Relentlessly I Kahit na ganoon ang tingin niya, hindi pa rin nawala ang kabog ng dibdib ko at tuwa pagkakita sa kaniya. I thought he’d be gone the whole day! “Seatiel!” tawag ko at medyo lumapit. “A-Akala ko ay kasama mo si Marcus sa kabilang bayan?” tanong ko at nagmano kay Manang Asya na lumapit din at may nababahalang ngiti nang binati ako. May kahulugan din ang kabado kong ngiti sa kaniya sabay angat ng mga mata kay Seatiel na kung nakakamatay lang ang tingin, baka pinaglalamayan na namin itong si Ives. “Seatiel?” tawag ko at dahan-dahan niyang binalik ang tingin sa akin. Nawala ang labis na pagiging seryoso ng mga mata niya at ang lamig na bumabalot dito. Naging marahan iyon. Hindi siya sumagot at muling binalik ang matamang tingin kay Ives. Mukhang wala naman silang balak na

