Kabanata 36.

1283 Words
Relentlessly I Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Nang magising ulit ako ay dahil iyon sa naririnig na usapan. Dahan-dahan akong nagmulat at ang unang bumungad sa akin ay ang kisame ng kwarto. “She’s awake.” Boses iyon ng babae. Nang luminaw ang paningin ko ay nilibot ko ang tingin sa paligid. Nakita ko si Doktora Mirea na nakaupo sa gilid ng hinihigaan kong kama. Napangiti siya nang magising ako. “Ayos na ba ang pakiramdam mo, Miss Lauren?” Hindi agad ako sumagot. Bahagya pang kumikirot ang ulo ko sa sakit, but it felt better than earlier. Hinanap agad ng mga mata ko ang isang presensya sa buong kwarto. I was relieved when I saw Seatiel with us. Nakasandal siya sa mesa at magkakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib, seryoso ang tingin sa kama kung nasaan ako at mukhang malalim ang iniisip. I’m lying on the bed comfortably. May kumot na tumatabon hanggang aking bewang. “A-Ano pong nangyari?” tanong ko at muling nag-angat ng mga mata kay Doktora Mirea. Ngumiti siya na parang sinasabing ayos lang ang lahat at wala akong dapat ipag-alala. Pero nang tingnan ko naman si Seatiel, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa ayos niya. I swallowed, and looked at Doktora Mirea again. Wala nang ibang tao sa loob ng kwarto maliban sa aming tatlo at mukhang may pinag-usapan na sila bago pa ako magising. What happened? Bakit parang tahimik sila? “Doktora? M-May problema po?” pagtatanong ko. Tiningnan ko si Seatiel. Nang magtama ang paningin namin ay medyo lumamlam din ang kaniyang mga mata at naging kalmado. Medyo nabawasan naman ang kabang naramdaman ko pero napalunok pa rin ako at tumingin kay Doktora Mirea. “Oh, you’re fine, Miss Lauren. Kailangan mo lang magpahinga at... huwag masiyadong magpaka-stress, alright?” payo nito. Tumango na lang ako kahit walang ideya. “Thank you, Doktora.” Si Seatiel at saka lumapit sa ‘kin. Tumango naman si Doktora Mirea at muling ngumiti sa ‘kin. She seems happy. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. “No problem, Mr. Del Fuego. Mauuna na ako. Call me if she feels anything unusual,” ani Doktora Mirea at naghanda na upang umalis. Sinundan ko siya ng tingin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Seatiel pero hanggang sa makaalis na ito ay wala na itong nasabi pa. Paglabas ni Doktora Mirea ay binalik ni Seatiel ang tingin sa akin at lumapit siya sa higaan. Sinubukan ko namang maupo pero medyo nahilo ako kaya kinailangan ko pang sumandal sa headboard ng kama. Tinulungan ako ni Seatiel. “Anong nangyari? Bakit pumunta pa si Doktora?” tanong ko agad. Nilingon ko ang bintana kung saan medyo dumidilim na dahil sa kakalubog lang na araw. Napahawak ako sa aking ulo. Maingay sa labas. Naglalaro ang mga bata. Ang tagal ko yatang nakatulog. Ganoon ba ako kapagod sa kabilang isla? “You made me worried. Tinawagan ko si Doktora para tingnan ka.” “Anong sabi niya? Sa pagod lang naman ito, hindi ba? Napagod ako, and you’re right... I catch colds easily,” sagot ko at napanguso. I expected Seatiel to tell me that it’s because I’m stubborn. Na matigas kasi ang ulo ko. Kaya naman nagtaka na talaga ako nang mapansing titig lang siya sa ‘kin. His eyes are sparkling. May kakaibang saya na hindi maipaliwanag sa mga mata niya. Inangatan ko siya ng kilay. Anong problema nito? “Seatiel? Ano ba iyon? You’re making me nervous,” saad ko dahil kanina pa siya tahimik paggising ko. Seatiel bit his lip and chuckled. “Hmm?” Iyon lang ang nasagot niya, nagpipigil ng ngisi. “What is it? Bakit ang tahimik mo? Huwag mong sabihing tungkol pa rin ito sa nangyari kanina... kay Ives?” naiiling kong tanong. “Tss. You remembered his name, huh?” Umiling ako at napatikom sa bibig. Malamig ang mga mata ni Seatiel at nag-iwas ng tingin. His forehead is creasing. Ewan ko sa ‘yo, Del Fuego! Nadapuan ng mga mata ko ang suit jacket na nakasabit sa likod ng upuan. Bumalik sa isipan ko ang imbitasyon ni Mayor tungkol sa salu-salo bukas sa mansyon ng mga La Senna para sa welcome party ng kaniyang bisita. Pagbalik ng mga mata ko kay Seatiel ay nakatingin siya sa ‘kin. He caught me looking at Ives’ belonging. Napakagat ako sa labi. Masiyado namang seloso ang isang ‘to! Bumangon na rin ako nang tumayo siya ulit. My white dress fell onto my knees. Nilalamig pa rin ako nang kaunti ngunit hindi na tulad kanina. Nakita ko sa labas ng bintana na naroon sina Margaret malapit sa puno at naghahanda ng mesa. “Anong sabi nila kanina pagkarating natin?” tanong ko. “Ewan. Itanong mo kay Ives,” malamig na sagot ni Seatiel dahilan para mapabalik ang tingin ko sa kaniya. My lips curved as I tried to hide my little smile. Baka kapag ngumiti ako ay mairita na talaga siya. Seloso. “Come on, Seatiel. Stop being jealous of someone irrelevant. Hindi nga natin iyon kilala?” napapailing na sabi ko. Hindi niya ako sinagot at nakahilig sa mesang kinasasandalan kanina. Tumayo ako sa harapan niya at dahil sa kaniyang tangkad ay kailangan kong tumingala. “Paanong hindi ako magseselos...” He shot his brow up. Wala namang rason para magselos siya. Siya lang ang gusto ko. I don’t like anyone else. The proof is here. Nandito pa rin ako sa lugar niya. Sa kaniya. “No need to be jealous, Seatiel. Hindi naman ako papayag na puyatin mo ako sa gabi kung hindi ikaw ang gusto ko... I won’t run away like a mad person if I don’t like you enough. Hindi rin ako masasaktan sa ginawa ni Tamsiah kung mababaw lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Matagal siyang nakatingin sa akin. His jaw clenched, bago napahinga nang malalim. “I’m sorry, Lauren. I get jealous easily. Pakiramdam ko, mawawala ka rin agad sa ‘kin.” Napailing ako sa sinabi niya at hindi rin maiwasang masaktan para sa kaniya. Maybe it’s because he grew insecure from the fact that I always leave first. Na mabilis sa ‘kin na takbuhan siya. Na mabilis sa ‘kin na magalit sa kaniya. Na maaagaw ako ng iba dahil hindi naman malalim ang nararamdaman ko sa kaniya. “Hindi iyan totoo, Seatiel. Hindi ako mawawala. I’ll always be with you.” Nangunot ang noo ko at hinawakan ang kamay niya. Hinayaan niya ako. Agad ko siyang niyakap at pinaikot ang mga braso ko sa kaniyang batok. I don’t know why I seem so emotional these past few days, pero nasaktan ako sa kaniyang sinambit. “Hindi ako mawawala, hindi na ako aalis at... hindi naman tayo m-maghihiwalay, ‘di ba?” napapalunok kong tanong. Hindi ko agad narinig ang kaniyang sagot kaya bumitaw ako sandali sa yakap para hagilapin ang mga mata ni Seatiel. His eyes are now gentler than a while ago. “Seatiel... ‘di ba?” agap ko. “Hindi tayo maghihiwalay...” marahang sagot niya. Napatango ako. Muli ko siyang niyakap nang mas mahigpit. He pulled me closer, and I rested my tired body in his embrace. Isiniksik ko pa nga ang sarili ko sa dibdib ni Seatiel. He caressed my hair and kissed the top of my head. “Hinding-hindi tayo maghihiwalay...” he whispered. Pumikit ako at pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng pagod ko. Suddenly, I have all the strength in the world to fight for him. To fight for this. I want to be like this forever. I want to be this close to him. I don’t want him to let me go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD