" Tanga ba siya? Bakit kung kailan kailangan niyang maghabol sa akin hindi niya ginawa. Noon tuloy sige ang habol niya sa akin. " Inis na bulong ko. Nang maalala ko ang sinabi niya sa akin nung huli naming paguusap. " Oo masaya na ako sa wakas natikman narin kita. Salamat nagenjoy din naman ako. Wag kang magalala hindi na kita guguluhin pa. Sapat na sa akin ang pinagsaluhan natin na buong magdamag hinding hindi ko yun makakalimutan. " Naalala kong sabi niya. " Tinutoo niya talaga ang sinabi niya. Buti naman kung ganun. Siya na ang may gusto niyan hindi ako. Handa ko pa naman sanang panagutan ang nangyari sa amin. Pero kung siya na ang kusang umalis hindi ko na kasalanan yun. Akala niya naman hanapin ko siya. " Bulong ko sa isil ko. Pero naiinis ako sa sarili ko bakit parang hindi ako

