HER POV “Hey, you look so tensed,” napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Sino ba naman kasing hindi mate-tense, gusto mo ba naman pag-usapan yung tungkol sa mga anak natin. “Gusto kong pag-usapan natin yung about jelwery…” “Hindi ko sila ibibigay sa ‘yo!” Halos sabay naming sabi sa isa’t isa dahilan para magkagulatan kami. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka dahil sa sinabi ko. “Yeah, yeah about sa jewelry, saan ba natin gagawin?” masaya kong tanong sa kaniya para matakpan kung ano ang sinabi ko sa kaniya. “Sino yung silang hindi mo ibibigay sa akin?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako at napakamot sa aking ulo. Paano ko ba lalagpasan ito? Hindi naman kasi intensional iyon, natakot ako akala ko iyon ang sasabihin niya. “Mhh ano’ng sila sinasabi mo?” patay malisy

