Princess Symphony Tejana
Pangatlong araw na ngayon na wala sa tabi ko si JR. Kung paano ako iniwan ng mga ito ay ganon pa rin ako ngayon, pangatlong araw ko nang hindi kumakain or naliligo, para akong patay na humihinga.
"Besh! Ano na?", rinig kong bulyaw sa akin ni Belle
Ramdam ko ang pagtabi nya sa akin sa upuang malapit sa bintana. Mula noon ay narito lang ako, nagbabaka sakaling maawa sa akin si Arc at ibalik ang anak ko.
"Besh, dinalhan kita ng pagkain.", untag nya, pero wala akong gana sa kahit na ano, maging ang linguinin nga sya ay kinatatamaran ko..
Nakita ko ang pagkamuhi sa mga mata ni Arc, he's not my Archie Damian anymore, pero naging akin ba talaga sya? Hanggang sa mga panahong ito ay kasama pa din nya si Dahlia, mukhang nahanap na nya ang babaeng makakasama habang buhay. Good for him. Pero bakit nya pa kinuha sa akin ang anak namin? Si JR na lang ang meron ako, bakit pinagdamot nya pa? Mukha namang mayroon na syang maganda at maginhawang buhay. Mukhang napakayaman na nya, bakit pinag-aksyahan nya pa ako ng panahong pasakitan nang ganito. Muli na namang rumagasa ang aking walang katapusang luha.
"Besh.", pag-aalo sa akin ni Belle.
"Alam kong sobrang sakit sayo na mawalay kay JR, sakin din naman. Kasama mo ako since day one, mula nang isilang mo sya.", malungkot nyang saad.
"Pero kung iisipin, hindi ba magandang pagkakataon ang pagdating ng tatay nya?", agad akong napalingon sa sinabi nyang iyon.
"Don't get me wrong, besh. Imagine, zero balance na talaga ang wallet mo. Tapos desidido na si Aling Siony na paalisin kayo dito dahil hindi ka makabyad ng rent and bills.", walang gatol nyang pagsiwalat ng katotohanan.
"Paano kung mangyari yun nang kasama mo si JR? Saan kayo matutulog? Saan ka kukuha ng mga pangangailangan nya?", tila sampal iyon para sa akin.
"Sa gara ng mga sasakyan ng Daddy ni JR, mukhang maganda ang katayuan nya sa buhay. Hindi ba mas makakasigurado ka na hindi magugutom ang anak nyo? Hindi ba dapat mas makampante ka na may maayos na matutulugan ang anak nyo?", patuloy na paliwanag nya. Napaisip ako sa mga sinabi nya, talaga ba? Siguro nga sa aspetong pinansyal ay mukhang malaki na ang kakayahan ni Arc. Pero, sa tigas ng pusong nakita ko sa kanya, makakasigurado ba akong hindi nya sasaktan ang anak namin. Magiging makatarungan ba sya na walang kinalaman ang bata sa kasalanan ko sa kanya? I closed my eyes at inalala ang pagiging mabuti sa akin ni Arc. He was soft and sweet, he was my protector and my shield. And it's all a 'was'. Wala na ang Arc na iyon, tila ito nilamon na ng pagkamuhi nang bigla ko na lamang abandonahin sa gitna ng masaya naming pagsasama. Nalasahan ko ang pait ng mga alaala at bahagyang napangiwi.
"Alam mo besh, payong matalik na kaibigan lang ah. What if imbes na magmukmok ka dyan, habang wala si JR, bakit hindi mo gamitin itong pagkakataon na maghanap ng trabho. Habang mag isa ka, tapos magsimula ka ulit. Then pag may stable na kita ka na, tsaka mo sya bawiin. At least habang nasa proseso ka, maginhawa pa din ang anak mo.", matapang nyang saad sa pagmumukha ko. Sa isang iglap ay tila may kung anong nagpabalik s aking huwisyo, sa kalagayan ng tunay na buhay. Yeah, dahil mula nang mawalay sa akin ang anak ko ay parang nawala ako sa mundo.
"Please, Pris. Kahit abutin ka pa ng ilang araw kakamukmok dyan, walang mangyayari at mas lalaki pa ang problema mo. Ayusin mo ang sarili mo, take this as an opportunity. Malakas ang paniniwala ko na aalagaan nya nang mabuti ang anak nyo. Kaya kumilos ka, baka lalo pang isipin ng lalaking yun na talagang wala kang kakayahan na buhayin si JR.", ang mga salitang iyon ni Belle ay tila leksyon sa eskwelahan na pumapasok nang husto sa utak ko. Unti unti, naiisip kong malaki ang katotohanan sa sinabi nyang iyon. May punto, tama sya.
"Maraming salamat Belle.", maluha luha ako habang hawak ang kanyang kamay. Paano na lang kung wala sya? Hanggang kailan ko pahihirapan ang sarili ko, nagpapasalamat ako dahil narito sya ngayon. Pumuwesto agad ako sa lamesa at dumulog sa kanyang hinain, wala pa rin akong gana ngunit kailangan kong pilitin, gagawin ko ang lahat para mabawi ang anak ko. Ipapakita ko kay Arc na kahit hindi ako kasing yaman nya, ay karapat dapat akong maging Ina ni JR. Matapos kong maubos ang laman ng aking plato ay nagpasya akong maligo at mag-ayos ng aking sarili.
"Buti naman at marunong kang makinig besh, beri gud ka sakin." ani Belle at inabot sakin ang isang pakete ng maliit na kojic soap at maliit na bote ng lotion. Napangiti ako, ngiti ng pasasalamat.
"Maliit na bagay, magtanggal ka ng libag don. Patawarin, tatlong araw kang walang hugas hugas ng kipay, pucha ka. Baka amoy bagoong na yan.", biro nya na ikinatawa ko din. Nagbabad ako sa tubig, siniguro kong malinis na malinis ang aking katawan at mabango.
"Oh! Pak na pak ka na naman besh!", siraulong palakpal pa ni Belle. Hindi sya umalis ng bahay at napansin kong nailigpit na din nya ang ibang kalat na naiwan nang ilang araw.
"Tulungan na kita.", boluntaryo ko.
"Ay aba, natural kalat nyo to eh", singhal pa nya sa akin na syang ikinatawa ko. Itinabi ko ang mga nagkalat na laruan ni JR, nalulungkot man ay pinaglabanan ko ang damdamin. Kailangan kong magoakatatag, hindi pa ito ang katapusan. Babawiin ko pa ang anak ko.
Kumuha si Belle ng mga kahon sa iba't ibang tindahan upang may paglagyan ng aming mga gamit. Paghahanda ito dahil alam kong bukas o sa makalawa ay papalayasin na ako ni Aling Siony. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero mabuti na ang handa. Naging abala ang buong umaga namin, wala namang pasok sa trabaho si Belle ngayon kaya tinulungan na lang nya ako.
"Ay p***y!", sigaw ni Belle nang biglang mag-ring ang cellphone ko, agad na dumoble ang kaba ko at naisip si Arc. Baka sya na yan, baka isasauli na si JR. Unknown ang number ngunit walang pagdadalawang isip ko pa din iyong sinagot.
"Hello?", mahina kong untag.
"Good morning! May I speak with Ms. Princess Symphony Tejana?", boses ng isang babae. Napatingin ako kay Belle na ngayon ay nasa tabi ko na at handa nang makiusyoso.
"Speaking, sino po sila?",
"This is Mae. Recruitment manager of Zandevough Group of Companies.", muli akong napatingin kay Belle. at napakunot ng noo. Ano daw? Ngunit hinayaan ko na lamang.
"Ms. Tejana, I just want to remind that you have a scheduled final interview today, two o'clock in the afternoon at Zandevough Building here in Makati. Are you available to attend?", napatakip ako ng bibig. Tila natabunan ng saya at pag-asa ang halos gumuho ko nang mundo.
"Yes, yes ma'am. I will be there.", masaya kong tugon.
"Alright then. Just bring a valid id and your other credentials. Look for me Ms. Mae of HR department. Have a good day, and see you later.", iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.
Agad kaming nag-apir ni Belle at nagtatatalon.
"Oh my Goodness!! Ang bilis naman ni Papa God!", tila hindi makapaniwalang saad ni Belle.
"Thank you Lord.", usal ko.
"Galingan mo mamaya. Final Interview na yon, meaning dun nakasalalay ng pagkakatanggap mo besh! I'm rooting for you!", tuwang tuwa nyang sabi. Walang hanggan ang aking kaligayan, pero bigla'y napaisip ako, Zandevough Group of Companies?, saan ba yon? kailan ba ako nag-apply don? Sa dami kasi ng in-apply-an ko ay hindi ko na maisa isa ang pangalan. Pero hindi bale, ang mahalaga ay matanggap ako. Halos pigil ang bawat paghinga ko sa bawat minutong lumilipas, nagppratice pa ako kung paano ipakilala ang aking sarili sa Ingles.
"Ano bang magandang sagot besh pag tinanong na 'Why should we hire you'?", tanong ko sa abala sa cellphone na si Belle.
"Sus. Because you are hiring!!", buong pagmamalaki pa sya. Bakit ba kasi tinanong ko pa to.
"Katawa yon?", pagsusungit ko.
Dumating na ang oras ng aking pag-alis, alas onse ng umaga. Alam kong maaga pa, pero mas mabuti na iyon dahil Cavite to Makati ang byahe. Hindi ko sigurado kung trapik ba o hindi, kaya inagahan ko na lang din. Suot ko ang spaghetti strap white top at high waisted black jeans, ang aking top ay pinatungan ko ng puting office blazer.
"Kagalang galang ah.", pang aasar pa ni Belle. Inismiran ko lamang ito at nagpaalam na. Alas dose kinse ako nakarating sa nasabibg Building. Okay na rin kesa sakto lang or late, bad impression agad pag ganon. Pinagbuksan ako ng pinto ng guard at agad akong binalit ng simoy ng napakalmig na aircon, itinuro pa nito reception area kahit na madali naman itong makita.
"Good afternoon.", malugod na bati ng receptionist na napakaganda. nakapuyod ang buhok nito at walang takas kahit isang hibla, halata ang kaputian sa kanyang balat. Sa likod ng reception area ay marmol na pader kung saan naroon ang pangalan ng kompanya.
"Good afternoon po. Applica--",
"Oh, Ms. Tejana. You're early.", napangiti ako s kanya kahit pa hindi manlang nya ako pinatapos magsalita.
"That's nice, Mr. Zandevough like punctual employees. Anyway, are you ready? Samahan na kita sa kanya.", she volunteered. Napakahospitable.
"Mr. Z-Zandevough?", nauutal kong tanong.
"Yeah, the CEO.", tila may pagtataka nyang sabi.
Napatda ako, CEO agad? Hindi ba pwedeng supervisor muna, o kaya manager?
"Ah, ",
"It's okay Ms. Tejana. He is actually expecting and waiting for you.", she smiled and lead the way. Mabilis naman akong sumunod. Nakakahiya naman kung pahuli huli ako.
Iginiya nya ako sa napalawak na hallway, ang mga mata ko ay nataranta. Napakaganda ng pagkakadesign ng building, at napakalinis, parang pati langaw mahihiyang dumapo sa kahit saan doon. Huminto ang babae at humarap sa isang elevator sa dulo, parang medyo maliit ito kesa sa ibang nadaanan naming elevator. Pinindot nya ang button at bumukas iyon, she stepped in and I followed. Wala kaming imik sa loob ng lift, maya maya pa'y muli iyong bumukas, tumabi sya at tila binigyan ako ng daan palabas. Alanganin akong humakbang at nang maitapak ang aking mga paa sa labas ng elevator ay muling isinara nya iyon. Napatda ako, gusto ko syang habulin. Anong gagawin ko dito? Wala man lang instructions. Nag umpisang kumabog nang malakas ang dibdib ko at parang pumapasok ang lamig sa balat ko.
"You're here Ms. Tejana.", napapitlag ako nang marinig ang isang baritonong boses. Nilingon ko ang pinangalingan non para lang matulala sa lalaking naka three piece suit, kulay baby blue ang polo sa loob niyon at tila hindi tinatablan ng gusto. He's all smile, tila bumati pa sa akin ang pantay pantay at mapuputin nyang mga ngipin at ang maliit na kuwit sa gilid ng kanyang mga labi. Napakatikas ng tindig, in short, napakaguwapo. Hmm, pero mas guwapo pa din talaga si Arc, huy! Pinilig ko ang aking ulo sa kawalanghiyaang naisip. I need to focus.