"Haay, ano ka ba naman kasing bata ka hindi mo tinitingnan ang tinatapakan mo." Sabi ni mang Isko. Hindi na lang ako umimik pinagpagan ko na lang ang damit ko saka nagpalam na ako sa kanila. Napailing na lang sila sa akin. Sanay na sila sa amin. 'Ginalit mo na naman si Seniorito Zane. " Sabi nila Dario saka nagtawanan sila. Wala akong imik na itinuloy ang gibagawa ko kanina " Hindi ko naman intension na gawin yun talagang nadulas lang ako. Kahit ano siguro ang gawin ko hindi na magbabago ang tingin niya sa akin. " Bulong ko sa isip ko. ***** Papasok ako sa school ng lapitan ako ng grupo ni Crystal. Napakunot ang no ko. " Siguro natutuwa ka kasi nagkakalabuan kami ni Primo ngayon no?" Sabi ni Crystal sa akin. Napatingin ako sa kanya. " Wala akong pakialam sa problema niyong dalawa."

