ANGEL Matapos namin kumain ng fishball at kwek-kwek ni doc ay inaya niya akong maglakad-lakad. May mga nakakasalubong din kaming couple na nagmamasyal dito, ang iba naman ay pamilya na para lang nagpipiknik. Masaya din pala ang ganito, kahit papaano ay nakakabawas ng bigat na dinadala. "Doc, matanong ko lang po? Ang SMC po ba ay kayo ang may ari?" "It was a family business na tinayo ng lolo ko na doctor na kalaunan ay ipinasa na sa daddy ko." "At ngayon, ipinasa na din po sayo?" "Maybe, wala naman ibang pagpapasahan kundi ako lang." malungkot niyang sabi. "Kung may ospital kayo, bakit ka po nagtrabaho sa San Isidro?" curious kong tanong. "Para takasan ang problema ko, para takasan ang mundo." muli niyang sabi. Bakit nakakaramdam ako sa kanya ng matinding kalungkutan, pakiramdam ko

