ANGEL Halos magdamag akong hindi nakatulog dahil sa isang halik... isang nakaw na halik sa akin ni Doc Richard. Sa isang iglp ginulo ang tahimik kong mundo, ginising niya ang puso kong matagal ng nahihimlay sa pagkakatulog. Kaya ako ngayon heto ay puyat, mabuti na lamang at alas dos pa ang pasok ko kaya at malapit na din ako sa pinagtatrabahuhan ko kaya hindi ako masyadong nagmamadali. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Antok na antok pa ako kaya medyo tinapangan ko ang lagay ng kape para magising ang diwa ko. Naglinis lang din ako habang maaga pa, isinalang ko na rin ang nakita kong labahin namin sayang naman anga oras wala din lang akong ginagawa. Habang abala ako sa paglilinis dito sa condo ay may narinig akong nag doorbell. Pinatay ko muna ang

