Nagulat ako ng tawagan ako ni tatay. Kinagabihan umiiyak ito sinisii niya ang sarili niya sa nangyari sa akin. "Pano nangyari yun Zane?" Tanong niya sa akin. Kwenento ko sa kanya ang lahat habang naiyak ako. "Bakit hindi mo sinabi sa akin anak? Bakit hinayaan mo na lang siya. Sana kung sinabi mo hindi ako pumayag na iurong natin ang kasal niyo." Sabi niya sa akin. " Alam ko na yun ang gagawin mo kaya hindi ko sinabi sa inyo. Ayoko ng ipilit ang sarili ko sa kanya. Wala siyang pagtingin sa akin kahit konti. Kaya kahit ipilit ko ang sarili ko sa kanya masasaktan lang ako hanggang huli." Sabi ko sa kanya na umiiyak. " Ano ang plano mo ngayon na nagkabunga ang ginawa niya sayo? " Tanong niya sa akin. " Itutuloy ko ito tay. Itutuloy ko din ang pagaaral hangat maliit pa ang tiyan ko.

