Relentlessly I “This is Isla Laurena Medrano,” pakilala ni Ives sa akin noong nasa isa na kaming formal meeting. Ngumiti ako sa lahat at bumati rin. “She’s going to be part of the project especially in landscaping.” Mayor Eugenio smiled, at katulad ni Ives ay hindi maitago ang pagka-proud sa kanila na ipakilala ako at ang magiging parte ko sa proyekto. “Isla Laurena, your name rings a bell. Have you been working in the field of architecture?” pagtatanong ng isa. Mga malalaking pangalan ang involved sa proyekto. Marami rin kasi ang nagkakainteres dito. Tumango naman ako. “I’ve worked in some landscaping projects before, Sir, but I’m more into paintings and art gallery curations.” Napatango-tango ito. “Oh! That is why you’re familiar... do you perhaps know Mr. Orcena? He’s a frien

