HER POV Tahimik lang kami sa buong biyahe namin, paano ako makikipag-usap sa kaniya eh ayaw ko nga siyang kausapin. Hindi ko naman kasi talaga intention na mangyari ito umpisa pa lang. Napahinga na lang ako nang malalim at napahawak sa nilagay ni Elijah na handkerchief. “Hindi mo ba ako kakausapin?” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Ano namang pag-uusapan natin, aber?” tanong ko. “Ano usapang mag-ex? Ano nangyari after maghiwalay ganon?” dagdag ko. “Ikaw bahala?” wika niya. “Pwede malaman kung kumusta ka after natin maghiwalay? You know what I tried to text you nung umalis ka but I can’t reach you. They confiscated my phone eh.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Sinubukan niya akong contact-kin? Napalunok naman ako at napatingin sa labas ng sasakyan niya. “Pwedeng iba

