CHAPTER 15

1532 Words
Laglag ang aking balikat nang lumabas ako ng building ng Gonzalo, buonyg tiwala ko na matatanggap ako sa ina-apply-an ko. Nasa akin na halos lahat ng criteria hinahanap nila at confident naman ako sa mga sagot ko sa tanong ng interviewer, kaya ganon nalang ang dismaya ko nang sabihin nilang tatawagan na lang ako, matic na kasi yon pag ganon. Hindi na ako dapat umasa pa, napabuntong hininga na lamang ako habang nag-aabang ng jeep. Dumukot ako sa aking bulsa at binilang ang natitira ko pang pera, may one hundred twenty na lang ako. Ito nalang talaga ang natitira sa akin, ipapamasahe ko pa ang dose pesos. Wala pa naman nang gatas si Junior, kung bibili ako ng isang pakete saktong sakto lang iyong one twenty. Pangdalawang araw ang isang gabing gatas na iyon, may bigas pa naman ako. May humintong jeep sa aking harapan nang matapos akong magkwenta sa aking isipan kaya naman nagpasya na lamang akong maglakad. Siguro'y aabutin ako ng tatlumpung minuto ng paglalakad, pero ayos lang dahil hindi ko na din alam kung saan pa ako kukuha ng pandagdag sa pera ko pag binawasan ko pa ng pamasahe. Inumpisahan kong ihakbang ang aking mga paa, at nag umpisa na namang umarangkada ang aking isipan. Simula nang iwan ko si Arc, hindi na naging maganda ang buhay ko. Hindi na ako nakaranas ng ginhawa sa buhay, tunay nga bang sya ang swerte ko? Alam kong malaki ang galit nya sa akin ngayon, o naalala nya pa kaya ako? Baka kinasal na sila ni Dahlia, muli na namang kumirot ang puso ko. Madalas ay pinagsisisihan kong ipinangalan ko kay Arc ang anak namin, kasi lagi ko talaga syang naalala, well siguro'y kahit hindi ko isunod sa kanya ang pangalan ni Junior ay lagi ko talaga syang maalala dahil kamukhang kamukha nya ang anak namin. Arc is the most wonderful memory that life has given me, kahit kailan ay hinding hindi ko pagsisisihan na nakilala sya. Napakaswerte ng babaeng makakatuluyan nya, he is the sweetest and kindest creature in the world. Nasa malalim ako ng pag iisip nang biglang rumagasa ang kaba sa dibdib ko nang may isang magarang sasakyan ang halos mahagip na ako, ramdam ko ang hangin na dumaan sa pagitan namin. I was speechless, nakabara na yata sa lalamunan ko ang puso ko, awtomatikong napatabi ako dahil sa lakas ng pagbusina nuon. Hindi ko namalayan, sino ba ang mali? Ako ba? Sa unahan ko'y huminto ang sobrang garang sasakyan, grabe ang kintab noon ay halos nakakasilaw na. Nanginginig ang mga tuhod na napaupo ako sa kalsada, may ibang napapatingin sa posisyon kong iyon. I saw a huge man na bumaba ng driver's seat, hindi ko alam kung dahil pa ba sa insidente pero parang sobra sobra naman yata ang pagkalabog ng puso ko. I tried to get up ngunit halos mabuwal pa ako dahil sa panginginig ng aking katawan, but I managed to stand as straight as I can. The guy has a broad shoulder na lalo pang pinatikas ng suot nyang itim na three piece suit, unang tingin pa lamang ay alam mo nang napakayaman. At ang awra nya, nakakatakot, para syang isang makapangyarihang hari na luluhuran ng kahit na sinong kaharap. Bawat galaw niya ay tila slow motion sa paningin ko, o talagang napukaw nya lamang ang atensyon ko? Napataas ang mga balikat ko nang ibalibag nya nang malakas ang pinto ng kotse, galit yata. Ako nga yata ang may kasalanan, pero teka lang why does his aura seems so familiar? Hinintay ko syang makalapit sa akin at habang ginagawa nya iyon ay halos hindi ako makahinga, s**t! Hinding hindi ko makakalimutan ang hugis ng mukhang iyon, ang hubog ng katawam at ang amoy nya na kumakalat na sa paligid kahit na hindi pa sya nakakalapit sakin. Hindi ako makapaniwala, kaya hinintay ko padin ang paglapit nya upang makasigurado. And from there my jaw dropped as my heart rate increased three times. Archie Damian Esquivel?! Pinagpapawisan na ako ng malamig at nag-uumpisa nang sumama ang aking pakiramdam, tila naiis-stress na kaloob looban ko. Ngatal ang aking mga labi na pinipilit bigkasin ang kanyang pangalan nang magharap na kami. "A-A-Arc?", tangina literal na nanginig ang mga labi ko. He stared at me, hindi nya ba ako nakikilala? three years lang naman ang nakakalipas, imposibleng hindi nya agad ako mamukhaan. He remains staring at me na tila sinusuri ako, at parang tuluyan na akong babagsak nang marinig kong muli ang boses nya. "Do I know you?", matigas na tinig nya na parang humambalos sa pagmumukha ko, kita kong sinusuri nya ang aking kabuuan. "Oh, Tejana." napanganga ako sa tinuran nya, Tejana? iyon lang? obviously, galit nga siya sa akin. At sa asal nya ngayon mukhang hindi lang galit, baka nga kinamumuhian nya ako. Napatungo ako nang hagurin nyang muli ang kabuuan ko. "What happened to you? you look so old and dry.", awtomatikong napaangat ang tingin ko sa kanya na nakaawang ang mga labi. A-ano daw? Dumukot sya sa loob ng kanyang suit pero wala na ako sa tamang pagiisip upang usisain kung ano iyon. Maya maya'y may isinuksok sya sa kamay ko, at nang tingnan ko iyon ay ilang libuhin. My body trembles more, napatingin ako sa kanya ngunit agad ko ring pinagsisihan dahil halos hindi makayanan ng pagkatao ko ang sidhi ng galit na nakikita ko sa kanyang mukha. "I can't leave knowing that I hit someone." matigas nyang wika. Hindi ako makahuma, bilang na bilang ang aking paghinga. Tumalikod sya at nagtangkang aalis na pero hindi ko alam kung bakit hinawakan kong bigla ang kanyang suit, napako doon ang kanyang paningin. "A-Arc..."ngatal ang aking mga labi. "I-I m-miss you", I just let it out of my lips, dahil iyon ang totoo. Seeing him now makes me wanna hug him tight, I wanna feel his comfort, his arms is my safe place. Pero natigagal ako nang padabog nyang iwasiwas ang kanyang coat na syang dahilan ng pagbitaw ko doon. He chuckled. "I didn't, I don't, I will never, Tejana." sakto lang para marinig ko ang tinig na iyon pero ang diin niyon ay tumagos sa kaibuturan ng puso ko. Kusang rumagasa ang aking luha nang talikuran nya ako at pasibadin ang magara nyang sasakyan at sa isang kisap mata'y nawala sya sa aking paningin. My sight was blurred, halos hindi ko na makita ang nasa paligid dahil sa pagbaling ng masagana kong luha. Hindi ko sya masisisi, kasalanan ko, napaka-kapal ng mukha kong sabihin na namimiss ko sya gayong iniwan ko sya ng walang paalam. Pero totoo, nang makita ko sya I want to feel the warmth of his body. Siguradong sigurado ako na sa isang yakap nya lang ay mawawala ang lahat ng hirap na nararamdaman ko. He is man of his words, hindi nya talaga hinanap manlang ang anak namin o kilalanin man gaya ng pinagdiinan ko sa kanya noon. Or alam ba niyang may anak kami? Matagal akong nanatili sa aking kinasasadlakan, ang ilang libong inabot nya sakin ay pinakatitigan ko. Noon pa man, tila wala lang sa kanya ang mamigay ng malaking pera. At muli sinulyapan ko ang daan na tinahak nya, he is so different sa Arc na bestfriend ko. Sa gara ng kanyang sasakyan at ganda ng kanyang suot ay mapagakakamalan syang isa sa pinakamayaman sa bansa. But my Arc is just a simple man na nagtatrabaho sa isang restaurant, o ikinasal na ba sila ni Dahlia kaya naging ganito na rin kayaman ang aking kaibigan? I hardly closed my eyes, nahihirapan akong mag isip, kailangan ko nang umuwi dahil hinhintay na ako ng anak ko. Hindi ko magawang buong lakas na maglakad, halos inabot yata ako ng isang oras para makauwi at nasa malayo pa lang ay kita ko nag nakaabang sa akin si Belle habang binabantayan si Junior na pabalik balik at masayang naglalakad sa gilid ng kalsada. Napangiti ako sa aking nakikita, 'anak, nagkita kami ng papa mo, ang lalaking lubos kong minahal at minamahal hanggang ngayon' usal ko sa aking isipan. Nang makita ako ni Junior ay mabilis itong nagtatatakbo palapit sa akin kaya naupo ako at inilahad ang dalawa kong kamay, "Mama!!!" hiyaw nya, pumatak ang masaganang luha sa aking mga mata nang marating nya ako at yakapin nang mahigpit. 'Anak ko, kahit kailan papa mo talaga ang tagapagligtas ko'. Naisip ko ang pera inabot sa akin ni Arc, kahit para sa disgrasya ang perang iyon ay dumating pa rin sya sa tamang pagkakataon dahil talagang hindi ko na maisip kung saan pa kukuha ng pambili ng gatas ni Junior sa mga susunod na araw. I hugged my son so tight, at doon ibinuhos ang yakap na gusto kong ibigay sa ama nya. Pilit na kumawala si Junior sa aking mga bisif at saka nagsalita. "Ubong Mama!", hiyaw nito sa mukha ko at nagtatalon pa. Napatingala ako kay Belle nang lumapit ito. "Grabe best! Hindi ka lang natanggap umiyak ka na? Kailan ka pa naging weak?", siraulong saad nito kaya nginusuan ko lamang. "Tara baby, bili tayo ubong ni Mama.", yaya ko kay Junior at iginiya sya sa tindahan. Gagamitin ko ang perang binigay ni Arc, hindi ako magpapakamataas dahil para sa anak nya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD