Chapter Thirteen

1946 Words
“Simple lang akong babae, pangarap ko ang seryosong relasyon, magkaroon ng pamilya in the future. I agree that there is this attraction between us, pero alam kong sa iyo ay laro lang ang lahat ng ito. We better end this habang maaga pa. Ayokong maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko noon kapag nagsawa ka na sa akin. We are good in bed, pero hanggang doon na lang iyon tiyak para sa iyo.” “Can we just start with the attraction? From there, let just let it flow. Ikaw, ano baa ng nararadaman mo para sa akin? Gusto mo bang magkaroon tayo ng relasyon? Like boyfriend-girlfriend?” tila nalilito si Luke habang sinasabi iyo. But there was desperation in his voice. “Kaya mo ba akong mahalin? Kaya mo bang i-commit ang sarili mo sa akin? Kaya mo ba akong tanggapin ng buo?” she dropped the bomb. Maaaring sabihin niya na gusto niyang maging boyfriend ito. Na basta na lang siya pumayag na hayaan na lang nila na dalhin sila ng attraction nila sa isa’t-isa kung saan. Pero mas kailangan niya ang commitment nito. Matagal na hindi nakaimik si Luke sa tanong niya. Unti-unti rin lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Naramdaman ni Lauren ang pag-iinit ng kanyang mga mata, pero hindi siya iiyak. Matagal na siyang hindi umiiyak. Bigla ay parang binibiyak ang puso niya dahil malinaw sa kanya ang sagot ng binata. Hindi siya nito kayang mahalin. Tumayo na ang dalaga. “Matutulog na ako. Iuwi mo na ako bukas. Kapag handa ka nang sagutin ang tanong ko, saka mo na lang ako kausapin ulit…” “Lauren…” “SWEET…” Sa kalagitnaan ng gabi ay naramdaman niyang tumabi si Luke sa kanya. Kahit masama ang loob ay ramdam niya pa rin ang init ng mga haplos nito. At nang halikan siya ng binata ay hindi na niya ito pinigilan. Sa huling pagkakataon ay ibibigay niya ang sarili dito ng buong puso. Kahit sa sandaling ito, maramdaman niya ang gusto niyang maramdaman mula rito. He made love to her slowly and sweetly… “I love you…” she whispered to him as she drift to sleep. Bahala na bukas… Bahala na… DUMATING na ang bago nilang manager. Hindi na rin nagawa ni Luke na magpaalam sa kanila at doon na ito muli nag-opisina sa corporate office nila. It has been almost two months since they went to his ancestral house. Kinabukasan nga ay iniuwi siya nito. Nang makarating siya sa bahay nila, they again made love for the last time. So, iyon pala ang ibig sabihin ng ‘bittersweet’. She sighed. Simula noon ay hindi na niya ito nakita. Siguro nga ay hindi talaga nito kayang tugunan ang damdamin niya at s*x lang talaga ang habol nito sa kanya. Kapag nasa opisina si Lauren ay halos hindi na siya lumabas sa drawing room. Mas gusto niyang doon maglagi dahil na rin alam niyang pinag-uusapan siya ng ibang mga officemates. ‘Akala mo mahinhin at man-hater, iyon pala, gold digger…’ ‘Masyado mataas pangarap niya, si Sir Luke pa talaga ang inakit niya… Desperada din, palibhasa walang lalaking napansin sa kanya…’ ‘Laspag na iyan ni Sir Luke, totoo siguro ang balita na doon sa pinanggalingan niyang trabaho, kung sino-sino ang naka-s*x niya…’ Hindi naman siya nagtatago, pero pakiramdam niya kasi na lalo siyang nakikita ng mga ito, lalo lamang siyang pag-uusapan ng mga ito. Alam niya sa sarili niya ang totoo. Iyon nga lang, ang mga kuro-kuro ng mga ito ay tiyak na Malaki ang magiging epekto sa reputasyo niya. Lauren sighed as she looked at the monitor of her laptop. Kakatapos lang niyang i-type ang resignation letter niya. Kailangan na niyang gawin iyon ng mas maaga. Kagabi lamang ay nalaman niyang buntis siya. Hindi na siya nagulat, sa iilang beses nilang pagtatalik noon ni Luke ay hindi naman sila gumamit ng proteksiyon. May ipon naman siya at madiskarte naman. Kaya alam niyang makakaya niyang buhayin ang magiging anak kahit magresign siya. Nang makaalis na ang lahat ay saka niya pinadala sa opisina ng manager nila ang resignation letter. Konti lang naman din ang mga gamit niya, kaya madali niya iyong naiuwi ng araw na iyon. “BAKIT, Rachelle?” tanong ni Luke sa secretary niya nang pumasok ito. Ito lamang ang pinapayagan niyang pumasok na lang basta sa opisina niya nang walang appointment. “Sir, Mister Lorenzo is asking for a couple minutes with you.” “Alam mong marami akong naka-line up na meeting ngayon.” Seryosong sabi niya dito. “P-pero… Importante daw po ang pakay niya. It is about Lauren Palomares daw po.” Natigilan si Luke sa pangalang binanggit. “Send him in.” Saglit lamang ay pumasok na si Rick. Ito ang bagong manager sa opisina nina Lauren. “What is it?” tanong niya agad dito. “Basahin mo na lang ito.” At iniabot nito ang isang sobre. “I found it this morning sa table ko. At nalaman kong hindi na rin siya pumasok.” Resignation letter ng dalaga. Agad na natigilan si Luke. “What happened?” “Hindi ko alam kung affected siya, but there had been rumors about her spreading in the office. One was that she is a gold digger having an affair with you. Lauren is a great worker, at alam kong hindi totoo ang mga tsismis na kumakalat. Pero alam kong makakasira din iyon kahit wala naman katotohanan ang lahat, and if may naging relasyon nga kayo, wala naman masama dahil pareho naman kayong dalaga at binata.” Hindi nakakibo ang binata. “I better leave. Kung ayaw mo siyang umalis. Alam mo na ang gagawin mo.” At umalis na si Rick. He dialed her number. Pero out of coverage area ang cellphone ng dalaga. He ordered his secretary to cancel all his meetings at dali-daling umalis. Unang pinuntahan niya ang bahay ng dalaga. Ngunit walang tao doon. Naalala niyang may kamag-anak si Lauren sa may labasan ng residential area sa lugar na iyon at mabilis naman niyang nahanap. Maging ang mga ito ay walang idea kung saan ito nagpunta. Ang alam lang mga ito ay magbabakasyon daw ang dalaga at kaninang umaga pa raw umalis. Hindi alam ni Luke ang gagawin. Has he been gone for too long? Masyado na ba siyang kinain ng pride niya para aminin sa sarili niya na mahal niya rin ang dalaga? He’s such an egotistical bastard after all. “HAYUN!” turo ni Lauren sa dalagitang kasa-kasama niya. Nang umalis siya sa bahay niya dito siya napadpad sa Cavite. Matagal na niyang nabili ang bahay na tinitirhan niya ngayon, ngunit hindi lamang niya inuuwian. Nagdesisyon siyang paupahan na lamang iyon sa isang kaibigan, at ngayon pansamantalang dito siya nakatira. Ang bakanteng lote sa tabi ng bahay ay pinatayuan niya ng isang munting green house. Habang naroon siya ay napagdesisyunan niyang magnegosyo. At mukhang maayos naman. Nagsimula siyang bumili ng mg fruiting bags ng mga oyster mushroom. Noong una ay kinakabahan siyang wala siyang green thumb para mapatubo ang mga kabute, ngunit nag-bloom naman ang mga iyon. Nag-aral siyang magluto ng mushroom chicharon at may regular siyang sinusuplayan ng mga produkto niya. Kaya kahit nasa bahay lamang siya ay kumikita pa rin siya. Ang mga anak ng kaibigan ay nagsi-sideline sa kanya kapag walang pasok upang mamitas ng mga kabute. Lumalaki na rin naman kasi ang tiyan ni Lauren at medyo nahihirapan na siyang kumilos. Mas Malaki sa normal ang tiyan niya dahil ayon sa ultrasound na ginawa sa kanya, triplets ang nasa sinapupunan niya. Dalawang lalaki at isang babae. “Ate Lauren! May bibili yata ng fresh mushrooms! Papapasukin ko na ba diyan sa green house?” sigaw naman ng isa pang anak ng kaibigan niya. “Sige! Nakapamitas na naman kami.” SHOCK. Iyon ang naramdaman ni Luke nang bumungad siya sa green house. Nakita niya si Lauren na nakasuot ng maternity dress habang nakaupo sa isang silya doon kaharap ang mga basket ng mushroom. May kasama itong dalagita na nag-iikot-ikot doon at mukhang ito ang taga-pitas ng dalaga. So, she had been pregnant. At magiging tatay na siya! Excitement rose from within him. Pero gusto pa ring magalit ni Luke dahil kung hindi pa niya nahanap ang dalaga ay hindi niya malalaman ang kalagayan nito ngayon. She looked alright though. Pero siyempre, hindi pa rin niya maiwasan mag-isip kung ano ng aba ang plano ng dalaga. Tumikhim siya upang makuha ang atensiyon nito. Ganoon na lamang ang gulat na bumakas sa mukha nito nang makita siya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “MAARI bang iwan mo muna kami ng Ate Lauren mo?” tanong ni Luke sa kasama niya. Napatingin sa kanya ito, at tumango na lamang siya. Lauren sighed. Alam naman niyang darating ang araw na ito. Hindi naman siya nagtatago. “Bakit hindi mo sinasabi sa akin na magiging tatay na ako?” Luke asked her directly. “Sinong may sabing ikaw ang ama ng mga anak ko?” “Mga?” litong tanong nito. “I’m sure na nakarating sa iyo ang mga usapan sa opisina, isa akong gold digger, kunyaring mahinhin, marami nang naka-s*x. Kaya paano mo nasisigurong ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko?” sa totoo lang ay kinakabahan siya habang sinasabi iyon. “At napatunayan ko namang walang katotohanan ang lahat ng iyon. You were innocent when we first made love… ” Namula ang mukha ni Lauren sa sinabi nito. “Lauren…” lumapit ito sa kanya. “Can you give me a chance? I hope I’m not too late.” “Bakit, nadiskubre mo na ba ang sarili mo?” “I love you too, Sweet. Sorry kung matagal bago ko natanto iyon sa sarili ko. Bago lahat sa akin ang nararamdaman ko. Kaya naman nagulat ako nang sabihin mo sa akin na mahal mo ako. Nasanay ako na attraction and s*x lang umiikot ang mundo ko. “Aaminin ko sa iyo, unang beses pa lang kita nakita, alam kong gusto na kita. Pinipigilan ko lang sarili ko dahil ayaw ko ng complication sa trabaho. Pero nang gabing iyon, sa party, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I let my instincts follow you, although aaminin ko na iniisip kong maaaring panandalian lamang ang attraction ko sa iyo. But you proved me wrong. Hindi panandalian ang lahat. The more nakakasama kita, the more na ayaw kitang pakawalan. “Sorry kung ngayon lang talaga ako bumalik. Kailangan kong masiguro na hindi kita masasaktan katulad ng ibang mga naging relasyon ko…” Doon na napaiyak nang tuluyan ang dalaga. At hindi na niya napigilan pa ang sarili na hindi ito yakapin ng mahigpit. “Hindi ako nagtatago, Luke. Alam ko naman na kaya mo akong hanapin. Ang sa akin lang, gusto ko munang lumayo…” “Alam ko, dahil kung hindi, hindi mo ilagagay ang pangalan at address mo sa mushroom chicharon na products mo…” “I love you, Luke. Ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko, at ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Sa iyo lang ako nagkaganito. At triplets ang mga baby natin…” Nanlaki ang mga mata ng binata. At hindi napigil ang sarili na halikan si Lauren. How she missed his kisses. “I love you, Lauren… Panahon na rin siguro na magpakasal na tayo… HUwag na nating patagalin ito… Pumapayag k aba? “I love you too… Oo, payag ako pakasal sa iyo…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD