Archie Damian Esquivel
"Dude, you don't know what you've done to her. She is the mother Dame!", Edward seems to be disappointed sa ginawa kong biglaang pagkuha kay Junior, but the hell I care.
"Her son is all she have Dame, alam mo yun. How could you do that?", he added. Pagod akong nakasandal sa aking swivel chair at tamad na tamad syang pinapakinggan ang walang katapusan nyang litanya.
"And now she has nothing. Just what she deserve. Simple Ed. ", walang gana kong tugon. Walang katumbas ang nakita kong paghihirap ni Princess Symphony.
"Who knows? in a day or two, she's in mental facility. ", ani ko sabay tawa. Halos mapanganga ang kaibigan ko sa narinig, nagsalubong pa ang mga kilay nito.
"Seriously Dame?",
"What is it with you Ed?! You know how our story has gone. Why act like I am the villain here?", inis kong sita sa kanya. I stood up at tinungo ang bar saka nagsalin ng alak sa aking kopita at nanatili roon.
"Oh c'mon Dame. Yes you're right, I know your story, and I know that you love Pris." mabilis akong napatingin sa kanya sa tinuran nyang iyon.
"Loved! It's in the past! And stop saying her name as if you know her very well, fucker!!", singhal ko sa kanya. It irritates me when he act like he knows everything about us. He laughed without any reason.
"Ha! Go on Mr. Esquivel, do what you want.", biglang sabi nya na hindi ko maintindihan pero parang sarcastic. But I don't give a damn, wala akong panahon para sa mga bagay na may koneksyon sa babaeng yon. Kulang pa ang sakit na nararanasan nya ngayon, sa ginawa nya sa akin.
"And what's next?", he asked in a lazy manner.
Kibit balikat lamang ako, na animo'y maganda ang naiisip na gagawin.
"Starve her. Let her regret her gift of life.", I insensitively answered.
"That's it.", aniya at padabog na tumayo. Napangiti ako sa nakikitang inis sa mukha ng aking kaibigan. What's wrong with that? Matagal naman na nyang alam kung gaano kasidhi ang galit ko kay Tejana. Now he's acting like this.
"Go, Ed. I don't need coward in my premises. Tss., lady hearted!", singhal ko pa sa kanya. Hindi pa man nakakahakbang ay muli syang bumaling sa akin.
"I just wish, you won't regret all of this Dame. You once took care of your precious Princess. Baka kapag may ibang mag-alaga sa kanya, mag-iba ang simoy ng hangin.", at muli akong tinalikuran.
"As if!", seryoso kong saad.
"So, that means you won't care. Even if it's me?", I look straight in his eyes at tinatantya ang kaseryosohan nuon.
"I didn't know you're a scavenger Ed.", nakangisi kong turan sa kanya, wala akong pakialam sa gusto nyang gawin.
"Okay then. Call me whatever you want. Basta walang sisihan ah. Bye monster" nakangising saad pa nito bago tuluyang tumalikod at tunguhin ang daan palabas sa aking library.
"Bye, mother fucker!",
I dialled one of my investigators number, unang ring pa lamang ay sumagot na ito.
"Master, hindi pa po sya lumalabas ng bahay simula kahapon.", napataas ang sulok ng aking labi nang marinig iyon. Yes Tejana, mamatay ka sa lungkot ng pag iisa. Taste the bitterness of your own medicine.
"Leave her place. We're done here. I don't want any information. Talk to my secretary for your final payment." pagtatapos ko sa aming usapan. Wala na akong kailangang malaman pa tungkol sa babaeng yon. Nakuha ko na ang aking anak, wala na akong pakialam sa kanya. Pinagalaw ko ang aking salapi, all of the business ventures around her place ay hindi sya tatanggapin sa trabaho. And the last update on her was she's unable to pay her monthly dues at maaring sa kalsada na tumira. I go back to my chair at ipinahinga ang aking likod doon habang paunti unti pa ring sumisimsim ng mapait na alak. I looked up and around. Lahat ng mayroon ako hanggang sa pinakahuling kusing ay mapupunta sa anak ko, hindi na nya mararanasan ang hirap na ipinaranas sa kanya ng nagmamagaling nyang ina.
"Ngayon alam mo na, isang napakalaking pagkakamali ang iwan ako Tejana. Kung hindi ka lang sana naging makasrili, sana'y buhay reyna ka ngayon at may masaya tayong pamilya." usal ko sa hangin. Muling nagbalik sa akin ang pait ng kawalang hiyaang ginawa nya. Muli'y unti unting sumagitsit ang galit sa bawat himaymay ng aking laman at ugat.
"Stupida!!!!", buong lakas kong sigaw at ibinalibag sa sahig ang hawak kong high ball glass.
"Hindi mo manlang binigyan ng pagkakataon, ang tayong dalawa. Napakamakasarili mo!! Hindi mo manlang inisip ang nararamdaman ko! Ginawa mo akong laruan, ginawa mong laruan ang isang Archie Damian Esquivel!!", sa tuwing maalala ko ang ginawa nya'y nagngingitngit ako sa galit na parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Ngayon, maghirap ka!! Maghirap kang mag-isa because you deserve it!!! Walang magmamahal sayo dahil makasarili kang babae!!", buong galit kong litanya sa kawalan.
Ring ng aking cellphone ang pumukaw sa aking atensyon. Kinuha ko iyon mula sa mesa upang tingnan kung sino ang caller. It's Heidi, ang mayordoma namin sa mansyon. Agad ko itong sinagot dahil alam kong importante iyon sapagkat hindi sya tatawag sa walang kwentang bagay lamang.
"Archie, si Junior iyak ng iyak. Hinanap ang ina nya.", mahabang pang iimporma nya. Heidi is the only one who can bare our attitudes, she's been with us for almost thirty years. She is not the typical maid or butler herself, she is a bachelor, a well educated and well mannered woman. A perfectionist, mas pinili nyang magsilbi sa amin kaysa ipratictice ng kanyang karera. And for what reason?, I don't know and I don't even care.
"Calm him down. Titigil din yan pag napagod. Never in his life that he will see her mother again Heidi.", madiin kong saad sa matanda.
"Okay.", mabilis nyang sagot. And I also forgot to mention, she's as cold as Esquivels. Kaya marahil sya nakatagal ay dahil magkakapareho kami ng ugali. Tinapos ko ang tawag na iyon at nagpasyang magtrabaho na. Maraming mga bagay ang kailangan kong ayusin, habang tumatagal ay lumalawak at dumadami na ang nasasakop ng aming negosyo hindi lang sa bansa kundi sa labas nito. Mula nang iwan ako ni Tejana ay iniwan ko na din ang aking katangahan at umalis na sa mundo nya. I focused on my empire, binalikan ko ang lahat ng mga bagay na tinalikuran ko nang makilala ko sya. Even being a monster, again. I remember how happy my parents were the moment I step in what they call 'home'. But I know how frustrated they were at the same time, dahil nagbalik ang ugaling ayaw na nila muling makita pa. At lahat ng iyon ay dahil lamang kay Tejana, kaya naman lubos kong ikinatutuwa ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. I loved her, I let her feel it, I took care of her, but she chose to leave. As a friend and as a secret lover I know hindi ako nagkulang. And now is the time na harapin nya ang kapalit ng ginawa nya sa akin, let's see how can she handle loneliness this time. It's time for her to face her fear.
"Tsk.", napailing ako sa aking naisip. Hindi sya takot mag-isa, that is just a bullshit excuse! Kalokohan! Kagaguhan! f**k you Tejana!! Ngayong nasa akin na ang anak ko, wala na akong pakialam sayo! Suffer! Live lifelessly!!
Sa kagustuhang hindi tuluyang masira ang araw ko dahil sa babaeng iyon ay isinubsob ko ang aking sarili sa trabaho, inubos ko ang maghapon and it's nice to know kung gaano ako mas productive ngayon. Sa loob lamang ng maghapon ay nareview at nasintensyahan ko ang apat na business proposals. This is not the usual me, kadalasa'y isa o dalawang business proposals lang ang nagagawa ko. Well, may maganda din palang naidudulot sa akin ang nangyayari. I continue working hanggang sa isang tawag muli kay Heidi ang bumulabog sa akin.
'What now?", bagot kong sagot. Ngayon ay pinipirmahan ko na ang mga papeles na kinakailangang pirmahan.
"He's crying again Archie. Mas matagal ngayon, and I am afraid na halos pinangangapusan na sya ng hininga sa walang tigil na kakaiyak.", ganon man ng balita nya'y nananatiling kalmado pa rin ang kanyang tinig. Binitwan ko ang aking ginagawa at napahilot sa aking sintido. Mukhang nakuha yata ng unico hijo ko ang tigas ng ulo ng nanay nya.
"A'right. I'm coming home. I'll be there in fifteen minutes.", iyon lang at ibinaba ko na ang tawag. Hindi na ako nag-abalang ayusin pa ang mga nagkalat na papeles. Mabilis kong kinuha ang aking brief case at nilisan ang aking opisina. Naging mabilis ang aking byahe, dahil narin may kaunti itong pagmamadali. Agad na bumukas ang napakalaking pinto ng mansion at bumungad sa akin ang walang tigil na pag-iyak ng aking anak. Nasa living room ito karga ni Heidi.
"f**k!", nataranta ako sa lakas at walang gatol na pag-iyak nito. Sinalubong ako ni Heidi at mabilis na pinasa sa akin ang bata.
"Hey little boy, stop crying. Daddy's here.", aniko habang patuloy pa din ito sa pag-iyak.
"What does my baby want?", I asked habang niyuyugyog sya nang marahan sa aking mga bisig.
"Mama! Mama!" ungot nya habang pahikbi hikbi. Unti unti nang nababawasan ang pag-iyak at may kaunti nalang pagsigok. Nag-iba ang mood ko sa aking narinig.
"Well, I'm sorry little boy. You only have Daddy from now on.", pagkausap ko sa knya. Hinawakan nya ang aking panga at hinaplos haplos iyon.
"Ouchy, ouchy, Dad dy.", natatawa nang anito habang hinahaplos iyon, it's my stubbles. Tila may humaplos sa puso ko nang tawagin ako nitong Daddy. I hugged him and carry him to his room..
"There will be only two of us JR, only us.", I uttered at kinintalan sya ng halik sa buhok habang umaakyat kami ng hagdan.