Kabanata 40

3004 Words
Bago ang mismong flight namin, dumaan ako sa mansion ng mga Medrano. Naabutan ko roon ang kararating lang na si Hera na nagbakasyon sa kanilang lugar. Nang mabalitaan niyang bumalik ako rito sa Maynila ay bumyahe siya. Iilan na lang ang natira sa aming maids dahil kinailangang magtanggal. Ngayon, pati sahod nila ay nanganganib dahil sa hindi inaasahang problema ng pamilya namin. Naroon din si Louisiana. We spent early lunch together. Hindi ko agad masabi sa kanila na kailangan kong umalis bago sumapit ang oras ng flight namin ni Seatiel ng hapon. “Grabe talaga! Ang laki ng pinagbago mo, Isla! Pati kilos at pananalita, nag-mature ka! May pakiramdam ako na maraming nangyari!” Manghang-mangha akong tiningnan nina Hera. Panay lang ang ngiti ko. Kinuwento ko ang nangyari sa La Esperanza at sinagot ang marami nilang tanong. “You forgot something! Paano iyong nangyari sa inyo ni?!” Pinanlakihan ako ng mga mata ni Louisiana. “Hindi mo ba iyon ikukwento? Iyon ang inaabangan namin! Isla naman! Ayusin mo! Hindi kami naghintay nang matagal para sa kaunting details! My goodness!” “Huh? E-Edi, ayon...” Wala akong masabi. “Anong ayon? Ayusin mo naman! Details! Details ang kailangan namin,” atat na sabi ni Louise. Ang malalim na dimples ng maputing kaibigan ay lumilitaw mula sa mapanukso niyang ngiti. Minsan, naiisip kong bagay sila ni Marcus! Kung magkakilala ang dalawang ito, they’d surely be in war. “Oo nga, Isla... ano ba iyon? Anong pinag-uusapan n’yo?” nagtatakang tanong ni Hera. Umirap si Louisiana at humilata sa couch, sumusunod ang maikling buhok sa kaniyang bawat galaw at paglilikot. “Good heaven, Hera,” asik ni Louisiana. “Saan n’yo ginawa? Ilang beses? Anong positions? M-Malaki ba? M-Magaling ba?” Tili siya nang tili. Nakakabingi! Konti na lang ay lulubog na ako sa couch. Kung sa La Esperanza, naroon ang malokong bibig nina Margaret. Dito’y hindi mawawala si Louise... girls like them are everywhere. “Good heaven, best friend! Siguro nga sobrang sarap kaya wala kang masabi!” tudyo ni Louise at nagpapadyak sa hangin. “Hay, I feel like a lady having her first boyfriend, and every other firsts!” “Magtigil ka na nga, Louise. Baka marinig ka pa ng Mommy,” bulong ko habang sumisilip sa taas. Nagpapahinga lang si Mommy sa kwarto niya at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nitong si Louisiana porket wala rito si Papa at malaya kami. “Sige na, ikwento mo na!” Niyugyog nila ako. “Saan n’yo ginawa? Gaano ka-hot? Tell us!” “H-Hindi ko matandaan ka---” “Kasi sobrang dami?!” Impit na tumili si Louise at kalauna’y hinampas-hampas ako ng unan. Kahit si Hera na naguguluhan ay natatawa na rin. “Ha?! Ginawa n’yo sa damuhan? Eh, ang kati doon, ha!” gulantang at namumulang tanong ni Louisiana. “Best friend, aatakihin yata si Tita Ruella riyan sa mga kwento mo!” Humagalpak siya ng tawa. “Sana makapunta rin ako sa La Esperanza...” Nakumbinsi ko rin si Louise na umuwi na pagkatapos. Nagpaalam din naman ako sa kanila nang maayos na aalis akong muli at hindi ko alam kung kailan ako babalik. Ang sabi nila ay balitaan ko sila at huwag kalimutan. Pupuntahan na lang ni Hera si Louise tuwing tatawag ako. I trusted them both, kaya sinabi ko ang tungkol kay Seatiel. Sinabi ko na nananatili ako sa probinsiya ng La Esperanza. Walang nakakaalam niyon kahit ang mga magulang ko, tanging si Hera lamang ang nadagdag sa napagsabihan ko. Ang natitirang oras bago ang flight namin ni Seatiel patungong La Esperanza ay ipinagpahinga namin sa hotel malapit sa airport. We had lunch, at flight na namin iyon. Siguro ay bago lumubog ang araw, nasa La Esperanza na kami. “Welcome back.” Nagulat ako nang si Creed ang sumundo sa amin sa airport sa syudad, nakangisi at nakamasid sa amin ni Seatiel na hindi man lang siya binati nang may tuwa. Sungit talaga! Dalawa ang dalang sasakyan ni Creed, isang masasakyan namin at isa sa kaniya. “Creed!” Laking tuwa ko nang makita siya. Pakiramdam ko sobrang tagal ko itong hindi nakita. Bakit siya ang sumundo sa amin? Akala ko ay hindi sila magkasundo ni Seatiel. I gave him a friendly hug. Mabilis lang iyon at bumitaw rin agad ako. “Kumusta?” tanong ni Creed. Napatingin ako kay Seatiel na sumulyap sa ‘min habang kausap niya ang driver ng kotseng sasakyan namin patungong La Esperanza. “Ayos lang, Creed. Bakit nga pala ikaw ang nandito? Akala ko sina Marcus ang pupunta,” nagtatakang tanong ko. Tumaas ang kaniyang kilay. “Paano? Walang nakakaalam kung ano talaga ang ginawa mo sa Maynila. Ang alam nila, sinamahan ka ni Seatiel. Hindi nila alam na kusa kang umalis nang walang paalam.” Tila ako nanigas sa kaniyang sinabi. Oo nga pala. How could I forget what I did? “Kaya pagdating mo roon, wala ka nang kailangang ipaliwanag. Alam nila na babalik ka ngayong araw.” Nangisi si Creed habang naiiling na lang. Ang konsensya ko, mas kumakalat sa aking sistema. “At, Lauren, bakit nagpadala ka pa sa bank account ko? Sabi ko ‘di na kailangan. Tsk.” “Hayaan mo na iyon. Hindi ako sanay na nagkakautang,” sagot ko. Si Seatiel, hindi ko pa nababayaran. ‘Til now, I don’t have his bank details. Kapag tinatanong ko, ayaw magsabi. He insisted na wala akong utang na pera. Ngayon, personal na ibibigay ko na lang kina Ate Aly. “Lauren, tara, dito ka sumakay!” tawag ni Creed nang pasakay na ako sa sasakyan na para sa ‘min ni Seatiel. Nangunot ang noo ni Seatiel. Humigpit ang hawak niya sa pinto ng passenger seat kung saan ako paupo na. “Sa akin siya sasakay,” seryosong sabi niya kay Creed at nilingon ako. “Get inside.” Tumango na lang ako. Nilingon ko pa si Creed na nakangising aso. Alam ko na wala naman siyang intensyong doon ako sumabay sa kaniya. Nang-aasar lang! Nakatulog ako sa byahe. Nagising lang ako habang tinatahak na namin ang malaking tulay na nagdurugtong sa syudad patungo sa La Esperanza. Mahaba ang byahe namin. Inabot kami ng halos pagdilim ng langit. Si Creed ay hanggang bayan lang. Bibisita raw siya kina Ate Aly sa susunod. Kami na lang ni Seatiel ang tumuloy sa byahe. Napakaganda ng langit kahit padilim na. Kakaunting bakas na lang ng kahel na liwanag ang makikita. Pagdating sa La Esperanza, hindi nga nagsisinungaling si Creed. Inaasahan ko na magagalit sa akin sina Ate Aly, sina Margaret, dahil bigla na lang akong umalis nang walang pasabi. Pero sa halip, natutuwa pa silang sinalubong ako. Sina Margaret ay may kaunting tampo pero naipaliwanag ko rin naman at naintindihan nila. “Lauren!” may tuwang bati ni Ate Aly pagdating na pagdating ko. Hindi ko inaasahan na naroon din si Tamsiah. Kaya lang ay pumanhik siya sa taas nang dumating ako. Ang sabi ni Ate Aly, masama raw ang pakiramdam. Sina Bom at Cindy ay sinalubong ako ng mga tanong tungkol sa Maynila at kung nahanap ko na ang pamilya ko, dahil sa pagkakaalam ng dalawa, I was homeless before I got here. “Seatiel! Kumusta ang Maynila?” Napalingon ako kay Seatiel na nilapitan agad nina Mang Rick. Nagtama ang paningin naming dalawa bago siya nahatak nina Mang Rick sa kadalasang pwesto nila kung saan sila nag-iinom. May mesa roon. Natanaw ko pa ang usok mula sa kanilang pag-iihaw. “Oh, Lauren. Kumusta? Halika, maupo ka!” aya ni Nay Issa at pinaupo ako sa mahabang mesa. “Siguradong malayo ang binyahe n’yo. Halika’t maghapunan ka na rin.” “Naku, sigurado ‘yan, Nay! Sakto nga at maghahapunan na! Kumain na tayo!” sabi ni Ate Aly. Ngumiti ako sa kaniya at tinulungan sila sa paghahain sa mesa. “Ate Lauren, Ate Lauren! Nakita mo na po ang pamilya mo?” pangatlong tanong ni Cindy habang nagsasandok ako ng pagkain nila ni Bom. Nasa hapag na kaming lahat. Nakatingin sa akin si Ate Aly. Napangiti lamang siya nang mapatingin ako sa kaniya, and for some reason, I felt so guilty... Guilt dahil sa hindi ko pagsasabi ng totoo, sa pagtatago sa kung anuman ang meron sa ‘min ni Seatiel. Hindi lang bahay nila ang maingay. Pati na rin sa labas kung saan nag-iinuman sina Mang Rick. Mayamaya lamang ay nariyan na ulit sina Margaret. Sumama raw kami roon. “Oo, Cindy.” “Wow! Talaga po? Ibig sabihin po ba babalik po ulit kayo sa Maynila? Aalis na po ba talaga kayo rito sa Esperanza?” malungkot na tanong ni Cindy. “Ate Lauren, huwag ka na pong umalis, please?” Ngiti na lamang ang sinagot ko roon. Kailangang makausap ko sina Ate Aly patungkol dito. Nang kami na lamang nina Ate Aly at Nay Issa ang nasa sala, iyon agad ang binuksan kong usapin. “Ano ang sabi ng magulang mo? Pinayagan ka ba nilang manatili rito sa La Esperanza? Siyempre ay malayo ito sa Maynila, kakayanin ba nila na ganito ka kalayo sa kanila?” tanong ni Ate Aly. Pakiramdam ko, nais niyang tanungin kung bakit nandito pa ako, kung bakit mananatili pa ako rito gayong nagawa ko na ngang bumalik ng Maynila. Malalim akong napahinga bago ipinatong ang isang pahaba at maliit na brown envelope kung nasaan ang pera sa ibabaw ng mesa. Ibinigay ko iyon kay Ate Aly. Gulat siyang napatingin sa envelope at sa akin, nagtataka. “Ano ito, Lauren?” “Hindi po ito para magmataas na kaya kong bayaran ang lahat ng tulong n’yo, para mawalan ako ng utang na loob. Kahit ibigay ko man po ito, mananatili pa rin ang malaking utang na loob ko sa inyo. I’ll forever be grateful for your help... at ang pera na ito, this is... my help, at parte ito ng malaking pasalamat ko sa inyo.” Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang lamang pera ng brown envelope. That is almost half of my personal savings. “Hija, hindi namin kailangan ang ganito kalaking halaga. Ang pagtulong namin sa ‘yo, walang hinihinging kapalit,” sabi ni Nay Issa. Tumango ako at ngumiti. “Naiintindihan ko po. Pero hindi po talaga ako mapapakali kung hindi ninyo ito tatanggapin...” Hindi ko naman iyon isusumbat pagdating ng araw. Wala iyon sa plano ko. At natutunan ko nang mali na idaan ang lahat sa pera gaya ng nakasanayan ko, kaya hindi ito bayad... kundi pasalamat at tulong. “Pero kasi, Lauren.” Tumigil saglit si Ate Aly. Malaki ang maitutulong ng perang iyon sa kanilang taniman. May problema sila roon. Kakailanganin nila ang halagang ito. “Hindi namin pera ang ginamit pang-ospital sa ‘yo at sa mga naging gamutan mo. Lahat iyon ay kay Seatiel...” “Hindi niya po tinatanggap, at isa pa, ang isang ‘to ay para po talaga sa inyo.” Nagkatinginan ang dalawa. Sa huli ay maluha-luha akong tiningnan ni Ate Aly at niyakap. “May problema ang taniman, Lauren, lalo na sa nagdaang bagyo. Kaya maraming salamat dito, hindi namin ito sasayangin, pangako... hulog ka ng langit sa La Esperanza.” Napangiti ako at niyakap pabalik si Ate Aly. Kung alam lang nila na hindi talaga ako sinamahan ni Seatiel at ang totoong nangyari ay umalis ako nang walang paalam... Ngunit nagpapasalamat ako sa ginawa ni Seatiel. That I don’t have to explain anymore because I really have no other valid reason of doing that. It is out of stupidity and arrogance that I can pay everything back through money. Madilim na pero halos lahat ay nasa labas. Nakapalibot sa isang mesa habang sa ‘di kalayuan ay may bonfire kung saan nag-iihaw ng malalaking isda. Malamig ang hangin. Maganda ang panahon. Marami ring bituin sa langit na masarap pagmasdan. Nagkakasiyahan ang mga nag-iinom, sina Mang Rick at mga kumpare nito. Puno ng tawanan at kwentuhan, at tugtog ng gitara ni Marcus. Si Ate Aly at ang ibang babae ay kasali sa usapan. Kami nina Margaret ay tila may sariling mundo kahit kasama kami. Napagigitnaan ako nina Margaret at Lara. Si Reign ay nasa tabi ni Marga. Sina Marcus, Grayson, at iba pa nilang kaibigan, nasa tabi ni Seatiel na nasa tapat ko. We’re sitting across each other. Nasa side ako nina Margaret habang siya ay naroon sa side nina Marcus at Mang Rick, pero kahit ganoon, hindi ako nilulubayan ng tingin niya. Kahit pagdampot ko sa baso ay tinitingnan niya, tuloy ay hindi maiwasan ni Margaret na magtaka at kiligin. “Kanina pa tingin nang tingin sa ‘kin si Seatiel. Crush niya na rin yata ako...” namumula ang mga pisnging bulong sa amin ni Margaret. “Tingin mo, Lauren? Kanina niya pa ako sinusulyapan!” Hindi siya gaano naririnig dahil pabulong siyang nagsalita. Pilit akong napangiti. “Nagdedelusyon ka na naman, Marga,” sabi ni Lara habang pinapaypayan ang sarili kahit mahangin. “Anong nagdedelusyon? Hindi mo ba nakikita? Kanina pa siya tumitingin dito?” Kilig na kilig si Margaret. Hinawi niya ang buhok at inipit ang hibla nito sa likod ng kaniyang tainga. “Kunsabagay, ang tagal ka rin niyang sinamahan sa Maynila, Lauren. Baka na-miss niya talaga ako!” Kanina pa siya nakaayos ng upo. Napabuntonghininga na lamang ako at muling sinulyapan si Seatiel. Kasali siya sa kwentuhan nina Mang Rick pero ang mga mata niya, laging gumagawi sa amin. Nakamasid siya tuwing umiinom ako, pero hindi naman siya makapagsalita para manaway. Panakaw-nakaw lang ang usapan namin mula pa kaninang nakarating kami. Paano kasi, hindi siya tinitigilan nina Mang Rick. “Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa, Tiel? Marami naman diyan,” tanong ng tatay ni Margaret habang inaakbayan si Seatiel. Tumawa lamang ito. “Malapit na, Tatang Greg...” Nagkantyawan ang mga ito. Pinapayuhan nila si Seatiel tungkol sa pag-aasawa. Si Margaret naman ay ‘di mapigilang mapakislot-kislot sa upuan niya dahil sa kilig. “Paano kaya kung kami talaga ang magkatuluyan? Hay...” Sa sobrang kilig niya ay kumapit pa siya sa braso ko sabay sandal. “Ilan ba ang magandang anak? Dalawa? O tatlo para may aawat sa dalawa kapag nagsabunutan?” Humagikgik siya. “Apat dapat! The more, the merrier!” sambit ni Reign sabay tawanan nila. Pati ako ay hindi maiwasang mangiti sa mga pinag-uusapan nila. May bukod kaming pinag-uusapan tungkol sa ginawa ko sa Maynila ngunit hindi ko maiwasang pagtuunan din ng pansin ang usapan nina Seatiel. “Kung ganoon, hanggang kailan ka mananatili rito, Lauren?” “Hindi ko pa alam sa ngayon, Lara...” “Kung magtatagal ka rito, ba’t hindi ka sumama sa ‘min sa bayan? Nagbabantay kami roon ng tindahan. Hindi ka ba nabo-bored dito? At saka may sahod iyon. Malaki magbigay si Tatang Greg.” Humagikgik si Reign. “Oo nga, Lauren. Kapag nasa bayan ka, marami kang makikitang gwapo. Malay mo ay naroon na ang makakapagpanatili sa ‘yo rito sa La Esperanza.” Nagngising aso si Margaret. “Sino ba kasi iyan, bunso?” dinig ko na namang pang-uusisa nina Mang Rick kay Seatiel. Sumulyap siya sa ‘kin. Kanina pa ako nag-iiwas pero nang sandaling ‘yon ay nagkatinginan kami. Nananadya ba siyang may makapansin sa ginagawa niya? Siyempre, magtataka na ang mga iyan kung bakit nakatingin siya! Hindi nga ako nagkamali nang tumingin sa akin si Reign habang ang mga mata ko ay na kay Seatiel. Napansin ko iyon sa peripheral vision ko kaya mabilis kong nilipat ang tingin sa iba pa, kunwari ay napatingin lang ako at napadaan iyon kay Seatiel. “Hindi na raw ba uuwi rito ang mga magulang mo?” tanong ni Mang Rick na kumuha sa atensyon ko. Doon lang napatingin si Seatiel sa kausap. Maliit siyang ngumiti bago umiling. “Hindi na raw ho...” Nagkibit-balikat sina Tatang Greg. Wala nang nagtangkang mag-ungkat pa. Mas lalo lang tuloy ‘yon nakadagdag sa curiosity ko sa mga Del Fuego. Natapos ang gabi na bagsak sina Mang Rick, pati na rin sina Margaret na panay na ang reklamo sa masakit niyang ulo. “Halika na, darling,” sabi ni Marcus at inakay si Margaret na pinipilit tumulong sa paglilinis ng mesa. “Sige na, Margaret, magpahinga ka na rin... ako na rito,” sambit ko kaya tumango na lang ito sabay tingin kay Seatiel. “Ah, sige... good night,” aniya na hindi sinuklian ng ‘goodnight’ ni Seatiel dahilan para mapasimangot si Margaret ngunit masiyado na siyang lasing. “Halika na.” Kinaladkad na ni Marcus si Margaret patungo sa bahay nito. Naiwan kami ni Seatiel. Nakatingin siya sa ‘kin kahit ang mga mata ko ay nakatuon sa pag-aalis ng mga bote ng alak sa mesa. “Are you alright?” tanong ni Seatiel nang napansin ang kanina ko pa pagkusot sa mga mata. Inaantok na kasi ako. Ang haba rin ng byahe namin kanina. Hindi ako masiyadong uminom pero medyo tipsy ako. Tumango lang ako kay Seatiel. Inagaw niya ang bote sa aking kamay. “Ako na. Maupo ka riyan,” utos niya. Sumunod na lang ako. Naupo ako sa isang upuan. “Panay ang banggit sa ‘yo ni Margaret. Nakatingin ka raw sa kaniya...” Hindi ko napigilang banggitin. Hindi niya iyon pinansin. Pinagpatuloy niya ang pagtatabi sa mga bote. “Talaga?” Tila ba wala lang ‘yon. Gusto kong mapasimangot kung hindi lang ako nauunahan ng medyo nananakit na ulo at hilo. Anong ‘talaga’? “Are you sleepy? Gusto mong magdagat?” tanong ni Seatiel. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Hindi ba napapagod ang isang ‘to? Kararating lang namin sa mahabang byahe... Parang tanga rin namang tumango ako. Mukhang maganda ngang maligo. Ang sarap din sa balat ng panggabing hangin. “Yeah, the cold wind seems to be relaxing...” sabi ko habang nakatingin sa mga bituin at sa makinang na buwan habang hinahalikan ng banayad na hangin ang aking balat. Nagtama ang paningin namin ni Seatiel. “Alright, I’ll just finish this, then we’ll go...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD