Kinahapunan magkakasama kaming pumunta ng bayan napakaraming tao dito sarisaring paninda ang makikita mo. Kaya tuwang tuwa kaming namili. "Sabi ko sa inyo marami tayong mabibili ngayon kasi sabi ni tatay marami daw dayo ngayon dito." Sabi ni Dario. Lumapit kami sa bilihan ng mga Tshirt. Namili kami pagkatapos namin dun sa ibang mga tindahan. Ang dami naming nabili. Tuwang tuwa ang mga kaibigan ko. Madilim na ng matapos kami sa pamimili. Pumasok kami sa isang fast food para kumain. Paglabas namin dito nagderetso kami sa Plasa kung saan gaganapin ang coronation. Nakita ko na medyo marami na ang tao dito. Bumili muna kami ng kutkutin namin bago kami naghanap ng mauupuan. Maya maya dumating na ang mga contestant. "Ang gaganda nila no?" Sabi ni Lisa. "Syempre mga anak mayaman kaya ang mga

