Natapos ang pirmahan ng clerance namin. Inayos ko ang mga kailangan kong pirmahan para sa paglipat ko ng school. Si tatay kasi ang kukuha ayokong mahirapan pa siya. Kinagabihan nagimpake na ako ng mga gamit ko. Nalaman ko na graduation na nila Primo bukas. Nang matapos akong magimpake lumabas ako ng silid ko. Nakita ko si tatay na umiinom ng lambanog sa labas. Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang nakita na uminom siya ng walang okasyon. Huminga ako ng malalim. " Bakit hindi na lang kayo sumama sa akin sa maynila tay. "Tssk, Ikaw talagang bata ka. Ano naman ang gagawin ko dun sa maynila. Ikaw na lang ang pumunta dun. Basta magiingat ka dun ha. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Pag nagkasakit ka uminom ka agad ng gamot. " Sabi ni tatay. Tumulo na ang luha ko saka yumakap sa likod niya. "

