Relentlessly I Habang nasa flower farm ako at nagdidilig ng halaman ay napaangat ang tingin ko nang mayroong humintong sasakyan sa tapat. Mataas pa ang araw. Agad kong pinatay ang hose at tiningnan kung sino ang bumaba. When I saw Ives, I immediately looked away. Anong ginagawa nito rito? Baka naman ay pwedeng sa ibang araw niya na lang sabihin ang kailangan niyang sabihin? Pero hindi pala siya mag-isa. Kasama niya si Creed. “Miss Lauren,” tawag ni Grad Ives at tinulak ang kahoy na gate saka pumasok. Kasunod niya si Creed na napapahawak sa panga nitong tila may iniinda. “Tuloy kayo,” sabi ko. “Nabalot na ni Manang iyong para kay Mayor...” Akmang kukunin ko na ang basket para ‘di na sila magtagal pa pero agad nagsalita si Ives para pigilan ako. “Kahit mayamaya na, Lauren. Hindi

