Princess Symphony Tejana
Nagising akong mabigat ang pakiramdam, halos hindi kasi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kahapon. At ito na naman, kakagising ko lang ay iyon na naman ang naiisip ko, he really occupied my whole being. Wala si Junior sa aking tabi nang magising ako, sanay naman na ako dahil kadalasan ay siya talaga ang naunang magising sa aming dalawa, lumalabas ng kwarto at ibinubuhos ang lahat ng laruan nya mula sa lalagyan. Mula nang natuto syang maglaro ay ganito na ang aming routine. Wala sa sarili akong lumabas ng kwarto at kinukusot kusot ang mga matang tinungo ang daan papunta sa lababo upang maghilamos at magsipilyo. Naririnig rinig ko ang kalairit ni Junior na animo'y kinikiliti, napangiti ako habang nagtu-toothbrush, kaaga naman ni Belle dito. Nang matapos ay nakaramdam ako ng pangangalay ng buong katawan kaya naman humarap ako sa kabilang dako at saka inunat ang aking katawan.
"Ahhhhhhhhh..." napakasarap sa pakiramdam na makaunat mula braso ko na nakataas pa at nakatingkayad ang aking mga paa.
"f**k!" isang pamilyar na boses iyon na syang nagpatigas ng buo kong katawan.
Tangina! Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko ang boses na iyon. Napako ako sa aking kinatatayuan, takot akong lumingon pero gusto ko syang makita. Nang bigla'y para akong nabuhusan ng malamig na tubig, yung anak ko! Bumaling ako sa pinanggalingan ng boses at halos matumba sa panghihina nang makitang nakayapos ang aking anak sa leeg ni Arc habang karga ito ng huli. Awtomatiko ang aking pagkilos at agad ko silang pinuntahan at pilit kong kinukuha si Junior ngunit para itong tukong nakakapit kay Arc.
"Don't force him Tejana!" isang malakulog na tinig mula sa dati kong kaibigan. Lakas loob ko syang tiningnan sa kanyang mga mata at tinangkang tapatan ang pag-aapoy nito. Kitang kita ang matinding poot doon. Sa huli'y hindi ko din kinaya at ako ang unang nagbawi at sinunod sya na hindi pwersahin ang aking anak, ngunit mas nanaig sa akin ang takot sa kanya, at sakit na rin dahil ramdam kong hindi na sya ang dating lalaking minahal ko. Mas ginugupo ako ng isiping kukunin nya si Junior kaya sya naririto, muli kong tinapangan ang aking loob, at nakipaglaban sa paraan ng paninitig nya.
"Anong ginagawa mo dito? At bakit karga mo ang anak ko?", matapang kong tanong habang hindi inaalis ang aking tingin sa kanyang napakagwapong mukha. Tatlong taon ang nakalipas at halos nagtriple din ng kagwapuhan at kakisigan nya ngayon.
"Our!! Son." maikli nyang sagot na idiniin pa ang unang salita, at saka nagtangkang tumalikod na parang tutunguhin ang daan palabas. Nag-panic ako, kukunin nya ang anak ko? agad agad? Hindi pwede!!
"Teka lang Arc!", ngunit hindi pa man ay dalawang lalakeng nakaitim na agad ang humawak sa magkabila kong braso, ubod lakas akong nagpumiglas nang marating ni Arc ang pintuan ng bahay. Ang takot ko ay walang paglagyan, hindi pwedeng mawala sa akin si Junior, ikamamatay ko! Sya na lang ang meron ako, sya na lang ng tanging dahilan kung bakit nagpapatuloy ako sa buhay. Sya na lang ang tanging nakakapagpaalala na minsan minahal ako ng lalaking ito. Agad na namalisbis ang aking luha sa isipin na mawawalay sya sa akin, nang ganun kabilis.
"Hindi mo sya anak! Anak ko sya!! Hindi ikaw ang tatay nya!!", alam kong katangahan ang sinabi ko pero wala na akong ibang choice kundi magbakasakali sa ganong paraan. Iyon ang nakapagpatigil kay Arc upang tuluyang makalabas ng bahay, mabilis nya akong nilingon sa galit pa ring mga mata.
"Hindi mo sya anak Arc, w-wala tayong a-anak. Please... ibalik mo sa akin si Junior.", pakiusap ko sa kanya, hawak pa ring ng dalawang mamang ito ang aking mga braso habang masaganang dumadaloy ang aking mga luha. Nakita ko ang pagliit lalo ng kanyang tikom na mga labi at pagtatagis ng kanyang bagang. Bahagyang nanliit din ang kanyang galit na mga mata bago muling nagsalita.
"Junior what?", umurong ang dila ko sa tanong nyang iyon. Junior ano pa nga ba? kundi Archie Damian Esquivel Jr. Mas kinabahan pa ako nang unti unti nya akong lapitan, ang dagundong ng dibdib ko'y halos umabot na sa aking lalamunan at ang aking mga luha'y animo'y duwag na sundalong biglang umurong sa laban.
"Junior what Tejana?", ulit nya na naghihintay sa aking isasagot. Wala akong maisip, nabablangko ako, masyado syang malapit. Nawawala ako sa huwisyo.
"Such a great liar!" tila patalim iyon na tumarak sa akin. Ngunit mas nananaig ang takot ko na kunin nya ang anak ko. Pilit akong kumawala sa dalawang lalake at nang magtagumpay, I held his arms at mabilis na hinaplos haplos iyon, at patuloy na nakiusap.
"Please Arc, pag usapan natin to. Huwag mong kunin ang anak ko, maawa ka.", muling nalaglag ng aking mga luha. Marahas nyang binawi ang kanyang braso at mabilis na lumabas. Halos mawalan na ako ng ulirat sa kakaiyak at kakasigaw nang muli akong hawakan ng kanyang mga kasama
"Archie Damian!!!!" sigaw ko nang tuluyan silang makalabas ng bahay at tumuloy sa sasakyan.
"Babay Mama.", sigaw pa ni Junior, binitiwan ako ng dalawang lalaki upang sumunod na sa mga ito kaya naman mabilis akong tumakbo din palabas. Nanginginig ang buo kong katawan kaya dapa at tayo ang aking ginawa maabutan lang sila.
"Arc, maawa ka!!" patuloy ako sa pag-iyak at pakikiusap sa kanya, at unti unti nang nawawalan ng pag asa nang makasakay sila sa napakagarang sasakyan. Kita ko ang tuwa sa mga mata ni Junior, ngunit ako'y heto at mamamatay na sa takot na mawala sya sa akin.
Naisara na nila ang kotse nang maabutan ko at marahas ko iyong kinalabog upang buksan nya ngunit tila wala syang nakikita at naririnig.
"Arc!!! Arc!!! Ang anak ko!!! Please?!", patuloy kong pagwawala sa labas ng kanyang sasakyan habang hinahampas iyon, ang mukha ko'y hilam na sa luha. Ilang katok pa'y dahan dahan nang bumukas ang bintana nito at nabuhayan ako ng pag-asa, ngunit ganon na lang ang panghihina ko nang makita sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan katabi ni Arc naroon si Dahlia na ngayon ay karga na si Junior, gulat ma'y nagawa ko pa ring makiusap muli kay Arc na ngayon ay prenteng nakasandal sa passengers seat.
"Arc p-please.." hindi ko na masabi ang mga salita pero pinipilit ko pa rin. At sya, ni hindi manlang nya ako matapunan ng tingin. Ang kanyang mga mata ay diretso lamang at tila ba naiirita pa sa akin. Sobrang laki ng pinagbago nya, hindi na sya yung lalaking ayaw na ayaw akong makikitang umiiyak. Sya na mismo ang dumudurog sa akin ngayon. Ito na nga ba ang kapalit ng pagtakas ko mula sa kanya? Wala na bang lugar ang kapatawaran para sa akin?
"P-please, w-wag s-si J-junior. ", tangi kong nasambit, ni hindi ko alam kung ano bang ibig kong sabihin sa sinabi kong iyon. Narinig ko ang pagak na tawa nya kaya napatitig ako sa kanya.
"Just do what you did before, Tejana.", lito ako sa sinabi nya at sya'y unti unti inalis ang aking mga kamay sa bintana.
"f**k someone, and make another child. I know it's so easy for you.", hindi ako mkapaniwala sa aking narinig at natulala na lamang. Tila naman ginamit nya ang pagkakataong iyon at isinara ang bintana ng sasakyan habang magkadikit ang aming mga paningin sa isa't isa. Tinanaw ko na lamang ang mabilis na pagsibad ng tatlong sasakyan at tila tuod na wala nang nagawa pa. Tanging mga mata ko lang ang patuloy na gumagawa ng trabaho, at iyon ay ang lumuha. Wala kong ibang maramdaman ngayon kundi ng sakit ng dibdib.
"Anak ko...", patuloy ako sa pagluha habang tinatawag ang taong akala ko'y hinding hindi ako iiwan. Sa pagkakataong ito'y ako na lang, ako na lang mag- isa. Wala na ang anak ko, wala na sila na nagbibigay kulay sa mundo ko. Patuloy na nanghina ang aking katawan at tila pati ito'y bibigay dahil sa bigla ko na lamang paghandusay, ngunit buo ang aking kamalayan.
"Besh!!!" rinig kong puno ng pag aalalang tawag ni Belle sa akin kasabay ng kanyang pagsalo sa nanghihina kong bulto.
Muli, awtomatikong umagos ang masagana kong luha nang tila makahanap ng kakampi sa napakatinding hamon ng buhay ko sa makailang pagkakataon. Dati'y si Arc ang kasama ko sa hirap, sa sakit, sa lungkot, sya lang palagi ang nandyan para sa akin. Ngayon, sya na ang wumawasak sa buong pagkatao ko.
"Magiging okay lang si Junior sa kanya besh, wag kang mag-alala.", pag-aalo ni Belle. Napatingala ako sa kanya, maging sa kanya'y hindi ko nabanggit ng tungkol kay Arc. Kaya naman punong puno ako ng pagtataka sa sinabi nyang iyon.
"Besh, obvious na obvious. Parang pinagbiyak na hearthrob, hindi maitatanggi.", nakuha ko ang ibig nyang sabihin. Totoong hindi talaga maitatangging mag-ama sila, kaya naman siguro hindi naniwala si Arc na hindi sya ng ama ni Junior.
Inabot na ako ng gabi sa kaiiyak pero para bang hindi maubos ubos ang luha ko. Sobrang miss na miss ko na ang anak ko, ang katahimikan sa loob ng bahay ang syang papatay sa akin ngayon. Hindi ko na alam kung paano magpapatuloy pa sa buhay. Bakit ba lahat ng mahal ko ay nawawala sa akin, iniiwan ako? Ano ba talagang mali sa akin? Ito na ba talaga ang kapalaran ko? Dapat ko na bang ipaubaya si Junior sa kanyang ama? Ngayon ay pagod na pagod ang aking isip at damdamin. Hanggang kailan ko kaya kakayanin ang sakit na mawalay sa aking anak? Magkikita pa ba kami? Ni hindi ko alam kung saan mag-uumpisang hanapin silang mag-ama.