Call it cliché, but Luke is the sun shining in his own glory. And Lauren is just one of the unnoticed stars in his world.
"Umuwi ka na, Sir." Metatag niyang utos dito. "Baka hinahanap ka na sa inyo."
"So, you're trying to get rid of me, Lauren." Tumayo ito ng tuwid, pero ang mga mata ng binata ay matiim na nakatingin sa kanya. "Pero gusto mo ba talaga ako umalis? Hindi ba dapat at pag-usapan muna natin ang mga nangyari?"
"Wala namang dapat pag-usapan. Nadala lang tayo ng sitwasyon. It was only lust, especially for you." Dire-diretsong saad ng dalaga. But she knew that her heart was hoping for something more deep than this.
But reality sucks too.
Bahagyang lumayo si Luke sa kanya. Aga dang pagrehistro ng galit sa mukha nito. "Ganoon ba ang tingin mo sa akin? And what about you, is this all about lust only to you?"
"Ano ba naman kasi ang gusto mong isipin ko? You're that guy who had frequent visits from beautiful and successful women. Sino lang ba ako? Wala naman di ba? You're just curious about this girl in your office who is anti-social and boring. Akala mo ba hindi ko alam ang pustahan niyo ni Sir Reid?"
Natigilan si Luke sa sinabi niya. "It's not what you think. And you are far more than being boring."
"Maybe. Pero ayoko nang isipin iyon. Matagal ko na naman tinanggap sa sarili ko na wala naman talagang magkaka-interes sa isang lame, boring at plain na babae na tulad ko. Now that I have already suited your curiosity, tapos na ang lahat ng ito. Babalik ka sa tunay na opisina mo at aaktong walang nangyari. Ganoon naman lagi, hindi ba?"
"Paano kung hindi?" naghahamon ang tinig ni Luke. "Paano kung gusto kong magtagal ito?"
"Bakit pa? Marami namang ibang babae diyan. Hindi ko pinagsisishan ang mga nangyari sa ating nitong mga nakaraang linggo. Pero wala namang nagtatagal na ganito, hindi ba? Boss kita, masisira lang natin ang isa't-isa. Magiging kahihiyan mo lang ako kapag nalaman nila na nangyari sa atin ito. Pagtatawanan ka lang nila dahil sa akin."
HUmakbang palayo ang binata sa kanya. "So, I had been judged already because of all those rumors that they created about me womanizing around. Had I also satisfied all those rumors on how good I am I bed? I think so, based on how you moaned and screamed my name."
Luke picked up his clothes at isinuot iyon. Pagkatapos ay walang paalam na umalis.
Doon tumulo ang luha niya. Nararamdaman niya ang sakit sa kanyang dibdib. Ipinagpatuloy niya ang naudlot na pagbibihis pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto niya at dumiretso sa attic na siya ring nagsisilbing library ng bahay niya.
LAUREN has been working her ass off for the past two weeks.
Trying to forget everything that happened between Luke and her. Pero paano naman niya makakalimutan ito? Sa bawat sulok ng opisina ay naroon ito at hayagang tinitingnan siya, bagaman hindi ito nagtatangkang lumapit sa kanya
Hindi tuloy malaman ng dalaga kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman.
Pero sabi ng isip niya, mas mabuti na ang ganito. Their affair must be short lived pero at least hindi gaano kasakit.
Hindi gaano kasakit? Sino nga ba ang niloloko niya?
She sighed. Alam naman niyang panandalian lamang ang pagtigil ni Luke sa opisina. In fact, tatlong araw na nga lang yata dahil nakapili na ang board kung sino ang magiging manager nila.
Naiinis sa sariling napakamot na lang siya ng ulo. Ano ba naman kasi ang pinasok niyang gulo. Sanay na naman siya sa tahimik niyang mundo, pero kung bakit at paano nga ba napasok si Luke sa eksena ay hindi niya maintindihan. Masaya na siyang nakatingin dito mula sa malayo dati. Kuntento na siya sa ganoong sitwasyon, na manatili si Luke na untouchable at beyond reach.
Binitawan niya ang lapis na hawak. Kailangan niya ng break. Hindi rin naman siya makapag concentrate sa trabaho.
Agad na tinungo ng dalaga ang opisina ng immediate boss niya at nagpaalam na maghalf day sa araw na ito. Agad naman itong pumayag. Pagsapit ng tanghalian at umalis na siya na hindi alam kung saan tutungo.
Nang makaramdam ng gustom ay agad siyang dumaan sa pinakamalapit na fast food at doon kumain at nagpalipas ng oras.
Habang kumakain ay iniisip niya kung saan nga ba siya talaga pupunta at kung ano ang gagawin niya. Sa bandang huli ay parang pinagsisihan niya pa na umalis siya ng opisina, dahil kahit paano ay occupied ang utak niya ng trabaho. Pero bothered pa din siya dahil naroon ang binata.
Napagpasyahan niyang umuwi nang madilim na. Pababa na siya ng tricycle nang mamataan niya ang kotse ni Luke sa harap ng kanyang bahay. Nang tuluyan na siyang nakababa ay nakita niyang nakakunot ang noo ng binata habang nakatayong naghihintay sa kanya.
"Where have you been?" halos magdikit ang kilay nito. "Kanina pa ako pabalik-balik dito sa bahay mo pero hindi ko malaman kung saan ka hahanapin. Hindi mo sinasagot ang cellphone mo! Ang sabi mo sa boss mo, masama pakiramdam mo, bakit ngayon ka lang umuwi?"
Naningkit ang mata ni Lauren sa mga sinabi ni Luke. "Masama po ang pakiramdam ko. Nag-file naman po ako ng leave kanina, kaya kung ano man ang gusto kong gawin sa oras ko ngayon, ako na ang bahala doon, SIr." Pinagkadiinan niya ang tawag na "Sir" dito.
"You don't look sick to me." there was a finality on his statement.
"Its none of your business, Sir." pinagkadiinan talaga muli ni Lauren ang pagtawag ng 'Sir' sa binata. Iyon lang at nilagpasan na niya ang binata.
Luke suddenly snatched the key in her hand. Walang sabi-sabing hinila siya patungo sa sasakyan nito. He settled her seated in the passenger seat in awe.
Nang makasakay si Luke sa driver's side ay saka lamang natagpuan ng dalaga ang sariling tinig. "Saan mo alo dadalhin?"
"Just please keep quiet. Hinayaan kita na dalawang linggong hindi mo ako kinikibo to make yourself realize that you just can't avoid what we have."
"But what do we really have? Alam ko naman na isa lang ako sa mga babaeng nagdaan sa iyo. Isa lang akong challenge dahil akala mo hindi ko narinig ang usapan niyo nina Sir Reid ng gabi ng despedida party niya." nanggigigil na saad niya kay Luke. "Natapos na ang isang gabi ko sa iyo. Napaglaruan mo na ako. At malamang na nandidiri ka na rin dahil ni wala ako sa tipo mong babae. I'm just one of your ordinary employees na nagkamali kang patulan dahil sa isang pustahan."
Nakita ni Lauren ang pagkunot ng noo ng binata. His jaw flexed like he was truly mad at her. Noon nakaramdam ng takot ang dalaga. “Sino ba kasi ang may sabing pinaglalaruan lang kita? Narinig mo bang sinabi ko iyon?” halos pasigaw na tanong nito sa kanya.
Luke continued driving to nowhere pero hindi na ito nagsalita. Impatience was visible in his movements at pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan nito. May kung ilang beses na rin na muntik nang masubsob si Lauren kapag nagpepreno ang lalaki. Mabuti na lamang at naka-seat belt siya.
They stayed quiet until they stopped at the airport.
"Luke, anong ginagawa natin dito?" tanong niya habang mahigpit siyang hawak ng binata sa kamay.
"We're heading somewhere."
"And where is that somewhere?" nakataas ang isang kilay niya na tanong sa binata.
ACTUALLY, walang plano si Luke kung saan dadalhin ni Lauren. Basta alam na lang niya, gusto niya itong ilayo at masolo.
Simula nang may mangyari sa kanila ng dalaga ay hindi na niya maalis sa isipan niya ito.
Sinubukan niyang lumayo upang makapag isip isip. Lahat ng nararamdaman at nararanasan ng binata ngayon ay bago sa kanyang pakiramdam.
His s*x life only exists for one night for each woman he can come accross with. Pero pagdating kay Lauren Lauren, hindi lang round two ang gusto niyang mangyari.
Kung sa ibang babae, matapos siyang makaraos ay diretso banyo na siya upang maligo at magbihis. Walang round two. At natitiyak niyang hindi na siya muling makikipagkita sa babaeng iyon.
'What are you really doing, Luke?' tanong niya sa sarili. At ang cardinal rule niya na ‘no s*x without a condom’ ay nabali rin niya. He could have gotten her pregnant.
Nilinga niya ang tahimik na nakaupong dalaga sa kanyang tabi. Bakas ang kalituhan sa mga mata nito ngunit tila wala naman itong pagtutol kung saan man niya ito dadalhin.
Luke reached out for her hand and laced his fingers with hers. Lumingon ito sa kanya. There was something her eyes that he could not give name. Like she was feeling something ngunit tila nalilito rin ito.
He can only sigh. Kailangan tuklasin niya kung ano nga bang nangyayari sa kanya.
TAHIMIK si Lauren nang inalalayan siya ni Luke na bumaba sa sasakyan.
Tumigil sila sa harap ng isang malaking bahay na nasa gitna ng isang malawak na lupain. Base sa road signs na nadaanan nila ay nasa parte sila ng Batangas. From nearby, she could also hear the sound of the waves from the sea.
“Kaninong bahay ito?” tanong niya kay Luke.
“Mine.” He said and suddenly planted a kiss on her lips.
“Akala ko taga-Manila ka?”
“This is our ancestral house. Wala nang nakatira dito, pero may caretaker naman ako. Kapag burned out na ako sa trabaho, nauwi ako dito.”
“Bakit mo ako dinala dito?”
“Because I wanted to discover myself.”
Napakunot ang noo ng dalaga sa sagot ni Luke. “Ano namang kinalaman ko sa discovery na gusto mo gawin?”
He sighed. “Pumasok muna tayo sa loob at saka tayo mag-usap.”
They settled inside the house at pagkatapos ay iginiya siya ng binata sa kusina. Doon ay nakilala niya ang katiwala nitong kakatapos lang ihain ang pagkain nila.
Mukhang naitawag na ni Luke na darating sila dahil sa dami ng nakahanda sa mesa.
“Sumalo ka na sa amin, Jose. Tawagin mo na din si Luna.” Utos ni Luke sa lalaking naroon.
He then guided her to sit on the chair at nang makaupo siya, naramdaman na lang ni Lauren ang paglapat ng labi nito sa tuktok ng kanyang ulo.
Kung noong una ay iniisip niyang masyadong touchy si Luke, ngayon ay na-realize niya na sadyang malambing lang ito. Patunay na rin ang maya’t-mayang paghawak nito sa kanyang kamay habang nagda-drive ito patungo dito.
Maya-maya lamang ay dumating ang tinutukoy nitong si Luna. Isa iyong dalagita na kapatid pala ni Jose.
Luke attended to her well, ito ang naglagay ng pagkain sa plato niya, at panaka-naka’y sinusubuan siya nito ng pagkain. Noong una ay nahihiya siya na tanggapin ang mga sinusubo nito dahil halos mapilas ang mga labi nina Jose at Luna sa pagkakangiti sa kanila. Ngunit ayaw naman papigil ng binata hanggang hindi niya ibinubuka ang bibig.
Pagkatapos nilang kumain ay nalaman ni Lauren na lahat ng gamit niya ay sa kuwarto ni Luke inilagay. Akmang magpo-protesta siya ngunit itinulak lamang siya ni Luke papasok doon.
“Maligo ka na, pagkatapos ako, tapos saka tayo mag-uusap.” Utos pa nito.
SA TERRACE na nakatanaw sa dagat na lamang naghintay si Lauren habang hinihintay niyang matapos ang binata na maligo.
Malakas ang simoy ng hangin pero hindi naman masyadong malamig.
Naramdaman niyang naupo si Luke sa kanyang tabi. He immediately held her hand and kissed it.
“Fire away.” Mahinang sabi ng binata. Malamang na nababasa nito na maraming katanungan sa kanyang isip.
“Bakit mo ako dinala dito?”
“Katulad ng sagot ko kanina, may gusto akong malaman sa sarili ko.”
“Ano naman ang kinalaman ko sa gusto mong malaman?”
He sighed. “Because I’ve never felt so much attraction like this. Iyon bang lahat lahat ng rules na ginawa ko para sarili ko ay nabali.”
“Are you attracted to me?” diretsang tanong ng dalaga dito. Bigla tuloy siyang kinabahan sa isasagot nito.
“You should have known that by now.”
“Maybe. But it could also be just lust. Knowing all the rumors.” Mahinang sagot ni Lauren dito.
“This is not just lust, I’m sure of that. Dahil kung s*x lang din naman ang habol ko sa iyo. Doon pa lang sa party, hindi na kita tatantanan, at hindi na kita susundan pa hanggang sa office para umulit. Madaling kumuha ng babae just to warm my bed. But with you it is different. I just can’t seem to get enough of you.”