CHAPTER 14

1518 Words
Archie Damian Esquivel "Aaayy anu ba yan Arc!!", dinig kong sigaw ng may ari ng apartment nang ibato ko lahat ng aking madampot. "Bro, stop it, walang maitutulong ang pagwawala mo." Edward calmly said while sitting on the sofa. "f**k!! f**k!!! f**k!!!", I was so furious. I can't believe na magagawa ni Pris ito, we are so good kanina lang, I even called her at wala manlang akong naramdamang hindi maganda nang mga oras na iyon. "Manang, hindi man lang ba nagpaalam sayo si Princess Symphony?", Edward asked our landlady. "Hindi, hindi ko rin namalayan ang pag alis nya.", natigagal sila nang itaob ko ang mesang kainan at lahat ng laman niyon ay nagkandabasag. "Ay! Arc, yung mga gamit ko nam--" reklamo nya na hindi naituloy dahil halos lamunin ko sya ng buhay. "Kaya kong bilhin yang kinatatayuan mo! Kahit ikaw!! Umalis ka sa harapan ko!!!", I shouted at her. She was frightened kaya mabilis ding umalis. "Oh no!", said Edward. Sapo ko ang aking ulo, at hindi alam kung saan maguumpisang mag-isip. "What's her problem!!!", tagis ang aking bagang, hindi ko makontrol ang aking galit. I'm slowly getting back to being monster again. Suddenly, napatingin ako sa basurahan malapit sa ref, nakuha nuon ang atensyon ko. My heart pounded nang unti unti kong maaninagan ang nasa pinakaibabaw noon, I picked it up. Lalong dumaloy ang matinding galit sa aking ugat nang makitang pregnancy test kit iyon, and it was positive. Nakakita ako ng dalawa pa at dinampot muli, positive lahat. "Calm down Archie.", alo sa akin ni Edward nang usisain iyon. Ibinato ko ang mga iyon nang ubod lakas at kuyom ang mga palad na inilabas ang nagsusumidhing galit sa dibdib ko. "f**k you Pris!!!!!!! I'm gonna get you!!! Babawiin ko ang anak ko!!!" I fumingly shouted. Habol ko ang aking hininga dahil sa sobrang poot na nararamdaman ko. How can she do this? Minahal ko sya nang buong puso ko, sabihin na nating hindi nya alam na mahal na mahal ko siya, but I loved her as my bestfriend! She just really used me. "Pagsisisihan mo to Princess Symphony Tejana! You'll soon meet the monster Archie Damian Esquivel!!" masama kong tiningnan ang pader na animo'y iyon ang aking kausap. "Bro, wait don't forget that you love her. Control yourself buddy.", tila takot na paalala ni Edward. I chuckled. "No one messes with me Edward, she chose to play with me. Then, let her suffer the consequences. She's afraid of being alone, yet she left me." "Now, let her face her fear." desidido ako. Hindi ko matanggap ang panlolokong ginawa nya sa akin. She planned this, imposibleng hindi, nagawa nya pang makipaglambingan sa akin, iyon pala'y may binabalak na syang iwan ako. "How dare you woman!", huling singhal ko sa hangin. Kumilos ako at tinungo ang daan palabas ng apartment. "Let's go Edward. My empire is waiting for me." matigas kong turan. "No, bro.", kontra ni Edward. They hate it, they hate the real me, the old me. Nung hindi ko pa nasisilayan si Pris. I was ruthless, fearless, entitled, powerful, lahat ng katangian na dapat dala ng isang mahusay na businessman ay taglay ko. Dahil sa larangan ng negosyo, hindi uso ang puso, firing an employee, bringing down others businesses, torturing people who contradict my opinions, lahat yan sisiw lang sa akin. I never give a second chance, never! And now that Princess Symphony Tejana, made a fool out of me? I'm sorry for her, but she doesn't deserve a chance either. I wouldn't chase her, babawiin ko lang ang dugo't laman ko, at walang ititirang kahit katiting na karapatan sa kanya. I was once hers, but she chose to runaway, she don't deserve an Esquivel. She don't deserve our child. I am driving with thoughts on my mind, hindi ko na namalayan na nasa mansion na ako. Kita ko ang gulat sa kanilang lahat. "I'm back!!" saad ko saka umakyat sa napakalawak na hagdan sa gitna ng buong kabahayan. "Run Pris, tumakbo ka, lumayo ka hanggang gusto mo, dahil pag nahuli kita, pagsisisihan mong nakilala mo ako." I uttered habang isa isang inaalis ang aking suot. I went to the bathroom at inilublob ang aking sarili sa bathtub. Inabot ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan ulit ang numero nya pero katulad kanina'y, cannot be reached ito. Ano pa nga bang aasahan ko? I'm so angry right now, at ipinagdadasal kong hindi muna makita ng mga tauhan ko si Pris, dahil hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa kanya ngayong nilalamon pa ako ng matinding galit. "I just loved you Pris, iyon lang ang kasalanang nagawa ko para parusahan mo ako ng ganito.", at ngayon ay naramdaman ko na ang sakit. "Wala akong ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ka sa nakaraang limang taong ng buhay ko. Bakit ito ang naging kapalit ng pagmamahal ko sa'yo? Bakit kailangang saktan mo ako ng ganito?" then a drop of tears rolled down my cheeks, hanggang sa nagsunud sunod na. This is the first time that I cried over a girl, this is actually the first time I cried. And I am making sure that this will be the last. Sinayang mo Pris, sinayang mo lahat ng nararamdaman ko para sayo. "Now, taste the bitterness of the things that I can do Tejana. Taste the bitterness of my revenge, no one can save you. Not until I stop the curse on your life, and it will start now!" my jaw clenched as the pain turned into anger again. ***** "I already declined that proposal Bella", asik ko sa aking sekretarya. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata at nag aalangan magsalita. "Talk!!!", singhal ko sa kanya. "Ah, S-Sir. They're asking for a second chance, nirevise daw p-" "Bobo! You know very well that I don't give second chance!!!", ibinato ko sa harapan nya ang mga papeles na pinapipirmahan nya. "Get out!! You're fired!" I shouted. "S-Sir.." hindi niya naituloy ang sasabihin nang tingnan ko sya nang napakasama. Nagmamadali nyang tinungo at pinto at lumabas. "Tangina! Ang tatanga!", hinilot ko ang aking sintido dahil sa bwisit sa mga taong nakapaligid sa akin. I take a glance sa aking telepono nang mag-ring ito, ang private investigator ko ang tumatawag. I answyit at walang ganang nakinoh sa sasabihin nya. "Mr. Esquivel, Ms. Tejana is now on her way to Gonzalo Building here in Carmona. She was scheduled for an interview.", "You know what to do.", pakamot kamot ako sa aking kilay. "Pero Sir." "What?", iritado kong tanong. Ano na naman ang problema nito? "Tambak na po kasi ang utang nila sa isang tindahan malapit sa kani--" "Asshole! Wala akong pakialam sa utang niya! Kahit malubog sya sa utang I don't care! Just make sure na yung binayaran nyong tao ay magagawa ang trabaho nya! My son shouldn't be starved!!" pinatay ko ang tawag sa sobrang inis, bakit ba napapaligiran ako ng mga bobo?! Alam na alam naman nila ang mga ayaw ko pero ginagawa pa din. It was three years ago nang umalis si Pris, but I found her after a week. Hindi ko maintindihan kung interes ba talaga niyang magtagondahil napakalapit lang ng pinuntahan nya. Hindi ko kinuha agad ang anak ko,I let her struggle sa pag aalaga dito, she wants it anyway. Nanganak sya sa isang public hospital but I made sure na may isang bihasang doctor na nakaalalay habang inilalabas nya ang aking anak. On and off sya sa trabaho dahil madalas ay wala syang mapag-iwanan sa sanggol. I do not meddle sa mga ganong bagay, problema na nya iyon. Nakikialam lamang ako kapag napag-aalaman kong wala nang formula milk ang anak ko. "It's about time Tejana. Having my son for three years is enough for you, it's time to get what's mine.", I whispered and grinned. Makakasama ko na ang anak ko, ang nag iisang tagapagmana ng mga Esquivel. I dialled Edwards number at buti naman ay mabilis itong sumagot. "Do your thing!", iyon lang at tinapos ko kaagad ang tawag. I hate talking a lot at magpaliwanag nang matagal, ayokong makipag usap sa mahina ang utak. I pulled up my email account at binuksan ang mensahe na galing sa aking imbestigador. There's a lot of photos of the two of them, araw araw ay nagpapadala ito ng litrato ng mag-ina. "Still, beautiful huh? Kahit hirap na hirap ka na sa buhay, you still manage to be that pretty. You're face is full of light Tejana, panahon na para padilimin yan. Like how you darken my life, it's payback time. Let's see what you can do for my son, it's you against my money." nakangisi kong ini-iscroll ang bawat larawan. Napapangiti ako sa tuwing makikita ang mukha ng aking anak, his face is an exact Archie Damian Esquivel. Tanga lang ang hindi makakaalam na anak ko ito. Sumandal ako sa aking swivel chair at hinimas himas ang baba habang nakangiti, ano ang uunahin kong gawin sa babaeng yon? Ofcourse ng kunin ng anak ko, I'm sure she'll die from loneliness, it's her weakness. The nerve! ayaw maiwan mag-isa, pero nang-iiwan. Tsk, worthless b***h!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD