Relentlessly I “Pakilagay na lang sa gilid. Bilang ko na ang mga sako na iyan.” Si Margaret sa isa sa mga tauhan habang may hawak na maliit na notebook at ballpen at sinusulatan ito. Nasa tindahan silang tatlo nina Reign at Lara. Abala si Margaret sa pagtanggap ng mga sako ng bigas na binabagsak mula sa delivery truck nang mapatingin siya sa gawi ko. Napalunok ako. Para akong batang nagtatago sa labas ng tindahan nila at sumisilip. I was nearly approaching them but my feet were still hesitating! Nag-aalinlangan akong tumuloy na lumapit kina Margaret lalo na nang makita ang lumamig nitong tingin sa ‘kin. “Ayos na ‘yan,” sabi ni Marga at mukhang paalis na rin naman ang truck. Napatingin ako sa mga ito na lagpasan ako. “Hay, ang init! Labas lang ako para bumili, Reign, Lara!” biglang

