Kabadong kabado ako habang nasa daan kami. Baka kasi ibangga ni Primo ang sasakyan. Ang bilis kasi ng pagmamaneho nito. Ayoko pa kayang mamatay no. Hindi pa nga kami kinakasal e. Pagdating namin sinalubong kami ni tatay. "Salamat sa paghahatid." Sabi ko sa kanila tumango lang si Kian si Primo naman hindi umimik. Bumaba na lang ako. "Magandang gabi po seniorito.Salamat sa paghahatid sa anak ko. Seneiorito Primo, Seniorito Kian." Bati ni tatay sa kanila ng bumaba ako. " Magandang gabi naman po mang Kanor. Walang ano man po yun." Sagot ni Kian kay tatay. Nagpaalam na ito kay tatay. Umalis na sila. "Nandiyan pala sila Kian." Sabi ni Tatay. "Opo tay nandiyan po ang mga Elder. Sa linggo na po kasi ang Fiesta dito." Sabi ko kay tatay. Nagpaalam na ako matutulog na. "Naku, matutulog na aga

