napahinga. “Ako rin, Seatiel... m-marami akong sasabihin sa ‘yo...” sincere na sabi ko. Nakapagpasya na ako. Tatapatin ko na siya sa lahat-lahat. Going here in Manila with Seatiel made me realize... Na gaya ng ginawa niya kay Lauren, kaya niyang magustuhan at tanggapin ang isang Isla...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD