Nakakailang baso na ako ng dumating ang nga pinsan ko. "Oh, bat nagsosolo ka?" Sabi ni Xian. Hindi ako umimik. "Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala." Sabi naman ni Reeve. Nagsalin din sila ng alak sa baso. "Nagsosolo ka parang akala mo sanay na sanay kang uminom ah." Sabi ni Zuriel. " Mali ka naman talaga sa ginawa mo kay Zane Bro." Sabi ni Reeve tiningnan ko ito ng masama. " Hey, ano ba kasi ang kinagagalit mo kay Zane? " Tanong naman ni Zuriel sa akin. Hindi ako umimik hindi ko nga din alam kung bakit ba naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. Nagsalin ulit ako ng alak sa baso. " Bakit mabait naman si Zane, actually mas gusto ko ang ugali ni Zane kesa kay Crystal." Sabi naman ni Xian. " Sinasabi mo yan kasi pareho kasi kayong pasaway. " Sabi ko sa kanya. " Sa bag

