Relentlessly I “Baby... will you marry me?” Binalik ko ang tingin sa mga mata ni Seatiel na naghihintay sa sagot ko. His eyes were full of sincerity and patience, na para bang handa siyang maghintay kahit magiging matagal ang sagot ko. I still have tears on my eyes. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap mula sa tuktok ng lighthouse na kinaroroonan namin. Habang pumapatak ang mga luha sa nanlalabo kong mga mata ay tumango ako. “Y-Yes, Seatiel, yes...” His eyes sparkled with my answer. Kinagat niya ang labi at pinipigil ang ngisi, habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa surpresa niya. Hindi ko alam na may ganito siyang binabalak at hindi ko inaasahan. He made me very speechless! Sa isang magandang paraan. Sinuot ni Seatiel ang singsing sa daliri ko. Naramdaman ko ang la

