"Kumusta kana Iha? Tinatrato kana ba ng maayos ni Primo?" Tanong nito sa akin. "Ayos naman po ang trato sa akin ni Primo lola." Sagot ko kay lola Amor. "Buti naman Iha. Akala ko sinusupladuhan ka naman ng apo ko na yun." Sabi uli ni lola Amor sa akin. Niyaya ako nito pumasok sa loob ng bahay. Sakto naman pababa si Primo ng hagdan. "O ayan pala si Primo siya na ang bahala magasikaso sa iyo. Primo intindihin mo si Zane ikaw na ang bahala magasikaso ng listahan ng taniman tutal ikaw na naman ang hahawak ng Hacienda kaya dapat umpisahan mo nang pagaralan ang mga bagay bagay." Sabi ni lola Amor sa kanya. Napakunot ang noo ni Primo Tumingin siya sa akin. "Ah, hindi na po lola aalis na din naman po ako." Sabi ko kay lola Amor. Mas lalong simumangot si Primo. "Ay hindi Iha, mamaya kana u

