Umuwi muna ako bago ako pumunta sa malaking bahay. Sa totoo lang kinakabahan ako. "Sige magbait ka sa pakikipagusap sa mga Villa real at magiging pamilya mo na sila. Wag mo na naman bwisitin si seniorito ng mahulog na ang loob sayo nun." Tukso sa akin ni Tatay. " Tatay, talaga malabo po yun mangyari." Sabi ko na lang saka nagpaalam na sa kanya. " Haruu, na manhikan na nga sila malabo pa ba yun. " Sabi na naman ni tatay hindi ko na lang siya pinansin. "Masaya sana kung pareho kami ng nararamdaman. Pero alam ko na ayaw niya sa akin." Bulong ko habang nagmamaneho. Pagdating ko pinarada ko ang tricycle ko sa tabi. Sinalubong ako ni lola Amor. " Oh, iha buti dumating kana. Halika at nakahanda na ang hapunan natin." Sabi ni lola Amor. "Ah, hindi na po lola may pagkain narin po sa bahay.

