****ZANE POV#*** Kanina ko pa siya pinagmamasdan tulog na tulog siya sa tabi ko. Katatapos lang namin. Hangang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nangyari yun sa amin. Wala akong pagsisi na nagpaangkin ako sa kanya. Ganun na siguro kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. "Mahal na mahal kita Primo. Alam ko na pag nagising ka pagsisihan mo ang lahat. Pero ayos lang hindi kita sinísisi. Ginusto ko rin naman ang lahat. Kaya kahit anong mangyari pag nagising ka tatangapin ko ng buong puso. Sapat na sa akin na kahit isang gabi lang naging akin ka." Bulong ko saka tumulo ang luha ko at yumakap ako sa kanya. Nakatulog ako na nakayakap ako sa kanya. Nagulat ako ng tumayo siya. Kinabahan ako ng makita ang galit sa mukha niya. Halatang natauhan na siya. Talagang wala kang dilikadesa no. Tala

